Forever 10

1.1K 82 14
                                    


NP: You are my everything. Descendants of the Sun's OST.



"Sir Alden." sabi ni Menard nang isakay niya ito sa kanyang kotse. "Bakit parang kilala po kayo nung saleslady kanina? Sino po ba kayo? Nakipicture pa siya. Ang alam ko ho ay sa mga celebrities lang gumaganoon ang mga tao."


Mula sa rearview mirror ay nakita niya na biglang nanlaki ang mga mata ni Menard at saka napatingin sa kanya. "Celebrity po kayo?!"


Natawa na lang siya. "Oo Menard pero kunwari hindi. Ayokong lumayo ka sa akin."


"Siyempre hindi. Ang cool naman."


"Bakit?"


"Kasi may kaibigan akong artista. Matutuwa si Mommy pag nalaman niyang may kaibigan akong artista."


Natawa na rin si Alden. He really likes this child. "Puwede mo rin akong ipakilala sa kanya. I also want to meet my friend's mother."


Napalitan ng lungkot at panghihinayang ang reaksiyon sa mukha nito. "Sayang. Naiwan kasi sa amin si Mommy. Hindi kasi siya mahilig magbiyahe."


"I see." Alden said. "Sino ang kasama mo rito?"


"It's my Dad. Pero pumunta siya sa Manila. May importante daw siyang aasikasuhin doon."


Nagulat siya sa sinabi ng bata. Kung naiwan sa kanila ang ina nito at bumiyahe ang ama nito pa-Manila, then sino ang kasama nitong namamasyal sa John Hay. "Sinong kasama mong pumunta rito?"


"Mag-isa ko lang po."


"Mag-isa mo lang! Ilang taon ka na ba? Bakit ka gumagala mag-isa?" Nakalabas na sila ng Camp John Hay. Mabagal niya pa ring pinapatakbo ang sasakyan papuntang town proper.


"Sanay na po ako rito. My Dad made me familiarize this place. Walong taong gulang pa po ako ngayon."


"Your father made you familiarize this place para puwede ka niyang iwan mag-isa?" aniya na may kalakip ng galit sa kanyang boses.


"Oh, no. Ayaw nga niya akong iwan. Pinilit niya akong isama sa Maynila pero tumanggi ako. Ayoko kasi doon. Magulo at mainit."


Napailing siya at the same time smiled. This boy is really something. "So, saan kita ihahatid?"


Biglang napatingin si Menard sa labas at nanlaki ang mga mata nito. "Sorry po. Nakalimutan ko kanina. Sa John Hay din po ako. Tumutuloy po ako sa hotel ni Daddy. Kaya niya ako iniwan ay dahil alam niyang hindi ako mapapahamak doon."


Tumango-tango siya. Now he understands everything. Camp John Hay is a home for this child. Pero ayaw pa niyang bumalik at ihatid ang bata. Gusto niyang makasama ito ng mas matagal.

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon