Forever 17

1K 67 8
                                    


To confirm all your suspicions, Maine is really Kerry Anne. Baka nagtataka kayo kung bakit sa tagal ng 8 or nine years ay hindi pa nalalaman na siya nga si Maine. I chose Sagada as a good setting because people there are not into celebrities like the usual people do. They don't usually go to crowds because of a certain celebrity. Kung may artista mang nakita nila ay hindi sila yung tipong lalapit at magpapapicture or something. Magugulat sila but eventually ang nakita nilang celebrity ay tila ordinaryong tao lamang na dumaan. That was my observations dahil ilang beses na rin akong nakapunta sa lugar na iyon.


That morning, Kerry Anne woke up early as usual. Maaga siyang sumabak sa kusina at nagluto ng agahan nila ng kanyang anak at ni Tita Judith at pati na rin yung agahan ng mga guests sa Verdant. Dati ay salitan sila sa pagluluto ni Tita Judith. Kadalasan ay siya na lang ang gumagawa ngayon. Ayaw niya kasing mapagod ang matanda.


Si Tita Judith ay nadatnan na niya sa bahay mula noong napdpad siya doon. Wala itong asawa at wala ring mga anak. Ayon kay Harry ay wala daw itong naging kasintahan kahit kailan. Retired high school teacher ito mula sa pribadong eskwelahan doon sa Sagada. Kapatid nito ang ina ni Harry na nakapag-asawa ng isang dayuhan. Sa kasamaang-palad ay namatay ang mga ito sa isang aksidente. Napasa dito ang responsibilidad na pangalagaan ang batang ulila na si Harry. Pinalaki naman ito ni Judith at itinuring na sariling anak. Hindi kailanman ito nagsisi dahil talaga namang lumaki si Harry na naging responsable at matagumpay.


Speaking of Harry, he is out of the country. Hindi nila alam kung kailan ito babalik. Baka aabot ito ng isang taon katulad na lang pag pumupunta ito sa states. Ang alam ng lahat ay business nito ang pagpunta nito doon. Iyon ang sinabi nito kay Tita Judith at sa mga iba pa nilang kakilala.


Pero ang totoo niyan ay pangalawa lamang ang business na aasikasuhin ni Harry sa Estados Unidos. Tanging sa kanya lamang sinabi nito ang talagang pakay nito doon. May sikreto ito na siya lang ang nakakaalam. Kahit si Tita Judith na natitira nitong kamag-anak ay hindi alam ang sikretong iyon ni Harry. Sila lang talagang dalawa ang nakakaalam. She is hoping na sana ay maachieve ni Harry ang anumang bagay na talagang gagawin nito sa States.


Napabuntong-hininga na lang si Kerry Anne. Natapos na rin siyang magluto. Tinanggal niya ang suot na apron at lumipat sa Verdant Homes. Naabutan niyo roon si Jectofer na nag-aayos ng mga papel sa reception desk. Ito ang nagduty kagabi. Nag-aayos na rin ito para umalis. Hinihintay na lang nito kung sino ang magrerelieve dito.


"Good morning Jectofer." bati niya sa binatang empleyado. They only have four hired help in Verdant. Si Jectofer ang isa, tapos nandoon din si Daphne, si Robert, at saka si Venus. Nagsasalitan ang mga ito sa pagduduty. Silang dalawa ni Tita Judith ang magkasamang nagmamanage ng inn.


Tatlong palapag ang Verdant Homes. Ginawa iyon na parang bahay talaga para maramdaman ng mga guests ang pagiging at home pag nagche-check in ang mga ito doon. Ang tatlong palapag ay pare-parehong may tig-iisang sala. Sa first floor ay may malawak na dining room. Doon nagsasalu-salo ang mga guests ng umagahan at hapunan. They are not offering lunch because most of the time, the guests are not around at that time.


Sa unang palapag ay may fireplace. Doon karaniwan ay nagkukuwentuhan ang mga panauhin. Kung minsan ay sumasali rin sila sa mga kuwentuhan ng mga ito. May dalawang malalaking kuwarto din sa baba na pawang pampamilya. May ilang kuwarto din sa ikalawang palapag na pampamilya rin. Ang natitirang mga kuwarto hanggang sa ikatlong palapag ay pawang pandouble o pan-isahan lang. May sari-sarili ding bath and shower ang bawat kuwarto.


May veranda pa sa ikalawa at tatlong palapag. Those were designed for stargazing at night at para na rin masaksihan ang kagandahan ng Sagada. Sa entrance ay meron ding malaking swimming pool. Ang paglilinis sa inn ay pinagtutulungan nila ni Tita Judith at ng mga staffs.


"Ikaw lang ang nagduty?" tanong ni Kerry kay Jectofer pagkatapos nitong sagutin ang kanyang pagbati kanina.


"Opo ma'am. Susunod na rin sina Daphne mamaya."


"Sige. Papanhik muna ako sa third floor. Kailangan kong mapalitan ang kurtina sa sala."


"Sige po ma'am."



She made her way to the third floor. Pumasok siya sa stockroom at kumuha ng bagong labang kurtina at pinalitan ang kurtina na nasa sala sa taas. Nang matapos siya ay napuna niya ang isang kuwartong nakabukas. Sumilip siya saglit at napansing okupado na pala ang silid. Walang tao sa loob pero may mga gamit na panlalaki dokn. Marahil ay nasa veranda ang panauhin. Masaya na rin siya at may bago na naman silang guests. Nakangiti siyang bumalik sa front desk.


"May bago pala tayong guest." sabi niya kay Jectofer nang makababa siya.


"Opo Ma'am. Lagpas alas diyes po siya kagabi dumating. Yung artista po. Alden Richards po ang pangalan."


"Alden Richards." sambit ni Kerry Anne na saglit na natigilan at pinag-isipan kung saan niya narinig ang pangalang iyon. Lumiwanag ang kanyang mukha nang malala niya kung saan. "Alden Richards ba kamo?"


"Opo ma'am."


"Of course, natatandaan ko na siya. Kaibigan siya nina Harry at Menard."


"Sinabi nga po niya sa akin kagabi. Katunayan po niyan ay gumamit siya ng privilege card galing kay Sir Harry."


"It was Harry's way of thanking him. Naalala mo pa ba iyong CARAA last year? Yung sinalihan ni Menard? Doon nakilala ng anak ko ang guest nating iyon." matiyaga at masayang ikinuwento ni Kerry ang mga nangyari. "Eh, Menard caught the dengue virus and Alden donated his blood para magbalik ang normal number ng platelets ng aking anak."


Tumango-tango si Jectofer. Napansin nito ang pagakagiliw ni Kerry Anne sa guest. Nalaman na rin nito sa kanya na hindi pa niya namemeet ang Alden Richards na iyon. Nakita lang niya ang lalaki sa mga magazine at telebisyon.


"Balik muna ako sa kabila. Ihanda mo ang mesa sa dining room at maghahain na tayo ng agahan para sa mga guests."


"Sige po ma'am."


Kadalasan pag breakfast ay sila ang bahala na magluto para sa mga guests. Magkakaibang putahe ang ihinahain nila para masigurong lahat ng guest ay makakain. Sa gabi naman ay tinatanong nila ang mga guests kung anong gusto nila for dinner at iyon ang kanilang ihinahain sa mga ito. Dahil maasikaso sila sa mga panauhin ay ilang beses nang nakakuha ng best choice awards ang Verdant Homes. At ito na rin ang nangunguna sa buong Sagada. Isa na ring dahilan ang pagkakaroon nito ng swimming pool. They are the first to have it.


 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon