Kabanata I

108K 2.1K 102
                                    

"ROYANA Reverie! Pinagdadabugan mo ba 'ko?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"ROYANA Reverie! Pinagdadabugan mo ba 'ko?"

Huminga ako nang malalim at pinigilang sumagot nang pabalang. Hindi pa ba halatang pinagdadabugan ko siya? Sinadya kong bigatan ang bawat hakbang sa hagdanan upang malaman niyang masama ang aking loob.

"Kasalanan ko bang hindi mo 'ko sinabihan na may pagpupulong pala? Tapos ngayon ay magdadabog ka riyan?"

Lumingon ako sa at hindi napigilang tingnan siya nang masama. "Sinabi ko sa'yo, 'Ma. May kausap ka sa telepono noon nang ipinaalam ko sa'yo, pero um-oo at tumango ka. May kasama pa ngang pagtaas ng iyong hinlalaki."

Nagsimula na ulit akong umakyat. Minsan na nga lang magka-tsempuhan dito sa bahay dahil sa kaniyang trabaho at sa'king pagpasok sa eskwelahan, nagtatalo pa kami.

Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. "Ikaw na mismo ang may sabi na may kausap ako sa telepono, hindi mo man lang ba naisip na baka hindi ko naintindihan? Na sa kalituhan ay napatango na lang ako?"

"'Di sana sinabi mong sandali, hindi 'yong sumang-ayon ka kaagad." Naiinis na sabi ko nang hindi siya nililingon. "Kalimutan mo na 'yon, 'Ma. Tapos na naman, 'di ba? Hindi ka na nakadalo." Tuluyan na 'kong umakyat papunta sa'king silid at pabagsak na humiga sa kama, matapos ay tumulala sa kisame.

May pagpupulong kanina at kailangang lahat ng mga magulang ay dumalo upang pag-usapan ang tungkol sa magiging lakbay-aral naming mga estudyante sa susunod na buwan na kasama sila. Hindi ito simpleng bagay lang para sa'kin. Ito ang pinakaunang pagpupulong na talagang tinulak ko siyang dumalo, kumpara sa mga nauna na wala siyang narinig na kahit ano mula saakin. Alam ko ring abala siya sa kaniyang trabaho kaya hanggang kaya ay hindi ko siya iniistorbo.

Kaya gano'n na lang ang aking tampo tungkol dito. Kahit ang mga kaklase ko ay sabik na makita siya ngunit hindi siya dumating. Hindi naman dahil doon kaya masama ang aking loob, kun'di dahil sa hindi niya pagtupad sa usapan naming dalawa. Gusto ko rin sanang makasama siya sa lakbay-aral na ito dahil eskwelahan namin ang bahalang ipaalam ang mga magulang sa trabaho nila kung kailangan. Kaya kahit sumama siya ay alam kong hindi ko maaapektuhan ang estado niya sa opisina.

Napahilamos na lang ako ng mukha at ipinikit ang mga mata. Itutulog ko na lang 'to.

❁ ❁ ❁

NAALIMPUNGATAN ako nang may narinig na nagsisigawan sa baba. Tiningnan ko ang orasan sa mesang katabi ng kama at napakunot ng noo. Alas onse na ng gabi, sino ang magiging bisita ni Mama nang ganitong oras? Napabalikwas ako ng bangon nang may marinig akong malakas na sampal! Sa lakas nito ay umabot ang tunog hanggang dito sa taas.

Pinasadahan ko ng suklay ang aking buhok gamit ang kamay matapos kong isuot ang pangbahay kong tsinelas. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan hanggang sa pwestong matatanaw ko ang sala at marahang umupo sa baytang nito. Hindi nila 'ko makikita kung hindi sila titingin nang direkta sa aking direksyon.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon