Forever 40

988 74 6
                                    


Maaga na nakarating si Alden sa opisina niya. Katunayan nga niyan ay mas nauna pa siya sa sekretarya niyang si Bea. He was whistling his favorite tune as he entered his office. Laging gulat lang niya nang may madatnan siyang tao doon.


"Hello there Mister Richards." bati sa kanya ng kung sinumang taong nasa loob.


He was shocked even more to see Tracy on top of his table. Naka-de-kuwatro ito habang humihithit ng sigarilyo. She looks very alluring pero walang epekto iyon sa kanya. Alam na niya kung ano ang binabalak nito.


"What are you doing here?" tanong niya sa babae. Hindi na niya naituloy ang pagpunta sa kanyang upuan. "Will you stop smoking? Bawal iyan dito."


"Well, I am waiting for you." said the woman. She took a last sip from her cigarette before putting the butt on her ashtray and motioned to him. Lumapit ito sa kanya at hinila ang necktie niya. "Hello gorgeous!"


"Stop what you are doing."


"Bakit? Tinatablan ka ba?"


"No! This is a total nonsense!"


Bago pa man siya makapagsalita ay hinila siya muli ni Tracy at binigyan ng isang mapusok na haljk sa labi. Doon ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Bea na nabitin ang ang sana ay pagbati nito sa nadatnang eksena. Hindi na ito nakapag-isip pa ng iba. Lumapit ito sa kanila at inilayo si Tracy.


"What do you think you are doing?" galit na galit na wika ni Tracy sa dalaga.


"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa iyo."


"Sumasagot ka pa."


"Tungkulin ko hong sumagot pag kinakausap ako."


"Bastos!" hiyaw ni Tracy at sinugod si Bea. Sinampal niya ito ng napakalakas. Hindi nagpatinag ang dalaga at bumawi nito.


Napasigaw si Alden sa sobrang galit. "Will you two stop?!"


"Fire her Alden!" galit na galit na sigaw ni Tracy. "Napakabastos ng babaeng ito. Nakita mo kung paano niya ako itrato. Palibhasa'y may gusto siya sa iyo."


Hinimas ni Alden ang sintido niya. "I will talk to Bea and give her any disciplinary actions. Please leave us Tracy."

Nagpupuyos sa galit na umalis si Tracy.


"Sorry Sir." mahinang sambit ni Bea.


"Wala kang ginawang masama Bea. And thanks for saving me from her."


"Sigurado po kayo sir? Di kayo galit sa akin?"


"I am not Bea. You can now leave me. Basta itanim mo sa isip mo na hindi ako galit."

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon