Forever 21

1.1K 72 4
                                        


Writing this story is really a big challenge for me. haha Actually, dito ako nahihiran compared sa dalawa kong on-going AlDub Fan fictions. This more challenging than  a fantasy story. Mas nahihirapan pa ako dito compared sa Sanctuario..xD



"Mommy!" came the excited voice of her son. Mula sa bumakas na pintuan ay patakbo siyang nilapitan ni Menard. "Totoo bang nandito si Sir Alden?"


Ngumiti siya at saka yumuko para pagbigyan ang anak na humalik sa kanyang pisngi. Mabilis namang sumunod ang bata. "Yes honey. Nakilala ko na siya kanina."


"Talaga?" masayang sabi ng bata. "Gusto ko siyang makita mommy."


"Hindi ko alam kung nasa kabila pa siya anak. Baka sumunod na sa ibang guests para mamasyal."


"Gusto ko siyang makita. Titingnan ko lang mommy baka nandoon pa siya."


Bago pa man siya makapagsalita ay nawala na ang kanyang anak. Mabilis itong nakalabas ng bahay. Ngumiti na lang siya at ipinagpatuloy ang panonood.


*****


Nakaupo si Alden sa isang couch sa first floor. Katatapos niya lang kausapin si Bea sa telepono. His secretary told him that Tracy is always looking for him. Sinabi niya lang dito na pabayaan ang babae. Siya na lang ang bahalang magsasabi na nasa bakasyon siya. Maglalunch na pero wala siyang balak na lumabas. Verdant Homes does not offer a lunch kaya silang mga guest na ang bahalang maghanap ng kanilang pagkakainan ng tanghalian.


Mamaya na lang siya siguro lalabas at maglakad-lakad sa main town. Parang nawalan na kasi siya ng ganang mamasyal pagkatapos niyang makilala ang asawa ni Harry Kendrick. She is exactly the duplicate of his wife. Ang paraan ng pagkilos ay sa asawa niya talaga yun nga lang hindi ito kilala ng kanyang puso.


Nine years ago, Maine called him to go to Pampanga for a shoot. His wife was one of the characters in a movie that should be an entry to the Metro Manila Film Festival. Maine was doing that movie for consecutive four years. Alam ni Alden na may shooting ang kanyang asawa doon. Tumawag lang ito para sabihing papunta na. His wife was always like that. Very sweet. And totally loving.


Two hours later, he received another call. It was from an unknown number. He regretted the moment that he took that call. Ni hindi man lang pumasok sa kanyang isip na ang tawag na iyon ang magbabalita sa kanya sa masakit na sinapit ng kanyang asawa. Who would? Sino ba ang may gustong makatanggap ng tawag sa isang di kilalang numero at mababalitaang patay na ang iyong asawa.


At first, Alden thought it was just a hoax. A prank from his bashers and haters. Pero nang magflash sa TV ang balitang nangyari ay doon na siya pinanghinaan ng loob. Mabilis siyang bumiyahe at pumunta sa pinangyarihan ng insidente.


Nalaman niyang may isang bus na nakabanggahan ng kotseng sinasakyan ng kanyang asawa. Kasama nito ang driver nilang si Max. Parehong sumabog ang dalawang sasakyan at lahat ng mga pasahero at mga drivers ay namatay. Ang mga biktimang nakaupo sa unahan ng bus ay halos hindi na makilala. Kasama na iyon ng kanyang asawa at si Max. Nasunog ang mga katawan and made it impossible for the victims to be identified.


Nang humupa ang apoy at nakalap lahat ng mga bangkay ay wala ng makitang palatandaan sa mga iyon. Iilan lamang sa mga biktima ang nakilala at sa mga iyon ay wala si Maine Mendoza.


Mataas ang posibilidad na isa sa mga bangkay na hindi na matukoy ay ang asawa ni Alden. Dahil na rin sa mga pangyayari, lahat ng mga hindi matukoy na bungkay ay ibinurol at inilibing sa iisang lugar.


Natapos na ang trahedya pero sina Alden ay hindi pa rin matanggap ang nangyari. Siya at ang kanyang mga pamilya't mga kaibigan ay umasa pa rin na hindi nakasakay si Maine sa sasakyan nang mangyari ang banggaan. Si Max lang ang kanilang pinagluksahan. Ipinagbawal niya ang lahat na huwag na huwag ipagluksa ang kanyang asawa hangga't hindi napapatunayan na isa sa mga nasawi ay si Maine.


Pagkaraan ng isang araw ay nakatanggap sila ng balita na ang bilang daw ng mga pasahero ng bus at ng kotse ay pareho sa mga bilang ng bangkay na nahanap. Doon na sila nagsimulang mawalan ng pag-aasa. Hanggang sa lumipas ng mga araw, mga linggo, mga buwan, at mga taon. There is no sign of Maine. Tuluyan na nilang natanggap ang nangyari maliban lamang sa kanyang anak na si Charmaine.


Then, after long nine years, makikilala niya ang isang babae na talagang kahawig na kahawig ng kanyang asawa. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang iisipin. Sino si Kerry Anne? At bakit kamukha nito ang kanyang asawa? These questions will keep on lingering through his mind hanggang sa makahanap siya ng mga kasagutan.


Natigilan sa pagmumuni-muni si Alden nang marinig niya ang boses ng isang bata. "Nandito po ba si Sir Alden."


Napatayo siya nang marinig ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa reception desk at nakita niya doon si Menard na kausap si Robert. Napangiti siya pagkakita sa bata. Lumapit siya dito at masayang ipinaalam ang kanyang presensiya. "I am here."


"Sir Alden!" masayang sabi ni Mennard. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng isang mainit na yakap. Ginantihan niya ito. Yumakap din siya sa bata. He felt home.


Ang susunod niyang maalala ay kasama na niya si Menard na nakaupo sa couch at nakikinig sa mga kuwento nito. The boy is very eager to talk to him. Doon niya narealize na matagal pala niyang namissed ang kaibigan niyang ito. Menard told him all of his experiences after their last meeting. His adventures to the Palarong Pambansa at lahat ng mga mahahalagang bagay na nangyari sa buhay nito sa nakalipas na taon. Hindi niya napapansin na mas lalo siyang nakakaramdam ng saya habang nagkukuwento sa kanya ang bata.


 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon