Pauwi na sina Maiden at Charmaine pero biglang nabagabag si Charmaine. Bumalik sa kanyang isip ang pitcher ng taga Mountain Province kanina. Hindi niya talaga maintindihan ang kanyang sarili pero may kakaiba siyang vibes para sa batang lalaki.
"Mukhang malalim yata ang iniisip mo." puna sa kanya ni Maiden nang makababa sila ng taxi sa tapat ng bahay nila.
"I was just thinking of the boy we saw a while ago."
"What boy?"
"Yung pitcher ng Mountain Province kanina sa baseball."
Kanina, hindi pa natatapos ang laro ay napagdesisyunan nina Charmaine na umalis na. Niyaya sila ni Nichard para kumain kasama si Jason. Kailangan nilang bilisan para makabalik si Jason sa team nito. Pero hanggang sa pagkain ay hindi natatanggal sa isip ni Charmaine ang batang pitcher ng huling game na napanood nila.
Kahit namasyal pa silang tatlo ay hindi pa rin siya mapakali. Hanggang sa kanilang pag-uwi ni Maiden.
"What?" kunot-noong sabi ng kanyang kaibigan. Bigla itong natigilan at nag-isip. Then, "Oy Charmaine, huwag mong sabihing... " Tiningnan siya nito na tila isa siyang witness at ito ay fiscal.
"What?" balik-tanong niya rito.
"Huwag mong sabihing naaakit ka doon sa bata? Pogi naman talaga iyon at saka magaling maglaro. Baka naakit ka. Ang bata-bata nun friend. Hindi ka pedophile."
"Gaga ka!" hiyaw niya. "At napagbintangan mo pa akong pedophile. Hindi ko lang siya makalimutan dahil parang nagkita na kami dati. Hindi lang lumabas sa aking utak kung saan at kailan."
"Hay naku!" namaywang ito at sinuri siya. "Sana nga hindi ka talaga naakit doo. Itatakwil kita pag nainlab ka sa isang paslit."
Tinawanan niya lang ito bago sila pumasok sa loob ng kanilang bahay. Pareho pa silang nagulat at natakot ni Maiden nang makitang nakabukas nag television.
"Binuksan mo ba iyan bago tayo umalis kaninang umaga?" tanong ni Charmaine sa kinakapatid.
"I was about to ask you that."
Pareho silang nagkatinginan at sabay na napalunok. "Then who opened that?"
"Walang multo sa bahay namin Maiden." determinado siyang sabi pero kinakabahan pa rin siya. Lumapit sila ng husto sa sala. Laking gulat nila nang makita ang taong nakahiga sa sofa at natutulog.
"It's Tito Alden!" gulat na sabi ni Maiden.
"Dad!" bulalas ni Menggay at mabilis na lumapit sa couch. Sa kanilang ingay ay biglang nagising si Alden. Nagmulat ito ng mata at saka napaupo nang sila ay masilayan. "Hindi mo sinabi sa akin na ngayon ka susunod."
Lumapit siya rito at binigyan ng halik sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Maiden. "Hello Tito."
"Akala namin kung sino ang basta na lang nagbukas ng TV."
"I really planned to surprise the both of you. Nakatulog ako kanina dahil napagod ako sa biyahe."
"Bakit dito ka namamahinga? And you did not even change your clothes."
"I'm sorry sweetie. Hindi na ako nag-abala dahil sa pagod. So, how are guys doing?"
"We're doing very good Tito." si Maiden Heaven ang sumagot. "Nanood kami ng baseball kanina. CARAA ngayon Tito. And guess what, Charmaine is admiring a certain boy from elementary."
"Geez!" reklamo ni Charmaine. "Hindi iyan totoo Dad. Nacurious lang ako."
"Honey, kung magpapakilala ka ng boyfriend mo, iyong atleast kaedad mo o kaya'y mas matanda sa iyo mg konti."
"Dad, huwag kayong maniwala kay Maiden. Nagmana lang iyan kay Tito Jefferson, napakagaling mangantiyaw. Ikaw din mismo ang nagsabi sa akin na ganoon si Tito. Meanwhile, nakita niyo na po ba sina Grandma at Grandpa."
"Oo sweetheart. Doon ako dumiretso kanina. And I remembered, magluluto daw ang Papa para sa aking pagdating. Pupunta tayo doon mamaya. I heard that your Tita Lorie and her family is on vacation to Palawan."
"Oo Dad. Nakalimutan kong ikuwento sa iyo."
"Bueno ladies, maiwan ko muna kayo. Kailangan kong maligo bago tayo lumipat sa kabila."
"You better go Daddy. You already stink."
Tawa lang ang naisagot ng kanyang Daddy at pumanhik na ito ng hagdanan.
Ang bahay na kinaroroonan nila ngayon ay sa kanila mismo. Ipinatayo iyon ng kanyang Daddy at nagsisilbing bahay bakasyunan nila pag nagagawi sila doon sa Baguio. Katabi lang nito ang bahay ng kanyang Lolo at Lola. Doon din nakatira ang pamilya ng Tita Lorie niya na kapatid ng kanyang Mommy. Magpapatayo din sana ang mga ito ng bahay pero nakiusap ang kanyang mga grandparents na huwag na dahil ang mga ito rin daw ang magmamana at titira doon sakaling mawala na ang mga ito. Then, Tita Lorie and her husband obeyed her grandparents.
Sina Maiden at Charmaine ay tumayo na rin at pumanhik sa itaas para makaligo na rin. The day had been very long.
"I heard that your boyfriend is here." nakangiting sabi ni Alden kay Maiden nang bumaba na sila pagkatapos nilang mag-ayos. Nadatnan nila ito sa sala na nakaupo at sila ay hinihintay. Her Dad is still gorgeous. Nakasuot ito ng simpleng shirt at cargo pants.
"Tito." reklamo ni Maiden. "May suspetsa na ako kung sino ang nagsabi." Tinapunan siya nito ng matalim na titig.
Si Alden ay natawa sa sinabi ng inaanak. "Bakit hindi mo tawagan para kasalo na rin natin sa hapunan?"
"Huwag na Tito. Saka na lang po. Malayo kasi rito ang hotel ma tinutuluyan niya. Baka tayo lang po ang maghihintay sa kanya."
"Bakit hindi niya sinabihan para dito na rin makipanuluyan habang nadito pa kayo?"
"I already suggested that Daddy. Nahihiya lang kasi sila kaya hindi sila pumayag."
Their parents trust and respect them so much. Alam ng mga itong wala silang gagawin na hindi kaaya-aya kahit na they are on their own. Sabagay wala rin naman silang nagawa na talagang nakapagpasakit sa ulo ng kanilang mga magulang. Ang pinakamalala yata nilang ginawa ay noong pinatawag ang kanilang mga magulang sa principal's office noong highschool sila nang awayin nila ang mga taong nambubully sa kanila.
"Well, it is up to you. Anyway, let us go ladies." muling sabi ni Alden at saka tumayo. "Naghihintay na ang lolo't lola niyo."

BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..