Kabanata XLIII

35.4K 907 206
                                    

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

"ANONG nangyari sa'yo, Merli?" Naguguluhang tanong niya sa kaharap na ginang na ilang taon niyang hindi nakita. "Kung hindi pa pinaalam sa'min ni Albert ay hindi namin malalaman na tatlong taon ka nang nawawala kasama ang bunso mong anak."

Tumawa ito ng sarkastiko at tinaasan siya ng kilay. "Hindi ba at sainyo ko dapat tinatanong 'yan, Cille? Anong nangyari at saan kayo nanggaling? Ni hindi man lang kayo nagparamdam simula nang kayo'y nawala nang biglaan."

Nasa bahay sila ng mga Reverie. Kagaya nang inaasahan ni Albert ay ginusto ni Merlita na bumisita kaagad upang makita at makausap ang mag-asawa. Dumiretso naman sa akademya ang tatlo matapos nilang ihatid ang ginang dito.

Hindi naman magawang labanan ni Cecille ang kaseryosohan ng titig ng kaibigan, kaya kaagad siyang umiwas ng tingin. "Kinailangan. Kasisilang ko pa lang kay Royana at hindi ligtas kung mananatili kami sa mundo ng mahika sa mga panahong 'yon."

Tinitigan siya nito ng ng ilang segundo, matapos ay nagpakawala ng buntong-hininga. Hinintay niya namang magsalita ito at wala sa sariling pinagsaklob ang dalawang kamay dahil sa kaba. Sino ba namang hindi magagalit kung kaming mga matalik niyang kaibigan ay biglaan na lang umalis?

"Naiintindihan ko." Malumanay nitong saad na nagpahinga ng maluwag sa kaniya. "Buti naman at naisipan niyong bumalik. Ang buong akala ko'y paninindigan niyo na ang hindi pakikisalamuha muli rito." Mas lalong gumaan ang kaniyang pakiramdam nang sumilay na ang ngiti sa labi nito.

Umiling lang siya at sumandal sa kinauupuan. "Kung pwede lang sanang hindi na, kaso kailangang pag-aralan ni Royana kung paano kontrolin ang kaniyang kapangyarihan."

Napataas muli ang kilay nito. "'Yon lang ba? Ibig sabihi'y bumalik kayo nang boluntaryo?" Bakas ang panunuya sa tinig. "Imposible. Sigurado akong hindi. Pinuntahan kayo, ano?"

Tumawa siya nang walang laman. "Ano pa nga ba?"

"Sabi ko na." Ngumisi ito at humalukipkip. "Inasahan ko na rin na mangyayari 'yon. Hindi kayo papayagan ng tatay ng asawa mo na hindi bumalik dito, lalo pa at nasa inyo ang nag-iisang sasalo ng pamumuno ng inyong angkan."

"Nasampal pa nga ako nang sinubukan kong tanggihan." Pinasadahan ni Cecille ng suklay ang buhok gamit ang kamay. "Sinabi kong ako na ang mag-eensayo sa sarili kong anak. Sinermunan ako na hindi raw sapat na ako lang." Humalukipkip siya at inalala ang usapan nila. "Ngayong nasa tamang edad na si Royana ay mas kinakailangang naririto raw ito kung saan mas kaya niyang manmananan ng maayos ang kaniyang apo." Ngumiwi siya sa sariling sinabi. "Kung hindi ito ang tagapagmana ay baka ni isang sulyap ay hindi niya binigay. Dahil sa kapangyarihan nito kaya gustong-gusto niya kaming bumalik."

"Siguro nama'y hindi lang 'yon ang dahilan, ano?" Nagtatakang tanong nito.

Suminghap siya at tumango. "Maaari. Nahalata kong madaling madali siyang ibalik kami. Panigurado'y may mangyayari na hindi lang niya pinapaalam."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon