Forever 44

879 69 10
                                    


"May bago ba tayong guests?" tanong ni Kerry Anne kina Venus at Jectoffer na nakaduty sa araw na iyon.


"Meron po ma'am." si Venus ang sumagot pagkatapos ng matagal na pagkawala ng imik ng dalawa.


'Oh, bakit ganyan kayo?" nagtatakang tanong niya sa dalawa nilang staffs. Parang may nangyari kasing kakaiba sa dalawa. Hindi niya alam kung ano iyon. Parang takot na takot si Venus. Si Jectoffer naman ay tila hindi mapalagay.


"Eh ma'am." sagot ni Venus na palinga-linga sa paligid. Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Nakakatakot po kasi yung guest."


"Nakakatakot?" malakas na nasambit niya.


"Ssssh! Ssssh!" saway ni Jectoffer. "Huwag pong masyadong malakas ma'am baka may makarinig sa inyo."


"Bakit ano bang nangyayari?" aniya na binabaan ang boses.


"Yung bago kasing panauhin ma'am, nakakatakot. Pagdating niya kanina ay marami siyang tinatanong."


"Tungkol saan?"


"Tungkol po sa inyo ma'am. Tinanong niya muna kami ma'am kung kanina ang rest house na ito."


Itinaas niya ang kamay niya to stop Venus from the nonsense. "Huwag kayong ganyan hah? Tinatanong lang naman niya pala kung kanino itong Verdant. Ano namang masama doon?"


"Eh, ma'am." Si Jectoffer. "Hindi lang iyon ang tinanong niya sa amin. At saka lahat naman po ng guests ay hindi nagtatanong ng ganoon. Para po siyang imbestigador eh."


Kinabahan ng bahagya si Kerry Anne nang ikuwento nina Jectoffer ang lahat sa kanya. The stranger asked everything about her. About her life. Kung may asawa na ba siya. Kung may anak na ba siya. At mga bagay-bagay na hindi naman dapat tinatanong ng isang bakasyunista lamang. Ganunpaman, hindi niya pinansin ang kaba niyang iyon. "Baka wala namang ibig sabihin ang mga tinatanong niya. Baka curious lang."


"Hindi lang po iyan ma'am. Lumabas din po siya kanina at luminga-linga sa paligid. Tinanong pa nga niya kami kung sino daw ang nakatira sa kabilang bahay."


"Anong sinabi niyo?"


"Ang may-ari po ng Verdant. Yun lang po ang sagot namin. At hindi na rin naman po nagtanong pa. Tapos nung nagpresenta po ako kanina na ako na ang maghahatid ng gamit niya ay para po siyang naoffend at nagalit. Sinamahan ko na lang siya sa kuwarto. Pagkatapos noon ay nagpaalam ako para kumuha ng tuwalya at sabon. Pagbalik ko ay nag-a-unpack siya ng gamit. Nagulat ako nang makita kong may baril sa ibabaw ng kama na mabilis nitong tinakpan ng unan."


Magsasalita pa sana si Kerry Anne nang senyasan siya ni Venus na may taong paparating. "Siya po yan ma'am." bulong sa kanya ni Venus.


Nang mapalingon siya ay nakita niya ang isang may katangkarang lalaki na parang mas matanda sa kanya ng ilang taon. Nabigla ito ng siya ay makita. Saglit itong natigilan na parang hindi makapaniwala na siya ang kaharap. Si Kerry Anne naman ay mabilis na nakarecover. "Magandang hapon Sir. Kerry Anne ho pala. Make the most of your stay here."

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon