Inakay ni Alden ang kanyang anak papunta sa veranda. Naupos silang mag-ama na magkatabi sa nandoong swing. Gamit ang isang paa ay marahang pinagalaw ni Alden ang duyan at inakbayan ang kanyang anak.
"What is it Daddy?" tanong ni Charmaine. Alam na nito na mayroon siyang mahalagang sasabihin.
Napatingala siya sa kalangangitan at napansin ang mga maliliit na nagkikislapang mga bituin. "Tumingin ka sa langit honey."
Mabilis namang tumingala si Charmaine. "Bakit Dad? I saw stars."
"Yes, there are lots of stars right now. And maybe your mom is one of those stars looking down at us right now."
"That's unfair Daddy!" reklamo ni Charmaine. "Mommy is not one of them. Hindi pa patay si Mommy."
"Honey, listen, we had been waiting and searching for eight years now. At sa pagkakataong iyon, wala tayong napala. Don't you think it is time for us to move on now?"
"No!" hysterical na wika ni Charmaine at mabilis na napatayo. "Mom is not dead!"
"Honey, listen."
"No Daddy!" matigas na sabi nito. "You will listen. If you believe that mom's already dead, I don't care pero para sa akin, hindi pa siya patay. And I know what's the next thing you would say."
"Sweetie, please do understand. Matagal na ring mag-isa si Daddy. Don't you think it is the right time... "
"I don't care Dad!" Charmaine cut him off. "Mag-asawa ka kung gusto mo Dad. But nobody can replace Mom in my heart."
"Charmaine..."
"Go ahead and marry anyone you like but Tracy. Hindi ako makakapayag na siya ang mapapangasawa niyo. I never liked her."
"That's unfair honey."
"Wag sa kanya, please Dad. I know about your relationship with her and I am not so pleased about it. Alam ko kung ano ang totoo niyang ginagawa."
Napayuko siya at biglang napahiya sa sarili niyang anak. Hindi na niya ito napigilan nang umalis ito at iniwan siya doon sa balcony. Muli siyang tumingala sa kalangitan. Sadness suddenly consumed him. Mabilis siyang tumayo at pumasok sa master's bedroom.
Dinampot niya ang picture ni Maine sa tokador at pinakatitigan. Lumipas ang oras ng katahimikan. Mataman pa rin niyang tinitingnan ang litrato. Then beads of water are starting to cover the picture. He cannot help it again but cry.
"Maine, you are so unfair." tangis niya sa hawak na litrato. Ilang buwan niyang tinigil ang pagkausap sa litrato nito. Hindi niya lang alam kung bakit ay biglang bumalik na naman ang gawain niyang iyon. "You left us without any word. Hindi ko na kayang mag-isa. I know that our family and friends are always here with me. But you left the eight years with me alone. Kung hindi mo iniwan sa akin si Charmaine ay baka matagal na akong sumuko."
Napahiga siya without letting go of the picture. Nakatulog siyang yakap-yakap ang picture frame.
*****
Tahimik na pumasok si Charmaine sa kuwarto ng kanyang ama. Nagsisi siya sa ginawa niyang pagsagot dito kanina. Gusto niya sanang magsorry. Natigil siya sa akmang paglapit dito nang mapansin niyang mahimbing itong natutulog. Hindi niya inaasahan na maaga itong nakatulog.
Napangiti siya nang mapansin na yakap-yakap nito ang picture ng kanyang ina. Maingat siyang lumapit dito at napaupo sa paanan ng kama. Payapa itong natutulog na tila walang kaproble-problema. Then she saw the tears on his eyes. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa kanyang ama. Mas lumapit siya rito. Gamit ang kanyang hinlalaki ay maingat niyang pinunasan ang hindi pa natutuyong luha ni Alden.
"I am sorry Daddy." she whispered while watching Alden's face. Tila mas lalo pa itong tumanda sa edad nitong kuwarenta'y kuwatro. She aches to see his father like this. She caressed his father's face. If she could do anything that would ease his pain ay nagawa na niya. "I am so sorry Dad. Kung pagod na po kayong maghintay ay hahayaan po kitang maghanap ng bagong magpapaligaya sa iyo. I admit that I had been selfish for the past years. I will let you do what you want now Dad. Pero sana wala pa ring makakapalit kay mommy sa puso niyo. Alam ko pong hindi naging madali sa inyo ang lahat pero wala akong nagawa kundi bantayan at pagbawalan ka sa lahat ng bagay. Hindi ko inalala na may sarili ka ring kaligahayan. I am so sorry Dad."
Unti-unti na rin niyang pinakawalan ang mga luha sa kanyang mga mata. "You can marry now Dad. Pati na rin po ako ay pagod na ring maghintay kay mommy. Pero, hindi pa rin po ako susuko. Kahit ayokong makita ka sa piling ng ibang babae maliban kay mommy ay hahayaan po kita sa gusto mong gawin. Alam ko ring darating din tayo sa ganito. Natakot lang po ako bigla kanina nang sabihin niyo sa akin ang bagay na aking kinakatakutan. I am so sorry for being so harsh on you. I love you Dad."
Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng ama at hinagkan ito sa pisngi. "Good night Daddy." Maingat niyang kinuha ang picture ng kanyang ina at ibinalik sa tokador saka siya nagmamadaling lumabas sa master's bedroom. Bumalik siya sa kanyang kuwarto na naiiyak. "Mommy, bakit mo kasi kami iniwan?" kausap niya sa picture ng kanyang mga magulang na nakapaskil sa kanyang pader. "I am sorry if I will give up Daddy to someone. Ako na rin po mommy ang nasasaktan para sa kanya. I am sorry mommy."
Katulad ng kanyang ama ay nakatulog siyang may mga luha sa kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..