Naghahanda na si Kerry Anne at Tita Judith para matulog nang makarinig sila ng katok sa pintuan."Sino kaya ang kumakatok sa ganitong oras ng gabi?" ani Tita Judith na ngayon ay nakatingin sa pintuan.
"Baka sina Venus iyan o kaya'y isa sa mga guest. Ako na po ang bahala." sagot ni Kerry Anne. "Mauna na po kayong matulog."
"Sige. Tawagin mo na lang ako kung may iba kayong kakailanganin."
"Sige po Tita. Salamat."
Muling nakarinig si Kerry Anne ng katok. Si Tita Judith ay nakapasok na sa kuwarto nito.
Nang pagbuksan niya ang pintuan ay isang dalaga ang tumambad sa paningin niya. The lady looks bothered. She even noticed the tears from her eyes, she had been crying.
Para itong nakakita ng multo nang masilayan siya. Kapansin-pansin ang pagkagulat nito kasabay ng pagbigkas nito ng salitang 'Mommy'.
Ngayon ay si Kerry Anne ang nagulat. Napasugod pa ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. She even started to sob.
There is a certain familiar warmth from Kerry's heart. May kakaibang init siyang nararamdaman habang nasa bisig niya ang estrangherong dalaga. Instinctively, she reached for her back and slowly caressed the stranger's hair habang unti-unti siyang gumaganti sa yakap nito. She felt home.
The stranger upon realizing what happened slowly broke the hug and looked at her face intently. "Y-you really look like my mother." she uttered in disbelief.
Kerry Anne let out an apologetic and an understandable smile. "My name's Kerry Anne. And you are?"
Napansin niya ang pagkagulat at pagkamangha sa mukha ng babae. Nagsimula din itong matanggal ng natitirang luha sa mga mata nito. "Sorry for barging in your home like this at sa dis-oras ng gabi. Isa po akong guest ng Verdant. I am Charmaine."
"You are always welcomed here Charmaine. Ano ang nangyari at bigla kang naparito?"
Muling naiyak si Charmaine. "Can I stay here for the night? May hindi po kasi kami pagkakaintindihan ng isa sa mga kasama ko."
Kerry Anne smiled again. "Of course. Come and I will lead you to one of the guest rooms. And maybe, you can tell me what happened afterwards."
Tumango lang si Charmaine at sumunod ito sa kanya. Hindi maintindihan ni Kerry Anne ang sarili niya. Parang gumaan ang buo niyang pakiramdam habang hawak-hawak niya sa isang kamay si Charmaine. May kakaiba siyang nadarama na hindi niya maipaliwanag. And the oddest thing she feels right now is the need to attend to this lady's needs right now.
Nang pumasok sila sa isang kuwarto ay inayos niya ng konti ang kama bago niya paupuin doon si Charmaine. "Do you want to tell me what happened? Or should I leave and let you sleep?"
"Please stay." Charmaine said in a very soft voice.
Naupo siya sa tabi nito at inayos ang buhok nitong tumatabing na sa mukha. Ilang sandali na lang ay ikinukuwento na sa kanya ni Charmaine ang mga nangyari.
Bahagya siyang nagulat nang malaman niyang anak pala ito ni Alden Richards. Hindi na lang siya nagkomento hanggang sa matapos ito sa pagkuwento.
"I already met your father. He was once our guest here." sabi ni Kerry Anne para ipaalam na kilala niya ang Daddy nito. "Anyway, you can sleep now. Bukas ay sasamahan kita at kakausapin natin ang Bradleyng iyon, ok?"
"Sige po." Charmaine whispered. "Marami pong salamat."
She slowly made Charmaine to finally lie down on the bed. Inayos pa niya ang kumot nito. Sa gulat na rin niya ay hinalikan niya ito sa noo. "Good night sweetheart."
Si Charmaine na nakapikit ang nga mata ay biglang napadilat. "You are really like my mom. Ginagawa niya rin ito sa akin dati every time I sleep. Can I ask another favor?"
Ngumiti na lang siya. Naiintindihan niya ang pangungulila ng isang bata sa ina nito. "Sige ba, kung kaya ko."
"Can you stay longer?"
Hindi na nagulat pa si Kerry Anne sa request nito. Naupo siya sa gilid ng kama at binigyan ang dalaga ng mahihinang mga tapik to make her sleep.
"Please sing a song for me."
Saglit na natigilan si Kerry Anne para mag-isip ng kanta. It was only 'God gave me you' that was on her mind kaya iyon ang sinimulan niyang kantahin.
"Perfect." Charmaine whispered. "Thank you."
Hindi pa natatapos ni Kerry Anne ang pangalawang chorus ay napansin niyang payapa na ang kalooban ni Charmaine. Nakatulog na ito. Tinapos niya ang kanta. Imbes na umalis na ay nagstay pa siya ng matagal. Matagal niyang tinitigan ang mukha nito. May sumisigaw kasi sa kanyang utak na tila nakita na niya ang mukha ni Charmaine dati. Hindi niya lang maalala kung kailan at kung saan. Hanggang sa dalawin siya ng antok saka lang siya umalis sa silid at iniwan ang dalagang payapang natutulog.
****
Pagbalik ni Maiden sa roon nila ni Charmaine ay hindi niya nadatnan doon ang kaibigan. Sinilip niya ito sa verandah pero walang tao doon. Bumalik siya sa kuwarto nina Bradley at Nichard at nadatnan niya ang dalawa na nag-uusap. Nichard is confronting Bradley about what happened.
"Guys, wala si Charm sa room namin."
Si Bradley ang unang tumayo. "Hanapin natin siya sa baba."
Sama-sama silang bumaba sa ground floor. Ang isang staff lang ang naabutan nila doon. Sinabi nito na nakita daw si Charmaine na lumabas ng Verdant. Sa kaba nila ay agad silang lumabas at hinanap ang paligid. Nang hindi nila ito mahanap ay nagdesisyon silang lumapit sa kabilang bahay. Si Tita Judith ang nagbukas ng pintuan nang sila ay kumatok.
"Magandang gabi po. Pasensiya na ho kayo sa istorbo pero hinahanap po kasi namin yung kaibigan namin baka po dito siya pumunta."
"Nandito nga siya. Nakatulog na siya kanina." ani Tita Judith na nasaksihan ang lahat ng nangyari kanina.
"Ganun po ba?" sabi ni Maiden. "Bukas na lang po namin siya kakausapin. Pasensiya na po kayo ulit."
"Ok lang mga anak. Balik na rin kayo sa Verdant at matulog na. Bukas na kayo mag-uusap-usap."
"Sige po. Marami pong salamat."
BINABASA MO ANG
Yours Forever (COMPLETED)
FanfictionThis is the continuation of Alden and Maine's story in the Bahala na Basta May Forever. . NOTE: THIS STORY CAN STAND ALONE. . . CTTO of photo used in the cover..