Forever 42

878 62 7
                                    


Ang galit ni Bea kay Tracy ay mas lalong nadagdagan. Nalaman niya kasi na hindi pa rin ito tumitigil sa pang-aakit kay Alden. Alam niyang wala na itong epekto sa kanyang boss pero natatakot siya na baka bumigay din sa huli si Alden. Ilang beses niyang nadadatnan si Tracy sa opisina ni Alden na nagbabalak ng masama sa lalaki. Gusto niyang bantaan ang babae at patigilin sa mga ginagawa nito pero hindi niya magawa. Nakakahiya kasi kay Yumi kapag marinig na naman nito ang pag-aaway nila ng boss nito.


Sa araw na iyon, she decided to confront Tracy. Humingi siya ng maagang dismissal at nagmamadali siyang pumunta sa bahay ng babae. Kahit matagal ito ay nagtiyaga siyang naghintay sa labas. Madilim na sa paligid nang sa wakas ay pumarada ang sasakyan nito sa garahe.


Pagkalabas nito ng kotse ay agad siyang sumalubong. "Hello there."


Napasigaw si Tracy sa sobrang gulat. Nang mamukhaan siya nito ay bigla itong nagalit. "What the hell are you doing here?"


"Nagulat ba kita?"


"What do you need?"


"Tigilan mo na si Alden, Tracy." matapang at madiin na sabi niya sa babae.


"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?" she replied in an equal tone. "Asawa ka ba niya? Girlfriend ka ba niya para pagsabihan ako ng ganyan? Ang kapal din ng mukha mo."


"Just hear me out bitch. Baka gusto mong ipahamak kita kung hindi ka titigil."


"At anong magagawa mo? Bring it on Bea. Hindi ako natatakot sa iyo?!"


"Really. I could kill you if you want." Bea said with clenched teeth. "Hindi ka pa ba nagtanda nang sirain ko ang gulong ng kotse mo."


"Walang hiya ka!" hiyaw ni Tracy at sinugod siya. "Sinasabi ko nga ba at ikaw ang gumawa noon." Sinabunutan siya nito. Unluckily, she lost her pace kaya hindi kaagad siya nakabawi. Nang bitiwan siya ng babae ay isang malakas na suntok ang pinadapo niya dito. Sapol ito sa mukha. Bumawi si Tracy at nasuntok nito ang labi niya. Dumugo iyon kaagad sa sobrang lakas ng suntok.


Sumuntok uli siya. Nagtuloy-tuloy ang kanilang away hanggang sa pareho silang mapagod. Siya ang unang lumayo dito.


"Baliw!" Tracy threw the words at her. "Baliw ka Bea. Baliw! Hindi rin mapapasaiyo si Alden. Parehong hindi mapapasaatin ang lalaking iyon. May babae na siya. At iyon ang dahilan ng pagpunta niya sa Sagada. Kaya ikaw ay tumigil na din sa kakailusyon mong iyan!"


Si Bea ay galit na galit na nilisan ang lugar na iyon. May araw din ang Tracy na ito!


*****


Charmaine can't sleep. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama nila pero hindi pa din siya tinatablan ng antok. Naiinggit siya kay Maiden na sa pagkakataong iyon ay tulog na tulog na. Hindi man lang ito makaramdam sa kanyang pagkabalisa. Ginawa na niya ang lahat pero hindi pa rin siya makatulog.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon