Successful naman ang ginawang pagtakas nina Kerry Anne. Sa kabila ng lahat, hinayaan niya lamang ang anak niya na matulog ng mahimbing habnag nag-iisip siya ng susunod nilang hakabang. On the other hand, napakalaki ng pasasalamat niya kay Venus dahil sa tulong nito. Hindi ito tumigil hanggang sa masiguro nitong nasa mabuting kalagayan sila ng anak niya. Hindi na siya nakatulog sa gabing iyon.
Kinabukasan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Tita Judith.
"Hello Tita. Kumusta na diyan?"
"Kerry Anne anak. Kailangan niyong bumiyahe paalis ng Sagada ngayon din." natatarantang wika ng matanda.
"Bakit po Tita? Ano po bang nangyayari diyan?"
"May narinig akong ;ingay mula sa taas kagabi, ilang oras pagkatapos niyong umalis.Natakot akong tingnan iyon kaya hindi ako umakyat. Nang mawala na ang ingay saka ako pumunta sa taas. Nagkalat ang mga gamit sa kuwarto niyo anak. Hindi ko alam kung ano ang pakay ng taong iyon pero isa ang sinisigurado ko, may masamang balak iyon sa inyo ng apo ko. Kailangan niyong umalis muna dito."
"Tita. Pero baka naman nakaalis na siya kung nalaman niyang wala kami diyan."
"Kerry Anne. Hindi tayo nakakasiguro diyan. Sinabi kasi nina Daphne sa akin kanina na may narnig na naman daw siyang kausap nung lalaki sa telepono nito kagabi. Sinasabi daw na bigla kang nawala dito at kailangan niya daw manatili dito hanggang sa matapos ang nilalakad nito. May masama talagang pakay ang estrangherong iyon."
"Kailangan nating tumawag ng pulis Tita para matapos na ito."
"Kaya kailangan niyong umalis ngayon din. Ilayo mo muna si Menard. Ayokong masaksihan ng apo ko ang lahat ng ito. Baka matrauma siya. Napakabata pa niya para maranasan niya ito."
"Sige po Tita." Nanghihina niyang sagot. "Pero hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Bukod sa Sagada ay sa Baguio lang ang alam kong lugar."
"Punta kayo sa Baguio ni Menard. Mula sa terminal ay susunduin kayo ni Alden don."
Nagulat siya sa sinabi ni Tita Judith. Bakit si Alden ang susundo sa kanila sa Baguio?
"Tita? Bakit si Alden pa?"
"Wala na kasi akong maisip pa na puwedemng kontakin kaya siya na ang nakausap ko. Bibiyahe na iyon paakyat ng Baguio. Sa terminal na kayo magkikita. At Kerry Anne, nakausap ko na sin si Harry. He will be going home. Habang wala pa siya dito ay kay Alden muna kayo mamalagi."
"Sige po Tita. Maraming salamat." Kahit nagdadalawang isip siya sa pagsama kay Alden Richards ay wala na siyang magagawa. Para na rin ito sa kapakanan ng kanyang anak. Sana nga lang mabilis ang pag-uwi ni Harry para makabalik na rin sila dito hangga't maaari.
"Kailangan niyo nang umalis agad. The stranger is becoming restless. Kanina lang ay tinatanong daw nito sina Daphne kung nasaan sina Jectoffer at Venus. Siguro nagdududa na ito kung bakit bigla kang nawala. Ang ipagpasalamat natin ay hindi niya alam na may kasama kang bata. Tawagan mo ako kung nasa Baguio na kayo. Ipapasa ko ang numero mo kay Alden para makontak niya kayo kaagad. I will give you his number as well. And Kerry Anne, please take care of yourself and Menard."
"Sige po Tita. Salamat po muli. Kayo din po ay mag-iingat."
"Huwag niyo akong alalahanin anak. Kaya ko pa naman ang sarili ko. Sige, mag-iingat kayo."
Pagkatapos ng pag-usap nila kay Tita Judith ay kinausap niya si Venus tungkol doon. Mabilis naman silang inasikaso ng babae. Tinanggihan na rin niya itong ihatid pa sila sa terminal. As much as possible, ayaw niyang maka-attract ng maraming atensiyon. Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan niya lamang nila ang kanilang mga sarili na lulan ng bus pabiyahe papuntang Baguio. Kahit may phobia siya sa biyahe ay tiniis niya iyon para sa kapakanan ang anak.
*****
Nagising si Alden sa tunog ng kanyang cellphone. Ang number ng Verdant ang nakarehistro. Nang sagutin niya iyon ay ang Tita Judith ang tumatawag. At hindi niya nagustuhan ang balitang ipinarating nito. Sinabi nitong nasa panganib daw ang mag-inang sina Kerry Anne at Menard. Sabi ng matanda ay wala daw itong ibang alam na hingan ng tulong kundi sa kanya. Buti na lang at sa kanya lumapit ito. Hindi niya lubos maisip kung sa ibang tao ito tumawag. Tita Judith instructed him on what her will be doing. Agad-agad naman siyang sumang-ayon.
Mabilis siyang naghanda at wala pang isang oras ay nakahanda na siyang umalis. Nagmamadali siyang pumunta sa kuwarto ng anak. Nakatulog pa ito nang madatnan niya. Napilitan siyang gisingin ang dalaga para magpaalam.
"I need to go somewhere."
"Good morning too Dad." Charmaine said sarcastically.
"Sorry sweetheart. Daddy is in a hurry right now."
"Naiintindihan kita Daddy. Pero saan ba ang somewhere na iyan?"
"I will explain to you everything when I get back."
"When will that be?" muling tanong ni Charmaine na napilitang bumangon.
"I don't know. Tomorrow. The day after that. Basta very soon."
"I will wait for you. Mag-iingat ka Daddy."
"I will sweetheart. I love you." Dumukwang siya at hinalikan ito sa noo.
"I love you too Daddy always."
Pagkatapos magpaalam sa anak ay nagmamadali siyang bumiyahe papuntang Baguio. Naging mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil sa sobrang pag-aalala kina Kerry Anne at Menard. Pakiramdam niya sa pagkakataong iyon ay siya ang asawa ni Kerry Anne at ama ni Menard. At hindi niya maisip kung ano ang balak gawin ng taong may binabalak kina Kerry Anne at Menard. He will do everything in his power to protect these two persons that are now important to him and his daughter.
![](https://img.wattpad.com/cover/80792914-288-k888383.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanficThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..