Forever 28

1.5K 90 12
                                    


Alden Richards is breathing heavily. Having Kerry Anne this close to him is almost unbearable. He inhaled her scent and his consciousness almost flew away. Nakakawala ito ng katinuan. Imbes na lumayo ay mas lalo niyang inilapit ang katawan sa babae. Nilakasan niya ang paglabas ng tubig mula sa gripo at saka hinawakan ang kamay ni Kerry Anne. He could easily feel how she is trembling right now.


Dahan-dahan niyang kinuha ang plato at itinutok sa tubig. Ipinagpasalamat niya ang kawalan ng imik ni Kerry Anne. Nararamdaman niyang hanggang sa pagkakataong iyon ay wala itong alam sa mga nangyayari. Gamit ang isa niyang kamay, muli niyang nahawakan ang kamay ng babae at iyon ang ginamit na panglinis sa plato. Para niyang tinuturuan na maghugas ng pinggan si Kerry Anne sa kanilang posisyon ngayon. Nanatiling stiff ang babae. Maybe, she has nothing to do with what he is doing right now.


Nagawa nilang tapusin ang paghuhugas ng kanyang pinagkainan. Ayaw man niyang umalis sa pagiging intimate dito ay wala na siyang nagawa. He reached for the dish towel at siya na ang nagpunas ng mga plato. Napansin niyang napalayo si Kerry Anne. Tinungo nito ang dining table at tila nahahapong naupo sa upuan nito kanina. Pagkatapos niya sa kanyang ginagawa ay muli niya itong nilapitan. Nakatingin ito sa kawalan at tila walang pakialam sa kanyang presensiya.


"Kerry Anne." he whispered softly. He never wanted to spoil that amazing and magical moment between them. Hindi pa rin natinag ang babae. Kung maari lang sanang basahin ang nilalaman ng isip nito ay baka kanina pa niya nagawa. "Are you fine?"


Doon biglang natauhan si Kerry Anne. "Ok lang ako." mabilis nitong sagot at saka biglang napatayo. "Kung wala ka ng maipapagawa ay maiiwan na muna kita rito Mr. Richards."


"Kerry Anne!" napalakas na tawag niya sa pangalan nito nang malaman kung ano ang pinaplano nito.


Lumingon sa kanya ang babae at naghintay ng susunod niyang sasabihin. Sa kawalan niya ng mga salita ay naging dahilan upang muling tumalikod ito. Wala na siyang nagawa dahil nakalabas ito ng dining room. He took the seat she left and sighed heavily.


*****


Kerry Anne was confused. Totally and really confused. Hindi niya maintindihan ang nangyari kanina. May bahagi kasi ng kanyang isip na tila nagugustuhan ang nangyayari sa pagitan nila ni Alden Richards. Lumayo lang siya dito dahil nahihiya siya sa epekto sa kanya ng lalaki.


Alam niyang malaki ang atraksiyon meron si Alden sa kanya at ayaw niyang patulan iyon. They are not teenagers to be impulsive and do whatever their flesh is dictating them. At isa pa, both of them have their own families. Ang sagwang isipin na hinahayaan niya si Alden Richards na gawin nito ang mga bagay na bigla lang nitong naisipan. Marahil ay nangungulila lang ito sa asawa nito kaya sa kanya bumabaling ang lalaki. Now, as much as possible, she will still treat him as their guest in Verdant just like the way she treated the others. Ngayon ay hindi na siya iiwas dito na parang isang bata. Haharapin niya pa rin si Alden Richards at ituring na bisita lang nila ito doon.


*****


Mula nang dumating si Alden sa Sagada ay minsan lang siya tinawagan ng kanyang sekretarya. Ang oras na iyon ay siyang pangalawa nitong pagtawag. Ibinilin na niya kay Bea na sana huwag itong t at awag kung wala itong importanteng sasabihin. At ngayong tumatawag na ito ay baka may importanteng sasabihin sa kanya ng dalaga.


"Hello."


"Sir. Gusto ko lang pong iparating sa inyo na bumiyahe po si Ma'am Tracy papunta diyan sa Sagada." wika ng kanyang sekretarya. Naririnig niya sa boses ng babae na tila galit na galit ito. "Anytine ay nandiyan na siya sir. Maaga daw siyang bumiyahe papunta diyan."


"Ano bang gagawin ni Tracy dito?" tanong niya.


"Alam kong kayo ang sadya niya diyan Sir. Sinabi niya rin sa akin mismo." sagot nito na hindi man lang napalitan ang tono ng boses.


"What?! Ano bang sadya niya sa akin? Sinabi niya sana mismo sa akin para pag-usapan namin pagbalik ko."


"Hindi ko rin alam Sir. Umaasa yata na masosolo niya kayo habang nandiyan kayo sa Sagada. That bitch!"


"Bea!" warning niya rito. Nakaligtaan yata ni Bea na siya ang kausap nito.


"Pasensiya na Sir pero nagsasabi lang po ako ng totoo."


Natigilan si Alden nang marinig niya ang mga boses sa reception. Napalingon siya doon at laking gulat niya nang makita si Tracy doon. "Bea, I gave to go. Nandito na nga si Tracy."


"Ang bilis naman yata niya." sagot ng nasa kabilang linya. "Mag-iingat po kayo sa kanya Sir. Alam ko kung ano ang nilalaman ng bituka niyan."


"I will Bea." aniya before ending the call. Nahahapo siyang muling napatingin sa reception table. Napilitan siyang lumapit doon.


"Anong ginagawa mo dito?" matabang niyang tanong sa babae. Napansin niyang nagliwanag ang mukha ni Tracy at saka sinalubong siya ng yakap.


Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nakatingin lamang sa kanila sina Jectofer at Venus na nagduty sa araw na iyon.


Kumalas sa kanya si Tracy at tila hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Hindi ko alam na dito ka pala tumutuloy. Saktong-sakto pala. Baka puwede mo akong samahan mamasyal dito sa Sagada."


Naipikit niya ang kanyang mga mata. Alam niya kaagad na nagsisinungaling ito. Tama nga si Bea, siya nga ang sadya ng babae doon sa Sagada. "I am sorry Tracy. Hindi ko magagawa iyan."


"Ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhan nitong tanong.


"Hindi ko pa nalilibot ng buo ang lugar na ito. Namalagi lang ako dito para magpahinga."


"Eh, tamang-tama pala ang dating ko. Masasamahan mo siguro ako na mamasyal. You know, hindi naman yata maganda na mag-isa ko lang na nililibot ang bayan na ito."


Bigla silang natigilan nang marinig nila ang pagbukas ng main entrance. Pumasok doon si Kerry Anne at nagtuloy-tuloy sa front desk. "Venus, may bago pa tayong bisita?"


Dahil kay Kerry Anne nakatutok ang paningin ni Alden ay napalingon si Tracy para pagmasdan ang kanyang tinitingnan. Hindi ito makapaniwala nang masilayan ang kakapasok lang na babae. Nanlaki ang mga mata nito at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Kerry Anne.


"Maine!" nahintakutang bulalas ni Tracy bago pa man ito nawalan ng malay.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon