Kabanata XXXII

38K 961 73
                                    

BINILINAN ako ni Cloak na suotin ko raw ang pinakamaganda kong dress para sa programa mamaya, dahil din sa sinabi niyang 'yon ay mas minabuti kong mag-ayos kaysa dumalo nang simple lang ang dating

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BINILINAN ako ni Cloak na suotin ko raw ang pinakamaganda kong dress para sa programa mamaya, dahil din sa sinabi niyang 'yon ay mas minabuti kong mag-ayos kaysa dumalo nang simple lang ang dating.

Nanatili pa rin akong mamalagi rito sa kanila. Kailangan ko munang asikasuhin ang mga bagay-bagay dito. May sinabi rin sa'kin ang mga Goddess na dapat kong gawin kaya kinakailangan ko talagang hindi muna umalis. Isa pa, naisip kong hindi maaaring bigla na lamang akong susulpot sa Heirs Academy at gulatin ang mga naroon.

Natigil ako sa pagsuklay ng aking buhok nang makarinig ng katok mula sa pinto. "Pasok...?" Napalitan ng pagtataka ang tono ko nang makita sa repleksyon ng salamin na si Cloak 'yon. "Bakit kailangan mong kumatok sa kwarto natin?"

"Hindi ko rin alam?" Nagkakamot ng batok niyang sambit. "Pakiramdam ko lang na hindi dapat ako pumasok nang hindi kumakatok."

Malungkot akong napangiti. Mukhang naramdaman niyang dumidistansya ako at hindi na kami katulad ng dati.

"Tapos na ba mag-ayos ang reyna ko?" Pag-iiba niya ng usapan na minabuti ko na lang na sakyan.

"Oo." Binaba ko ang suklay at tumayo para harapin siya. "Ano ba talagang mayro'n?" Natatawang kong tanong.

Kapag naaalala kong naging mabait siya sa'kin sa kabila ng kaniyang ginawa ay hindi ko magawang magalit ng husto. Ginusto ko rin namang sumama sa kaniya noong gabing 'yon para makatakas sa sitwasyon na nais kong iwasan pansamantala. Subalit hindi noon mapapalitan ang katotohanang pinahamak niya ang aking buhay dahil sa likidong kaniyang pinaiinom. Hindi ko lubos maisip na walang pag-aalinlangan niyang ibinibigay ito saakin sa kabila ng epekto nito, lalo pa at alam kong totoo ang pagpapahalaga niyang pinaranas simula nang ako'y nagising.

"Programa?" Painosenteng sagot niya at humakbang na papalapit.

Nginiwian ko siya. "Kunwari naniniwala ako."

"Ayos na 'ko sa gan'yan basta naniniwala." Pabiro niyang tugon bago inilahad ang kaniyang kamay. "Tara na?"

Naiiling kong tinanggap 'yon at nabigla nang bigla niya 'kong hilahin para yakapin. Tila kumalabog ang aking dibdib. "Bakit? May problema ba?"

Naramdaman kong umiling siya at isinubsob ang mukha sa'king leeg. "Buti na lang talaga at bumalik tayo sa dati. Akala ko talaga ay may nangyaring hindi maganda dahil masyado tayong hindi nakapag-usap. Nagsimula na rin akong mag-isip ng kung ano-ano." Malungkot niyang sambit at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin.

Bago pa 'ko makapag-isip ay kusang gumalaw ang aking mga kamay para yakapin siya pabalik. Hindi ko alam ang aking isasagot kaya nanatili akong tahimik at wala sa sariling hinigpitan ang pagyakap.

"Maiwasan sana nating maulit ang ganoong sitwasyon. Hindi ko kayang isipin na nilalayo mo ang iyong sarili saakin." Huminga siya ng malalim at tumama 'yon sa batok ko. "Mahal na mahal kita."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon