Forever 24

1K 71 4
                                    



Hindi mapakali si Alden habang nasa kanyang kuwarto. Palakad-lakad siya habang iniisip ang nangyari kanina. Lumabas siya sa unang pagkakataon at naglibut-libot sa bayang ng Sagada. Ang kanyang goal ay para alisin si Kerry Anne sa kanyang isip pero kahit saan siya magpunta ay hindi pa rin niya ito natanggal sa kanyang isipan. At ang isang bagay na ikinakatakot niya ay may pinupukaw itong damdamin sa kanyang puso na akala niya ay kasamang nawala nang mawala ang kanyang asawa.


Iyong pamilyar na damdamin na inilalaan niya sa kay Maine dati. Imposibleng nagmamahal siya muli. Iyon ang isa pang laman ng kanyang isip habang namamasyal siya kanina at naghahanap ng mga kasagutan. But no answer came. Ang masaklap pa ay bigla siyang nanabik ma bumalik sa Verdant Homes with the hope of seeing Kerry Anne again.


At iyon nga bumalik siya sa kanyang kuwarto at lihim na nagpapasalamat sapagkat wala siyang nakita kay Kerry Anne. Natatakot kasi siya sa maaring gawin ng kanyang katawan. He has no control over his body when it comes to that lady.


Habang palakad-lakad siya sa kanyang kuwarto ay mas lalo siyang nabahala dahil ang kaisipang muli siyang umiibig ang siyang umokopa sa kanyang utak. Marahil ito ang sinasabi ng kanyang mga biyenan na pagkakataon na makahanap siya ng ibang babaeng mamahalin. He would be happy if that's the case. Bukod sa mabuting tao si Kerry Anne ay kamukha pa ito ng dati niyang asawa. Pero maling-mali eh. He can't just fall for a woman who is now happily married. He does not see himself to get involved to friend's wife. Kaya kabaliwan ang pag-iisip niya na may nararamdaman siya sa isang may-asawang tao.


At marahil ay baliw mga talaga siya dahil kanina pa niya ito iniisip. At saka posible bang umibig muli sa isang tao na kamukhang-kamukha ng kanyang asawa? Na hindi lang kamukha kundi marami talagang pagkakapareho ng dalawa.


Kung maibabalik niya lang ang pagkakataon ay sana hindi na lang siya nagbakasyon dito sa Sagada. Sana hindi niya lang nakilala si Kerry Anne. Sana hindi na lang niya nakilala si Harry. Sana hindi na lang niya nakilala si Menard. This family is giving him an internal struggle right now. If ony Kerry Anne is not married. If only Harry is not her husband. If only Menard is not her son.


Nasa ganoong pag-iisip si Alden nang marinig niya ang katok mula sa pinto. Mabilis siyang lumapit doon at saka binuksan. Nakita niya ang masaya at nakangiting mukha ni Menard. "Magandang gabi po Sir Alden."


"Maganda ring gabi sa iyo Menard." Ginulo niya ang buhok nito saka niluwagan ang pagbukas ng pinto. "Pasok ka."


"Salamat Sir Alden." sagot ng bata saka naupo sa sofa sa loob at tiningala siya. "Lola Judith is inviting you to come and join us at dinner."


"Dinner?"


"Yes. Mommy prepared pochero and her favorite chicken adobo." excited na wika ng bata. "Please come and join us. Nakaprepare na rin po ang dinner."


"Sure, I will come." mabilis niyang sagot na walang pag-aalinlangan. "Do I have to change?"


Natawa ang bata. "No Sir. You already look great. Matutuwa rin si Mommy pag ganyang simpleng damit lang po ang suot niyo."


Tuluyan na rin siyang napatawa. "Of course! Of course! So, tara na. Lead me the way little man."


Tuwang-tuwang sumunod ang bata.


*****


"Matagal kang ikinukuwento sa amin ng batang ito." masayang pahayag ni Judith nang magsimula silang kumain. "Sa totoo lang ay hindi kami mahilig manood ng telebisyon. Drama sa radyo ang aming libangan. Mula ng makilala ka nitong apo ako ay pinilit niya kaming manood ng mga palabas sa TV. Naging paborito namin ang serye sa gabi kung saan ikaw ang bida."


"Natutuwa po ako at talaga palang pinilit kayo ni Menard na manood ng palabas ko." magalang niyang sagot saka ginulo ng marahan ang buhok ng bata na nakaupo ngayon sa kanyang tabi. "You're my man."


Nag-angat siya ng tingin para makita si Kerry Anne na nakaupo sa kabila ng mesa, kaharap niya mismo. Tahimik lang itong kumakain habang nakikinig sa kanilang usapan. Paminsan-minsan ay tumitingin-tingin ito sa kanila.


"Kumusta naman ang pamilya mo hijo?"


Saglit na natigilan si Alden kasabay ng pagtingin sa nagtanong. "Mabuti lang naman ho Tita Judith. Ah, wala ma po pala ang aking asawa. Matagal na po siyang namatay."


Lungkot ang rumehistro sa mukha ng matanda. Napansin din ni Alden na biglang natigilan si Kerry Anne at napatingin sa kanya. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa mukha at mga mata nito.


"Pasensiya ka na hijo sa tanong ko."


"Ok lang po iyon sa akin Tita Judith. Matagal na rin naman pong nangyari iyon." aniya na kakatwang wala siyang naramdamang lungkot. Kadalasan kasi kapag nauungkat ang nangyari sa kanyang asawa ay kinakain siya palagi ng lungkot.


"But he has a very pretty daughter." masayang singit ni Menard. "And her name is Charmaine."


"Isa iyan sa palaging kinukuwento ni Menard sa amin." si Tita Judith at abot-tainga ang ngiti habang nakatingin sa apo nito. Saka muli itong napatingin sa kanya. "Can we hear something about him. From a father's story."


"Uh, sure." he replied pero kay Kerry Anne siya nakatingin. Tahimik pa rin ito at tila walang balak na ibuka ang bibig para magsalita. "She's twenty now and still studying. Sana may pagkakataon siyang makapunta dito para makilala niyo rin."


"I will be very glad to meet her." Ani Tita Judith. Ang giliw sa boses nito ay hindi pa natatanggal. Alden, on the other hand had the opportunity to share. Magaan sa pakiramdam niya ang pahkukuwento niya tungkol sa kanyang pamilya.


 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon