Kabanata XI

51K 1.2K 34
                                    

NAKANGITI kong tiningnan ang repleksyon ng sarili sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKANGITI kong tiningnan ang repleksyon ng sarili sa salamin. Inusisa ko ang aking itsura mula ulo hanggang paa. Medyo naninibago pa ako dahil sibilyan ang pinasuot sa'min at hindi uniporme.

"Roy, tara na!"

"Nandiyan na!"

Pupuntahan na namin ang lugar kung nasaan ang mahikerong dapat hulihin. Napagkasunduan na bukas na nga itutuloy ang pag-eensayo sa'kin para makasama ako ngayong araw.

Sinalubong ako nila Misha at Wendy na may ngiting abot-tenga, si Firro na nakasimangot at si Xander na nakangiti nang tipid.

"Tagal nating 'di nagkita." Bati ko kay Xander.

Tumawa siya nang mahina at tumango. "May pinagawa kasi sa'kin ang punong-guro at kahapon ko lang natapos. Gusto mo bang lagi akong nakikita?" Nakangising tanong niya.

Napailing ako sa banat niya. "Oo na lang."

Lumingon ako kay Wendy nang tumikhim siya. "Siya ang una mong pinansin, gano'n?" Mataray nitong sambit.

Ngumuso rin si Misha. "Kami ang nasa bukana ng pinto tapos ang napansin mo ay iyong nasa likod?"

"Ilang araw din kasi siyang nawala kaya nagulat lang ako." Natatawang paliwanag ko.

Magsasalita pa sana ang dalawa nang tumunog 'yong elevator, napalingon kami at nakitang papasok na si Firro. Mabilis naman kaming sumunod at tumakbo papasok bago pa ito magsara!

"Nagmamadali ka ba?" Hinihingal na tanong ni Misha.

"Kanina ka pa ganiyan, ha? Pati kami dinadamay mo!" Iritang singhal ni Wendy sa kaniya.

Napailing si Xander at lumingon sa'kin. "Bakit pala kasama ka na? Ang alam ko'y nag-eensayo ka dapat sa panahong 'to."

"Mismo. Nag-eensayo dapat ngayon pero mas ginustong sumama rito." May kung anong binubulong si Firro na kumuha ng aming atensyon.

"Pinagsasasabi mo riyan? Lakasan mo kaya?" Pabalang na saad ni Wendy. "Sabihin mo kung anong problema mo hindi 'yong aastahan mo kami ng ganiyan buong araw."

Hindi niya ito pinansin at nagawa pang magsaksak ng earphones sa kaniyang magkabilang tenga. Tibay, 'di tinablan ng sindak.

Huminga 'ko nang malalim bago ngumiti kay Xander. "Gusto kong maranasan. Kahit itong una lang tapos kayo muna sa sunod." Tumango-tango siya, matapos ay lumabas na kaming lima nang bumukas na ang elevator.

Binigyan ko ng isang sulyap si Firro na nakayuko pa rin habang nakikinig ng musika. Hindi ako mapakali dahil baka hindi pala nito ginustong sumama ngunit dahil sumama ako. na dapat ay i-eensayo niya, ay wala siyang magawa kun'di magpatianod na rin.

Napansin kong naglalakad kami sa isa pang gusaling hindi ko pa nabibisita. 'Yon ang lugar kung saan nagtatrabaho ang mga propesor kasama ang mga mahikal na likido. "Bakit tayo papunta riyan? May kailangan ba tayong kuhanin?"

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon