Forever 22

1K 61 4
                                    


Medyo payapa ang loob ni Bea sa araw na iyon. Hindi na kasi siya ginambala ng babaeng kinaiinisan niya. Inuras-oras ba naman kasi siyang iniistorbo ni Tracy at pilit siyang sinasabihang aminin kung nasaan nagbakasyon si Alden. Siyempre kahit anong gawin nito ay hindi niya sasabihin dito. Baka sundan pa nito si Alden at magambala ang bakasyon ng kanyang pinakamamahal na boss.


Ang katahimikan niya kanina ay tuluyan nang naglaho nang marinig niya ang mga pamilyar na yabag na palapit. Tumugil iyon sa tapat ng kanyang mesa. She sighed silently. Hindi na niya kailangan pang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ang kanyang 'panauhin.'


"I told you, hindi ko alam kung saan nagbakasyon si Sir Alden." mabilis niyang sabi para pangunahan si Tracy. Hindi niya pa rin ito tinitingnan.


"Well, I came here to tell you that I already know it." came the irritating voice she had ever heard in her entire years of existence. Bigla siyang napataas ng tingin. Nasilayan niya ang nakangising mukha ni Tracy na para bang tinutuya siya.


"I don't believe you." muli niyang sinabi at binalikan ang ginagawa sa computer.


"I expect that." turan nito sa tonong nanunuya. "But you should believe me kung sasabihin kong si Alden mismo ang nagsabi kung nasaan siya."


Natigilan siya ulit. Nagsasabi kaya ito ng totoo? Bakit naman ipapaalam pa ni Alden ang kinaroroonan nito. Akala niya ay ayaw nitong magpaistorbo. Tiningnan niya lang si Tracy with a heightening boredom at saka binalikan ang ginagawa.


"Speechless?" And now, this woman is annoying her. Sabagay, kanina pa naman siya naiinis. "Hoy Bea, sekretarya ka lang ni Alden kaya wala kang karapatang bakuran siya na parang asawa mo."


Mas lalo siyang nainis sa narinig. Siyempre kailangan niya ring bumawi. "Empleyado ka rin lang dito Tracy." sabi niyana mahinahon ng kanyang tinig. "Mas mataas ka lang sa akin kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan. Hindi rin ikaw ang asawa ni Alden."


"Aba't ang bastos na ito!" hiyaw ni Tracy na itinaas ang kamay. Hindi niya alam kung ano ang sana ay gagawin nito. Bigla kasi nitong ibinaba ang kamay at saka muling ngumisi. "Well, atleast mas close kami ni Alden. At kaya ko siyang mapasaakin. Kaya kahit anong gawin mo, itago o ilayo mo siya, sasabihin pa rin siya sa akin kung nasaan siya. So, how's that?"


Hindi na siya sumagot. Partly, tama ito. Hindi niya naman kasi hawak ang isip ng kanyang boss.


"And Bea, mind you. I am on vacation starting today." nakangisi nitong sabi. "And guess what, mag-out of town ako. You know where? Sa Sagada, what do you think of that place?"


Bigla siyang napatayo sa sobrang galit. "Hindi ko papayag."


Napaatras si Tracy na tumatawa. "Wala ka ng magagawa pa dear secretary. You can't just have your vacation ng walang dahilan. Isa kang secretary lamang. Anong magagawa mo ngayon? Mabubulok dito at ako naman ay magliliwaliw kasama ang pinakamamahal mong boss."


"Bitch!" malakas na sigaw niya.


"Poor Bea." Tracy mocked her. "Ba-bye. And anyway, pagbalik ko dito ay hindi na kita makikita. Sisiguraduhin kong masisisante ka. Pipilitin ko si Alden."


Hanggang sa makaalis ito ay nagpupuyos pa rin ng galit si Bea. Hindi niya namalayan na nabasag na pala ang mouse ng computer sa higpit ng kanyang pagkakahawak doon.


*****


"Ayan, galit na galit ka na naman." sita ni Yumi kay Bea nang magkaroon sila ng pagkakataon na magkasamang kumain sa canteen ng building na kanilang pinagtatarabahuan. "What happened?"


"It is your boss's fault. That bitch!"


Pagak na natawa si Yumi. "Ano ka ba naman? Palagi mo na lang pinoproblema si Ma'am Tracy. Tatanda ka niyan kaagad."


"No way!" malakas na tutol niya. "Ayokong tumanda na kagaya ng Tracy na iyon."


"Eh, bakit nga kasi ang init-init na naman iyang dugo mo sa kanya?"


"At bakit naman hindi? Dumating na lang siya bigla sa floor namin para lamang ipaalam na alam na niya kung nasaan si Sir Alden. Alam mo iyon, such an immature act."


"Hayaan mo na nga kasi sila sa gusto nilang gawin."


"No way! Ang gusto ko lang naman ay makapagbakasyon si Sir Alden na payapa ang loob. Isang taon na rin naman siyang palaging subsob sa trabaho. Naawa ako sa kanya sa ginagawa niya sa kanyang sarili kaya hindi ko sinabi kay Tracy kung nasaan ito. Tapis biglang sabihin sa akin ng babaeng iyon na susundan niya si Boss sa Sagada. Hindi ko makakapayag!"


"Chill ka lang friend." mahinahong wika ni Yumi. "Hayaan mo na sila. Kailangan din naman ni Maam Tracy ang bakasyong iyon."


"Hindi pa rin eh." muli niyang saad. "Sge threatened me. Sabi niya ay kukumbinsihin niya si Sir Alden para sisantihin ako."


"Hindi rin magagawa ni Sir Alden iyon. Isa kang magaling at maaasahang empleyado kaya hindi ka basta-basta tatanggalin dito dahil lamang ayaw ka ni Ma'am Tracy."


Tumango-tango na lang si Bea at sumang-ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan. "You're right. Pero paano pag iistorbohin ni Tracy ang pagbabakasyon ni Sir Alden."


"Ano ka ba naman? Hayaan mo na sila diyan. Bahala na sila sa kanyang bakasyon."


*****


Hindi natuloy si Tracy sa plano niyang pagsunod kay Alden sa Sagada. Sa araw ng kanyang pagbiyahe ay natagpuan niya ang kanyang kotse sa kanyang garahe na wakwak ang mga tires. Nagulat siya sa mga nangyari. Alam niyang may gumawa noon sa kanyang kotse. Lahat ng mga gulong ay naflat at ilang araw pa niya makukuha iyon kung ipapaayos niya iyon sa isang talyer.


Ayaw na ayaw niya ng nagcocommute pag nagbibiyahe siya ng malayo kaya hindi na niya itinuloy ang planong pagbakasyon sa Sagada. Galit na galit siya sa nangyari. May isang taong pumasok sa kanyang isip na gumawa noon sa kanyang sasakyan. Sino ba ang may ayaw na sundan niya sa Sagada si Alden kundi ang sekretarya nitong si Bea. Mas lalong kumulo ang dugo niya sa babaeng iyon. Papatunayan niyang ito ang gumawa doon sa kanyang sasakyan at saka siya maghihiganti. Kailangan niyang matanggal ang babae sa kompanya.


 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon