Forever 14

1.1K 77 10
                                    




Nahahapong isinandal ni Alden ang kanyang ulo sa headrest ng kanyang upuan. The day is really tiring. May shooting siya para sa isang movie kanina lang. Pagkatapos nun ay agad siyang dumiretso sa kanyang opisina para asikasuhin ang problemang itinawag sa kanya kanina ni Bea. Ngayong nagawan na niya ang lahat ng paraan ay bigla siyang nakaramdam ng pagod. He is working restlessly again.


Isang taon ang mabilis na nakalipas mula noong nagbakasyon siya sa Baguio. At iyon ang huli niyang naging bakasyon. Ngayon ay parang gusto na niyang magbakasyon na naman. Naalala niya si Harry Kendrick. Naging kaibigan niya rin ito. May komunikasyon sila at paminsan-minsan ay nagkukumustahan over the phone.


Inilabas niya ang kanyang wallet at mula doon ay kinuha niya ang coupon na binigay sa kanya noon ni Harry. Hindi pa naman nag-eexpire yun. Maari niyang gamitin iyon sa pagkakataong ito.

Sagada. Binuksan niya ang kanyang laptop at nagbrowse ng mga pictures at articles na tungkol sa lugar. Namangha siya sa kanyang nakita. The place is rich in tourism and caves are the primary scenery. Marami pa siyang nakitang maaring pasyalan doon. May nabuo na siyang pasya nang patayin niya ang kanyang laptop.


Kinuha niya ang kanyang organizer at tiningnan ang kanyang mga appointments. Kailangan niyang tapusin ang lahat ng mga nandoon at magbabakasyon siya pagkatapos. He can also take Charmaine with him. Yun nga lang may pasok pa ang mga ito.


Dinampot niya ang kanyang cellphone at may idinayal. Ilang sandali lang ay kausap na niya si Harrison Kendrick. Sinabi niya rito ang kanyang plano na magbakasyon sa Sagada. Masaya namang natanggap iyon ng kanyang kaibigan. Yun nga lang, may flight daw ito kinabukasan at kailangang magstay sa Amerika ng isang taon para sa business nito. Sabi nito, ay ibibilin na lang daw siya sa asawa at tita nito.


Pagkatapos ng tawag ay tumayo na siya para umalis. Sa bahay na lang siya magpahinga. Nadatnan niya sa labas si Bea na may itinatype. "Bea, pagkatapos mo diyan ay maari ka ng umuwi. The boss is going now, kailangan kong magpahinga."


Ngiti lang at tango ang isinagot ni Bea. Sa nakalipas na taon ay hindi na siya pinagtangkaang akitin pa ng babae. Kinlaro kasi niya rito na hindi niya ito papatulan. Ganunpaman, ipinaparamdam pa rin nito ang pagkakagusto sa kanya. Kadalasan ay inaaway pa nito si Tracy pag nagpupunta sa kanyang opisina ang babae.


Speaking about Tracy, matagal na rin niyang itinigil kung anuman ang kakaibang ugnayan niya rito. He became celibate for the past year. At ikinatuwa iyon ng kanyang anak. Hindi na rin siya masyadong binabantayan nito. Hula niya ay nakausap rin ito ng kanyang mga biyenan tungkol sa paghanap niya ng bagong mapapangasawa. Sa ngayon ay wala pa naman siyang nahahanap dahil sa totoo lang ay hindi niya concern ang bagay na iyon. Hahayaan niya lamang ang kusang darating.


Kung nagpupunta si Tracy sa kanyang opisina ay madalas siya nitong pinaparinggan ng mga bagay-bagay na tungkol sa kanila. Hindi lang iisang beses na tinangka ni Tracy na akitin siya muli. Always, she did not succeed. Pero matiyaga pa rin niting ipinupush kung anuman ang gusto nito. At matiyaga at matatag na rin niyang natatanggian ang babae. For him, they should remain as friends and forgive each other for what they have both done. But still, Tracy is determined to bring him back to her.


*****


"I have something to say." sabi ni Alden sa kanyang anak habang kumakain sila ng hapunan sa araw na iyon.


Natigilan si Charmaine at tinitigan ang ama. Kadalasan pag ganun ang tono at sinasabi ni Alden ay kinakabahan ang kanyang anak. "Ano iyon Dad? Siguraduhin mong ikakatuwa ko iyan."


"Do you think it is the right time?"


"Anong right time yan Daddy?" nanlalaki ang nga mata na tanong ng kanyang anak. "Na mag-aasawa na kayo? May nakilala ba kayong ibang babae Dad?"


"Yes." he replied with a smile on his lips. "Ito na kaya ang pagkakataon na makapag-asawa na muli ako?"


Natahimik si Charmaine na sa pagkakataong iyon ay talagang naiiyak na. He was right all along nakausap nga ito ng kanyang mga biyenan.


"Kidding!" mabilis niyang bawi sa sinabi niya kanina. Abot-tainga ang kanyang ngiti.


Nanlaki ang mga mata ni Charmaine. "Ginulat mo ako Daddy!" malakas nitong reklamo. Mabilis nitong pinunasan ang maluha-luhang mga mata. "Daddy kasi eh. Sabihin mo na sa akin ang gusto niyong sabihin."


"Ito na nga sweetie. Daddy decided to take a vacation."


"Kailan yun Daddy?"


"The week after next week at sa Sagada ako pupunta."


"Sagada! Wow! Napakaganda ang lugar na iyon Daddy. I am glad that you finally decided to take a break."


"Susunod kayo doon ni Maiden pagkatapos ng semestreng ito."


"Talaga Dad?" Mabilis itong tumayo, lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


*****


Masaya si Harry dahil tumawag sa kanya si Alden at sinabi nitong pinapaunlakan nito ang imbitasyon niya noon na bumisita ito sa kanila sa Sagada. Kasabay nun ay nalulungkot siya dahil isang taon siyang mawawala sa bansa. Bukas kasi ay flight niya papuntang America para ayusin ang naiwan niyang mga businesses sa land of liberty and opportunity. Ibig sabihin niyan ay wala siya pag nagpunta si Alden sa Sagada. Mabuti na lang at nandoon si Kerry Anne at ang tiyahin niyang si Judith.


Speaking of Alden, bigla siyang naging curious sa pagkatao ng isang iyon. Oo nga at inamin sa kanya ni Menard na isa itong celebrity, pero hindi pa niya ito nakikita sa telebisyon. Una sa lahat wala kasi siyang panahon na manood ng tv. Kung may oras siya ay mga news programs lang ang kanyang pinapasadahan.


Tiningnan niya ang nakabukas na laptop. Mabilis siyang lumapit doon. He opened his browser and search on 'Alden Richards'. Totoo nga ang sinabi ng kanyang anak. Alden is a celebrity. And he was one of the greatest star in the whole country. He has one child named Charmaine and affiliated to equally great stars like James Reid, Nadine Lustre, Jefferson Paul, and Robelyn. Hindi niya rin kilala ang mga taong mga ito.


What caught his atention is the plus sign beside his wife's name. Bigla siyang naintriga at nagbasa pa ng ibang article tungkol kay Alden. Nalaman niyang namatay na pala ang asawa nito maraming taon na rin ang nakalipas. And Alden was never seen to date some women after his wife's death.



"Maine Mendoza." malakas na basa niya sa pangalan ng asawa nito. Bigla siyang naging curious sa itsura ng babae. He copied Maine's name and paste it on his browser's search tab. He was about to press enter when his phone suddenly vibrated. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag. It was Kerry Anne. Tuluyan na niyang nakalimutan ang ginagawa niyang 'research'. He closed his browser, turned off his laptop at ibinaling ang atensiyon sa kanyang kausap.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon