Kabanata XXI

44.7K 1.1K 46
                                    

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

"NAHANAP niyo na ba ang Silver Heir?" Nakatitindig-balahibong tanong ng ginoo at nakatuon ang tingin sa labas ng bintana. Napayuko ang mga binatang nasa kaniyang harapan na kaniyang inutusan sa paghahanap. Halata niyang nagpapakiramdaman ang mga ito kung sinong may lakas ng loob na ibigay ang kasagutan na alam niya nang hindi niya magugustuhan. "Uulitin ko pa ba ang aking tanong bago may sumagot?"

May isang naglakas ng loob humakbang paabante. "H-Hindi pa po." Pinagsaklob nito ang dalawang kamay. "Kahit pa may kumakalat na balitang lumabas na siya'y wala kaming ni isang mahanap na ebidensya. Kung totoo ngang narito na ang pilak, dapat ay masasagap ang kaniyang awra dahil sa angkin niyang lakas." Mas yumuko ito. "Mukhang katulad ng mga nauna'y isa lang ulit itong sabi-sabi."

Huminga siya ng malalim at hinilot ang sentido. "Hindi niyo sigurado kung totoo ngunit hindi rin kayo sigurado kung hindi totoo. Hindi ba dapat ay bigyan mo 'ko ng matibay na patunay kung alin ang mas dapat kong paniwalaan?" Hindi ito nakasagot. Pumikit siya ng mariin at kinuyom ang palad. "Sinubukan niyo na bang tingnan isa-isa ang mga akademya sa bawat paksyon? Pati na rin ang ibang itinayo malapit sa mundo ng mga mortal?"

Umiling ito, nanatili pa ring nakayuko. "Matataas ang kanilang seguridad. Mahirap pasukin nang hindi kami nahuhuli."

Pumikit siya ng mariin nang magsimula nang mawalan ng pasensiya. "Ang pinahahanap ko sainyo? Sila Merlita Firro at Dana Firro?"

"Ilang buwan na silang nawawala at ni minsan ay hindi nila binisita si Dustin Firro." Pinigilan nito ang nanginginig na mga kamay sa takot. "B-Bukod doon ay wala pa kaming nakakalap-"

"Mga inutil!" Sumabog nang sigaw ng ginoo at sa isang iglap ay naglahong parang bula ang mga binata!

❁ ❁ ❁

"ANO bang problema mo, Roy? Bakit bigla-bigla ka na lang nananakit?!" Kunot-noong tanong ni Nhildon sa kaniya matapos niya itong kurutin. "Hindi ko man lang magawang matapos ang pagbabasa ng isang pahina dahil sa'yo."

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Kung pumayag ka na kasi na turuan ako kung paano magpaulan ng sorbetes? Baka tapos na tayo kanina pa at naipagpatuloy mo na ang pagbabasa."

"Hindi nga pwede. Madudungisan ang buong akademya sa nais mong mangyari." Nagtitimpi nitong tugon at umayos ng upo para pasimpleng makalapit sa kaniyang tenga. "Kulang na lang ay magdasal ako na lubayan mo 'ko ngayon mismo, Roy." Bulong nito na nasa aklat pa rin ang tingin.

"'Di gagawa rin ng pansalo. Maliit na bagay naman pala ang pinoproblema mo." Tinaasan niya ito ng dalawang kilay dahil sa huling sinabi. "Bakit? Ano pang bumabahala sa'yo? Hindi talaga kita lulubayan hangga't hindi ka bumibigay." Kung pwede lang magdasal na lubayan siya ni Royana ay nagdasal na siya, sapagkat may isa pang binatang masama ang titig sa kanila at kaunti na lang ay baka sugurin na siya nito.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon