Forever 60

1K 70 6
                                    

Maine waved goodbye at Max before going inside the site for the shoot. Malapit na siya sa isang tent na nakaasign sa kanya to greet her staffs when a man approached her.


"Miss Maine." mabait nitong sabi sa kanya. "Ako po ang bagong assistant ni direk. Puwede po bang sumunod po muna kayo sa akin? May sasabihin po si direk na importante."


"Sige." nakangiti niyang sagot. "Show me the way."


Nagulat pa si Maine dahil hindi naman papasok sa site ang pinupuntahan nila. "Teka lang. Saan ba si direk at iba na yata ang pinagdadalhan mo sa akin?"


Luminga sa paligid ang nagpakilalang assistant. Ginaya niya ang ginawa nito. Bigla siyang kinabahan nang mapansin niyang wala nang katao-tao sa paligid. The stranger grinned at her. "Ang dali mo namang mauto."


"Anong nangyayari? Saan mo ba ako dadalhin?"


Itinaas nito ng konti ang suot na shirt. Nakita niya ang isang baril na nakasukbit sa pantalon nito. "Huwag kang mag-iingay. Sumunod ka lang sa akin."


"Ayoko." matigas na sagot niya. "After you showed me that gun, do you think I will be willing to follow you. I need to go back."


Mabilis niya itong tinalikuran at nagmamadaling umalis. Pero ang lalaki ay mas mabilis sa kanya. Nahagip nito kaagad ang braso niya. Halos mapahiyaw siya sa sakit sa sobrang pagkakahawak nito. "Sumama ka sa akin."


"Saan mo ba ako dadalhin?" aniya na mas lalong natakot. At first, she thought of it as a prank pero ngayon ay sigurado na siyang nasa panganib ang buhay niya.


"Basta sumunod ka lang kung ayaw mong masaktan ang anak mo?"


"Ano bang pinagsasasabi mo?"


Hinila siya ng estranghero at saka itinuro ang isang Toyota Fortuner na nakaparada sa hindi kalayuan. "Nakita mo ang kotseng iyon? Sumama ka sa akin doon ng maayos at maipapangako ko sa iyo na hindi madadamay ang anak mo."


Sa takot niya para sa anak ay Malaya niyang sinundan ang lalaki. Pinapasok siya nito sa backseat.


"Hello there!"


Nagulat siya nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Pagtingin niya sa harapan ay tumambad sa kanya ang nakangising much ani Yumi. Totoong nagimbal siya. "Anong nangyayari dito Yumi?"


"Don't worry Maine." Yumi uttered. Ang boses nito ay ibang-iba sa mahinhing Yumi na kilala niya. Her voice is full of greed and avarice. She sounded death. "Huwag kang matakot. Ngayong araw ay wawakasan na natin ang paghihirap mo."


Paghihirap? Hindi siya naghihirap! "What exactly do you mean?"


"You'll know soon. Huwag kang masyadong atat." nakangising sagot ng babae at sinenyasan ang lalaking nagdala sa kanya doon na paandarin ang sasakyan. Bago pa nito ituloy ang mga sinasabi ay hiningi muna sa kanya ang phone niya. Isang tutok ng baril ang napala niya when she tried to hesitate. Yumi took out its sim card at mabilis na pinutol. Mas lalo siyang nagulat nang ibaba nito ang bintana ng kotse at saka itinapon ang cellphone niya. Hindi na lang siya umimik.


Then, Yumi started her boring and insane testimony. Hindi siya pinayagan na makaangal at makakomento. Ang anak niya kasi ang ginagawa nilang banta kung may ginawa o sinabi siya na hindi gusto ng mga ito. Mahaba na rin ang nalakbay nila. Hula niya ay nakalagpas na sila ng Tarlac.


At hindi pa tapos si Yumi sa paglilitanya nito. She is blaming her for taking away Alden. Kung wala daw siya ay baka nagkatuluyan daw ito at ng asawa niya. Ayon dito, si Yumi daw naman talaga ang mahal ni Alden. Yumi even told her na naghihirap daw siya sa poder ni Alden kasi hindi naman daw siya mahal ng asawa niya. Gumagawa lang naman daw ito ng pabor sa kanya. Ang pagputol daw sa kanyang paghihirap sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. Sa haba-haba ng sinabi nito ay isa lang ang naintindihan niya, Yumi is obsessed with Alden. At ang obsession nito ay hindi na ordinary. It is a vicious obsession, one that already controls the thinking capacity of its possessor.


Nang makarating sila sa isang mabangin at hindi masyadong dinadaanan ng mga sasakyan ay ipinatigil ni Yumi ang kotse. Ang baril na hawak-hawak nito ay ibinaba nito sa upuan at saka bumaba ng kotse. Sumunod dito ang lalaki. Kinuha niya ang pagkakataong iyon na kunin ang baril na naiwan sa upuan. Nang buksan ng mga ito ang door ng backseat ay mabilis niyang itinaas ang mga kamay at itinutok ang baril kay Yumi. Alam na niya kasi kung ano ang mangyayari at kailangan niyang lumaban. She does not want to end her life without putting a fight.


Mabilis na umatras si Yumi. Kinuha niya ang pagkakataong iyon na bumaba sa sasakyan. Ang lalaking kasama ni Yumi ay lumapit at inilabas nito an g dalang baril. Pero mas magaling si Maine. Idinikit niya ang barrel ng baril sa noo ni Yumi. "Throw away your gun!" utos niya sa lalaki.


"Do it!" hiyaw ni Yumi na nanginginig sa takot. Mabilis na tumalima ang lalaki. Itinapon nito sa malayo ang baril.


Umatras si Maine na hindi inaalis ang pagkakatutok kay Yumi. "Stay where you are and do not attempt to move."


Sinunod naman siya ng dalawang duwag. Muli siyang napaatras. Ang balak niya sana ay dumiretso siya sa kinaroroonan ng sasakyan pero napasobra siya sap ag-atras. It was too late before she realized na bangin na pala ang nasa likuran niya. She took a step forward towards the car. Pero napansin ni Yumi ang pagkakamali niya. Patakbo itong lumapit sa kanya at buong lakas siyang itinulak. Huli nan ang ma-realize niya kung anong nangyayari. She felt her fall. At naramdaman niya ang pagbagsak biya sa mga batuhan bago siya nawalan ng malay.


*****


Galit na galit si Yumi sa nangyari. Sinugod niya ang lalaking kasama niya. "Duwag! Napakaduwag mo!"


"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo Yumi." sagot sa kanya ng lalaki. "Baka nakakalimutan mo. Nakita kita kung paano ka manginig kanina. Kulang na lang ay magmakaawa ka sa kanya."


"Gago ka! Nakita mo naman kung anong ginawa ko. Tinulak ko siya!"


Sa sinabi niya ay mabilis silang lumapit sa bangin at tumingin sa baba. Nakita nila ang lugmok na katawan ni Maine sa mga batuhan. "Bumaba ka!" utos ni Yumi. "Siguraduhin mong hindi nay an humihinga."


"Baliw ka ba?" galit na sumbat ng lalaki. "Hindi mob a nakikita na napakataas ng bangin na ito? Patay na iyan sa taas ba naman ng nakahuluagn niya. At paano ako bababa niyan? Ituro mo nga kung saan ako dadaan."


Yumi sighed. "Tara na nga! At baka may makakita pa sa atin dito."

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon