Nagising si Maine na masakit ang buo niyang katawan. Even her head is spinning and the pain she's feeling there is almost unbearable. Nang imulat niya ang mga mata niya ay natagapuan niya ang sarili na nakabalik sa loob ng sasakayan ni Yumi. She stirred and found out that her hands and feet are tied. Halos maramadaman niya rin ang basa niyang buhok dahil sa dugong nanggagaling sa sugat niya sa ulo.
Natigilan siya at nabigla nang maramdaman niyang may kakaibang nangyayari sa kanya. That was when she realized that her memories are back! Naaalala niya kung sino siya at kung anong nangyari sa mga nakalipas na maraming taon. Sunod-sunod na mga luha ang malayang lumabas sa mga mata niya at naglandas sa kanyang mga pisngi.
She's having mixed emotions. She remembered her son Menard. Lumaki ito sa piling ng ibang tao. Ibang ama ang nakilala at nakagisnan nito. She's very thankful to Harry dahil kailanman ay hindi ito nagkulang sa pagiging ama sa anak niya kahit hindi naman nito kailangang gawin iyon. But, Harry is not his real father. Naaawa siya sa anak niya. Paano nito tatanggapin ang lahat sa napakamurang edad nito?
Si Charmaine? Oh! Her dear princess! Lumaki si Charmaine na wala siya sa piling nito. She was not there in the important phases in her daughter's life. Her graduations. Her 18th birthday. Her first menstrual cycle, wala siay para e-explain ang lahat sa anak niya. She does not doubt Alden's fatherhood, pero marami pa rin ang pagkukulang niya kay Charmaine. How many years? Ilang taon ang nasayang dahil sa mga nangyari sa kanya.
And there's Alden. Her own Alden. Her beloved Alden. Hindi niya nasabi dito ang sasabihin niya noon na buntis siya sa pangalawa nilang anak. She failed to tell him everything. He did not witness Menard's first cry, first laugh, first word, first word, and everything in her son's childhood. She remembered the first time she met him when she was still Kerry Anne. She saw the real sadness in his eyes, in his gestures, in his voice. Sa lahat, si Alden siguro ang pinakanaghirap. Marami silang mga pangarap noon na hindi pa nila natutupad.
Nalungkot siya nang maisip niyang magwawakas ang lahat sa oras na iyon. Although she still doesn't understand why Yumi hated her that much, alam niyang hindi na magdadalawang isip si Yumi na patayin siya sa pagkakataong iyon. Ilang taon na ang nakalipas na inakala ng mga ito na patay na siya at hanggang ngayon ay desidido pa rin ang mga ito. Ibig sabihin lamang iyon ay obsessed pa rin ang babae sa asawa niya. At the back of her mind, there is something that is rejoicing for thinking that her husband did not fall for Yumi kung meron man itong ginawa para makuha ang pagmamahal ng asawa niya.
Mamatay man siya ngayon kasama ang mga katotohanang siya lamang ang nakakaalam ay umaasa pa rin siya na maibalik ang lahat kay Alden. All those things that are rightfully his. His son. His happiness. His life. Medyo kampante rin siya nang maisip niya sina Harry at Tita Judith. Whatever happens, alam niyang gagawin ng mga ito ang mga nararapat. Knowing Tita Judith, she believes that the old woman will do everything to uncover the mysteries that filled her life.
Maine silently prayed. Saktong katatapos niya sa sarili niyang panalangin nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan.
"Lumabas ka diyan!" galit na galit na wika sa kanya ni Yumi. Sinenyasan nito ang kasama nitong lalaki. Lumapit sa kanya ito at marahas siyang hinila palabas. Kinalagan nito ang gapos niya sa paa para makatayo siya nang maayos.
"Lakad!" utos sa kanya ni Yumi habang nakatutok sa kanya ang baril nito. Itinuro nito ang bangin.
She slowly stepped her foot forward without making any word. Kahit na alam niyang mapanganib ay naiisip niyang lumaban. Mamatay lang din naman siya, bakit hindi na lang siya lumaban para sa buhay niya? She took another step, trying to focus and to calculate her moves. Nasa likod lang niya ang lalaking kasama ni Yumi. Ang babae naman ay medyo malayo sa kanya habang inuutusan siyang lumapit sa bangin. She took another step. Pinapakiramdaman niya ang lalaki sa kanyang likuran. Nang maramdaman niya ang contact nito ay buong puwersa niyang iwinasiwas ang dalawang kamay niyang nakagapos papunta dito.
Napamura ito sa puwersang pinakawalan niya. Natumba ito dahil hindi nito inaasahan ang ginawa niya. Galit na napasigaw si Yumi. The woman became uncontrollable. Kasunod noon ay ang dalawang pares ng ilaw na biglang lumitaw at nagbigay ng liwanag sa buong lugar. Mas lalong nagpanic si Yumi dahil may dumating na sasakyan at tumigil pa sa kanilang kinaroroonan.
Yumi pointed her the gun. Isang putok ng baril at ang malakas na pagsigaw mula sa bagong dating ang pumuno sa katahimikan ng gabi. Another pain slashed her thighs before she fell to the ground.
*****
Laking pasasalamat nina Alden at Harry dahil sa mga impormasyon na binigay sa kanila ni Bradley about Yumi's car. At base sa mga napagtanungan nila ay mayroon ngang ganoong sasakyan na dumaan sa mga bayan na dinaanan nila. Buti na lang din ay may mga tao ang nakapansin na pumasok ang sasakyan ni Yumi sa isang kalsada na hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan.
Sa loob ng biyahe nilang dalawa ay halos hindi sila nag-uusap. Isa lang ang nasa isip nilang dalawa, ang kaligtasan ni Maine aka Kerry Anne. They did not talk dahil ayaw nilang mag-isip ng iba pang posibilidad. Luckily, may nakita silang ilaw sa hindi kalayuan. Iyon ang sinundan nila at hindi nga sila nagkamali. Sa isang liblib na lugar ay nakita nila sina Yumi kasama ang isang lalaki at tila naninigarilyo ang mga ito. Ilang sandal lang silang naghintay nang mapansin nilang may taong inilabas ang mga ito sa sasakyan. That was when they saw the person they are looking for.
Halos paliparin ni Alden ang sasakyan nang makita nila ang ginawa ni Maine. Mabilis silang lumabas ng sasakyan nang makalapit sila sa mga ito. Napasigaw siya nang malakas nang barilin ni Yumi ang asawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/80792914-288-k888383.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
أدب الهواةThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..