This story is a dangerous attempt for me to enter into a different genre kaya pagpasensiyahan niyo po kung bakit minsan ay ang gulo-gulo ng plot o kaya'y ang flow ng mga pangyayari'. I am doing my best to make this a pleasant story. . .
Matagumpay na nagawa ang pagsalin ng dugo. Ngayon ay natutulog na ang bata ng payapa. Nagdesisyon na siyang umalis kaya nagpaalam na siya kay Harry. Nang lumabas siya ay sumunod ang lalaki sa kanya sa labas ng kuwarto.
"Maraming salamat pare." sabi ni Harry nang maabutan siya nito sa labas. "Hindi ko alam kung paano ako makapagbayad."
"Ok lang sa akin ang tumulong. Bukal sa loob ko ang nangyari." sagot niya rito ng nakangiti. "Nahulog na rin ang aking loob sa bata kaya ok lang sa akin iyon."
Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang tumunog ang cellphone nito. "Sandali lang, sasagutin ko muna ito."
Pinanood niya lang si Harry nang ilabas nito ang cellphone nito at sinagot kung sino man ang tumatawag. "Hello.." Napatingin ito sa kanya habang nakikinig sa cellphone nito. "Yes Kerry Anne. Kahit huwag ka na munang lumuwas. Huwag mong pagurin ang sarili mo. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan ni Menard." Natigilan ito at tumango-tango. "Sige. Bye." At muli nitong ibinalik ang cellphone sa bulsa nito. Bumaling ito sa kanya. "It was Menard's mother. Nag-aalala siya sa bata."
"Mauuna na rin siguro ako pare." aniya pagkatapos tinanguan ang sinabi nito kanina. "Babalik na lang uli ako sa ibang araw."
"Teka lang pare." anito at hinugot ang wallet sa bulsa nito. May hinugot itong dalawang tarheta mula doon. "This is my business card. You can call me if you ever need my service." Kanina ay napagkuwentuhan nila ang buhay ng isa't-isa. Nalaman niya ang klase ng business nito. He owns some chains of hotels here and abroad. Kinuha niya ang business card nito.
"This one is a gift coupon certificate. You can use this anytime you want a vacation. Sa Sagada iyan. Verdant homes will freely accomodate you."
Tinanggap niya iyon. "Sige pare. Maraming salamat. Huwag kang mag-alala. Magagamit ko talaga ang mga ito."
*****
Mula sa ginagawa ay hindi makapagconcentrate si Kerry Anne sa kanyang ginagawa. Tumawag na siya kay Harry para alamin ang kalagayan ng kanyang anak. Bagaman alam niyang hindi papabayaan ng lalaki si Menard ay hindi niya mapigilan ang sariling mag-alala. Ito ang unang pagkakataon na magkasakit ang kanyang anak ng ganoon kalubha.
"Ipanatag mo ang iyong loob." napalingon siya sa nagsalita. It was Tita Judith. "Nakausap ko na rin ang aking pamangkin. Hindi hahayaan ni Harry na may mangyari sa aking apo."
"Opo Tita. Hindi ko lang kasi maiwasan ang mag-alala. Ito ang unang pagkakataon na magkasakit si Menard ng ganoon kalala."
"Magpahinga ka na muna para gumaan muna ang loob mo. Kung gusto mong lumuwas ay maari kitang samahan pero sa ngayon ay magpahinga ka muna anak."
"Salamat Tita. Kailangan ko nga siguro talagang ipahinga ito." nakangiti niyang sabi sa matandang babae saka siya lumipat sa kabilang bahay para makapagpahinga. Pag-iisipan pa niya kung bibiyahe siya bukas.
*****
Ilang araw na ang nakalipas at nakalabas na ng ospital si Menard. Araw-araw ding binibisita ito ni Alden. Naging kaibigan na rin niya si Harry Kendrick. Masaya itong kakuwentuhan at pareho sila ng mga gusto sa bahay. Umuwi na rin ang mga ito sa Sagada para pawiin ang pag-aalala ni Kerry Anne.
Pagkatapos ng isang araw na umuwi sina Harry at Menard sa Sagada ay napilitan na rin si Alden na bumalik sa Manila. Marami na rin siyang kailangang asikasuhin.
Pumunta muna siya sa kanyang mga biyenen para makapag-paalam. Ang hipag niyang si Lorie at ang pamilya nito ay hindi pa nakakabalik mula sa bakasyon.
Pumasok siya sa bahay ng kanyang mga biyenan. Nadatnan niya ang mga ito sa dining room na nag-uumagahan. "Good morning Ma, Pa." bati niya sa mga ito.
Nakangiti ang dalawa nang siya ay masilayan. "Good morning din sa iyo hijo. Halika at samahan mo kaming mag-almusal."
"Tapos na po ako kanina Papa. Pumarito po ako para magpaalam."
"Magpaalam?" tanong ng babae niyang biyenan. "Babakalik ka na sa Manila."
"Oo Mama. Nakapagbakasyon na rin ako ng sapat. At tumawag ang aking sekretarya. Marami daw naipong trabaho."
"Bago ka umalis anak." muling sabi ng nito. "Maari ka ba naming makausap muna ng Papa mo."
"Sige po Mama. Hintayin ko na lang po kayo sa sala."
"We can talk while we are eating hijo." sabi naman ng kanyang biyenan na lalaki.
Tumawa siya ng mahina. "No Papa. Ienjoy po muna ninyo ang pagkain niyo. Hintayin ko na lang po kayo sa sala."
"Bueno." sagot nito. "Ikaw ang masusunod."
Pagkatapos makakain ang dalawang matanda ay sinundan siya ng mga ito sa sala. Doon nagsimula ang isang emosyonal na pag-uusap.
"Anak." panimula ng kanyang Mama. "Mahigit walong taon na rin ang nakalipas. Ok lang sa amin kung makapag-asawa ka na."
Hindi kaagad siya nakasagot kaya ang Papa naman ni Maine ang sumunod na nagsalita. "Kung may napupusuan ka ng iba, hindi ka namin tinututulan na magpakasal. Ayaw naming makita na tumanda kang mag-isa. Mahirap iyon anak. Bata ka pa. Gusto rin namin na makapag-asawa ka na para madagdagan ang aming apo."
Hindi pa rin siya makapagsalita. His in-laws are literally pushing him to marry someone. Baka inaakala ng mga ito ay hadlang ang mga ito sa muli niyang pag-aasawa. Nagbara siya ng lalamunan bago nagsimulang magsalita. "Mama, Papa, wala pa po akong mahal na ibang babae. At hindi pa po ako handang magpakasal sa iba."
Nagkatinginan ang kanyang dalawang biyenan. "Hijo." ang Mama. "Hindi rin masama na magmove on na at maghanap ng panibago. Masaya kami at minahal mo ng totoo ang aming anak. Pero ayaw namin na mag-isa kang tatanda. Mahirap iyonh walang katuwang sa buhay."
"Huwag kang mag-alala sa anak mo. Maiintindihan ka rin noon. Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang maging masaya."
"Marami pong salamat. Sa ngayon po ay wala pa po akong ibang napupusuan. Kung darating man po ang taong laan sa akin ay kayo po ang unang makakaalam. Marami pong salamat at kayo ang naging mga magulang ni Maine." Tuluyan na siyang napaluha nang mabanggit ang kanyang asawa. Mabilis siyang dinaluhan ng mag-asawa at sabay siyang niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
ФанфикThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..