Forever 46

927 82 10
                                    



Pagkababa nina Kerry Anne at Menard sa sinakyang bus ay nakita kaagad nila si Alden na naghihintay sa labas ng kotse nito. Kumaway ito sa kanila. Si Menard ay nagmamadaling bumaba ng sasakyan at nagmamadaling sumalubong.


"Tito Alden!" anito na tuwang-tuwa nang makita ang lalaki.


"It is good to see you again." sabi nito sa bata at saka kinuha ang bag na bitbit ni Kerry Anne. "Tara na bago pa tayo makaatract ng atensiyon. Nagsisimula nang magtinginan ang mga tao."


Naunang pumasok si Menard sa backsaeat. Sumunod doon si Kerry Anne na hindi hinatay na pagbuksan siya ni Alden. Ito na rin ang bahalang nagsara ng pinto.


Pumasok na rin si Alden at nagsimulang inandar ang sasakyan. "So, tell me what happened?"


Mula sa rearview mirror ay nakita ni Alden na sumenyas si Kerry Anne at ininguso ang walang kamalay-malay na si Menard.


"Ok. Sorry." Alden said na naintindihan ang gusto niyang iparating.


"So, what's your plan?" tanong niya sa lalaki. Hindi niya kasi alam kung saan na sila pupunta.


"We will stay here for today and spend the night here. Bukas ay bibiyahe tayo ulit papuntang Maynila."


"Saan tayo mag-i-stay dito? Kilala ako ng mga tao sa hotel ni Harry sa Camp John Hay. Doon mon a lang kami ideretso."


"No." matigas na sagot ni Alden. "Nakausap ako ni Tita Judith na hindi ko kayo maaaring dalhin doon. I have a house here. Doon na tayo tutuloy."


Hindi na umimik si Kerry Anne. Tumingin na lang siya sa labas at pinagmasdan ang daang binabagtas ng sasakyan gaya ng ginagawa ng kanyang anak.


"Meanwhile." She heard Alden said. "You can call Tita Judith. Alam kong nag-aalala pa rin iyon hanggang ngayon."


"I will." aniya at iyon na lang ang ginawa niya.

*****

Nagulat si Kerry Anne sa bahay na pinagdalhan sa kanya ni Alden. Sa kanyang puso ay may nararamdaman siyang familiarity sa lugar na iyon. Hindi nga lang niya maalala kung nakapunta na ba siya doon. Hanggang sa makapasok sila sa loob ay sobrang napakapamilyar sa puso niya ang hangin doon.


"Make yourself comfortable. And always feel at home. You can choose any room upstairs. Magpahinga kayo." sabi ni Alden. "Sasaglit lang ako sa kabilang bahay para kausapin ang mga biyenan ko."


Sa sinabi ni Alden ay may kung anong sumundot sa puso ni Kerry Anne. May bigla siyang naramdaman na tila nagnanais na makita at makilala rin ang mga biyenan ng lalaki. Sinarili na lang niya iyon at inilibot ang paningin sa loob ng bahay nang mawala si Alden. Sinundan na rin niya ang anak niya na nakahiga sa sofa sa pagod siguro.


"Mommy." sabi ni Menard. "Ang bait ni Tito Alden."


 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon