If any of you is knowledgeable about the medical part of this story about the 'blood transfusion', please correct me if I was mistaken kung anuman ang nilagay ko dito. Tinamad kasi akong magresearch. Nilagay ko lang basta kung ano ang lumabas sa aking utak. Thanks!
Ilang araw na rin si Alden sa Baguio. Talagang tinotoo niya ang paggawi doon para magbakasyon. Habang nandoon siya ay naramdaman niyang talaga palang maraming bagay ang hindi niya ibinigay sa kanyang sarili sa mga nakalipas na mga taon.
Nakaramdam siya ng ginhawa habang naroroon siya. Katunayan nga niyan ay nahihibang na ang kanyang katawan sa klima ng lugar. Hindi pa niya ipinapasya kung kailan siya babalik sa Kamaynilaan.
Ang kanyang anak at si Maiden ay naunang bumalik. Kailangan kasi ng mga itong mag-enrol para sa susunod na semestre. Susunod na rin siya. Hindi niya lang alam kung kailan. At bago siya babalik ng Manila ay kailangan niya munang bisitahin muna ang bago niyang kaibigan.
Kaya sa araw na iyon ay muli siyang bumisita sa Camp John Hay. Dumiretso siya sa hotel na kinaroroonan ni Menard. Ito ang isa sa naging distraction para makalimot sa mga dagok na nangyari sa kanyang buhay.
Pumasok siya sa hotel at lumapit sa reception. Nagulat ang staff nang siya ay mamukhaan. Ganunpaman magalang siyang binati nito. "Good morning Sir. How may I help you?"
"Si Menard. Nandito pa ba ang batang iyon?"
"Ang anak po ba ni Sir Harry ang tinutukoy niyo?" malungkot na wika nito. Bigla siyang kinabahan sa nakita niyang expression sa mukha nito.
"Yes Miss." sagot niya kahit hindi siya sigurado kung Harry nga talaga ang pangalan ng Daddy ni Menard. Kerry Anne lang na pangalan ng Mama nito ang binanggit sa kanya ng bata.
"Sorry po Sir. Wala po siya dito ngayon."
"Nakauwi na ba sa kanila?" mabilis niyang tanong.
"Teka lang po Sir. Kaanu-ano niyo po ba ang bata?"
"Ah." usal niya na sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Kaibigan ko siya." pagkuway sabi niya makalipas ang mahabang katahimikan. "Nakilala ko siya noong isang araw dito. Ako rin ang nagpasyal sa kanya no
ong isang araw. Gusto ko sana siyang yayain ngayon para mamasyal."
Kunot-noo siyang tiningnan ng receptionist. Hindi siguro ito makapaniwala sa kanyang sinasabi. Sabagay lahat naman siguro ng makakarinig sa kanyang sinsabi ngayon ay magugulat.
"I am sorry Sir. Dinala po sa ospital kagabi si Sir Menard."
"Ospital? Paanong? Anong nangyari sa kanya?" Ang kaba niya kanina ay mas lalong nadagdagan.
"Nagkafever po kasi kahapon. Lumalala kagabi kaya dinala na siya ni Sir Harry sa ospital. Baka po madapuan ng dengue."
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanficThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..