Forever 6

1.3K 77 0
                                    


Hello, alam ko pong maraming nalilito sa book two na ito pero kapit lang po guys. Malalaman niyo rin ang dahilan kung bakit ganito. Maiintindihan niyo rin as the story progresses. hehe


"Ang ganda naman pala dito sa hotel niyo." sabi ni Jasper kay Menard. Magsisimula na ang CARAA bukas pero napaaga sila ng isang araw. Iyon ay para makaadapt ang kanilang mga katawan sa bagong paligid. Sa siyudad ng Baguio. "Hindi mo sinabi sa amin na pati dito ay may hotel pala kayo."


"This is my Dad's." mapagkumbaba nitong sagot. Ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa kayaman ng kanyang Daddy. "Lumabas na nga tayo. Tara sa baba. Magtambay tayo sa reception."


Sunod-sunod na sumang-ayon ang kanyang mga kasama. Dahil marami sila sa team ng baseball ay hindi sila kasya sa iisang kuwarto lamang. Pinagamit sa kanila ng kanyang Daddy ang penthouse. Doon ay kumasya sila lahat kasama ng kanilang coach na sa pagkakataong iyon ay umalis para makaattend ng briefing tungkol sa sports competition.


Katunayan nga niyan ay nakahouse sila sa isang school at doon sana sila lahat pero pinilit ng Daddy ni Menard ang kanilang coach na sa hotel na sila tumuloy para maayos silang makapagpahinga pagkatapos ng kanilang mga laro. Walang nagawa ang coach kaya pumayag na rin.


Sunod-sunod silang magkakasama na sumakay ng elevator at bumaba sa ground floor. Naupo sila sa mga couch na nandoon at pinapanood ang mga taong pumapasok at lumalabas ng hotel.


"Hello Dad."


Lahat silang magkakaibigan ay biglang natigilan nang mapansin ang babaeng papasok sa hotel habang may kausap sa telepono. Sa kanilang lahat ay si Menard ang mas lalong natigilan. Sa murang edad ay ngayon lang siya nagsimulang magandahan sa isang tao.


Tha lady who just entered the hotel is a walking beauty. May kakaiba siyang naramdaman nang masilayan niya ito. Simpleng maong pants at shirt lamang ang suot nito pero kayang-kaya nitong nadala iyon. Sinundan niya ito ng tingin kahit na lumapit na ito sa receptionist at narinig niyang may tinanong. Narinig niya itong nagpasalamat bago dumiretso sa may elevator. Muli nitong binalikan ang kausap sa cellphone nito.


"Yes, Dad. Andito ako sa isang hotel. Sasamahan ko si Maiden na tingnan ang kanyang boyfriend."


Medyo nadismaya si Menard nang makapasok na ang babae sa elevator. Gusto niya pang tingnan ito.


"Oy!" narinig niyang sita ni Jasper sa kanya. "Nawalan ka ng imik bigla."


"Nakakita lang ng chix tol." kantiyaw naman ni Marky.


"Ang bata-bata mo pa para magchix." dagdag ni Nestor.


"Nagagandahan lang ako sa kanya."


"Ganun lang din iyon."


Sunod-sunod na kantiyaw ang natanggap niya mula sa kanyang mga teammates. Hindi niya lang pinatulan ang mga ito. Pero pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang natigilan nang makita ang babae na lamabas ng elevator. May kasama itong isang maganda ring babae na marahil ay kasing edad nito. Then, there was a man who is following them. Lumabas ang mga ito ng hotel na tumatawa. Awtomatikong sumunod ang kanyang mga mata dito.


Lumipas ang ilang sandali at unti-unti na rin niyang nakalimutan ang babae. Dumating na rin kasi ang kanilang coach at niyaya silang lumabas. Kailangan nilang magtour sa venue ng kanilang mga laro.


*****


Dalawang araw na nina Charmaine at Maiden sa Baguio pero hindi pa rin sila nagsasawa sa lugar. Sa araw na iyon ay tumawag ang si Nichard, ang boyfriend ng kanyang kinakapatid. Nasorpresa sila nang sabihin nitong nasa Baguio ito. Wala itong sinabi na susunod din pala.


Sa excitement ni Maiden ay pinilit nitong alamin ang whereabouts ng boyfriend nito. Nichard was pressured at wala itong nagawa kundi sabihin na rin ang totoo. Hinila siya ni Maiden Heaven at sinabing pupuntahan nila ang lalaki. Sinamahan na nga niya ang kaibigan sa hotel.


Pagkababa nila sa taxi ay excited na lumabas si Maiden at iniwan siya. Siya na lang ang bahalang nagbayad ng taxi. Well, naintindihan naman niya ang kanyang kaibigan. Ilang araw ding hindi nito nakita si Nichard. Habang papasok siya sa hotel ay sakto namang tumawag ang kanyang ama. Hindi niya na lang pinansin ang mga mata ng mga batang nakaupo sa may couch sa reception. Alam niya kasing siya ang sinusuri ng mga ito.


At ngayon ay nasa isang kainan sila ngayon. Hinila ni Maiden si Nichard para lang magpakain. Iyon ang isa pang gusto niya sa mga ito. Kung magkakasama sila ay hindi siya na-o-OP. Kung kasama kasi siya ng mga ito ay parang magkakaibigan lang silang tatlo. Parang wala naman talagang relasyon ang mga ito pag silang tatlo lang. That is how considerate Maiden and Nichard are. Kaya nga bagay na bagay ang mga ito. At botong-boto si Charmaine kay Nichard para sa kanyang kinakapatid.


"Hindi ko lang pala kayo sinundan dito. May kailangan din kasi akong gawin." sabi ni Nichard pagkatapos nilang kumain.


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng girlfriend nito na bahagyang natigilan.


"May laro din kasi ang pamangkin ko."


"Anong laro?"


"Baseball. May laro sila bukas. Gusto ko sanang panoorin. Masasamahan niyo ba ako?"


"Of course." sagot kaagad ni Maiden. "Gusto kong makilala ang pamangkin mong iyan."


"Pamangkin mo rin." natatawang sagot ni Nichard.


Charmaine rolled her eyeballs. Paminsan-minsan naman ay ipinapakita ng dalawa ang pagiging corny ng mga ito.


"Ikaw naman." kinikilig na siniko ni Maiden ang boyfriend nito. "Paanong naging pamangkin ko rin?"


"Future pamangkin." sagot ni Nichard na abot-tainga ang ngiti. "Kaya pamangkin mo na rin ngayon."


Muling nagpaikot si Charmaine ng eyeballs. "Geeez! I just need to go to the wash room."


"Why?" kantiyaw sa kanya ni Maiden. Baka akala nito ay maiinggit siya sa ginagawa ng mga ito.


"Susuka lang ako puwede. Ang kokorni niyo." aniya at napatayo na. Narinig pa niya ang tawanan ng dalawa bago siya nakapasok sa comfort room ng kainan.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon