Kabanata XVIII

44.8K 1.1K 22
                                        

ILANG araw ko na rin siyang iniiwasan, at mas napadali kasi mukhang iniiwasan niya rin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ILANG araw ko na rin siyang iniiwasan, at mas napadali kasi mukhang iniiwasan niya rin ako. Dapat ko sigurong ipagpasalamat na ganito ang tratuhan namin ngayon dahil kailangan ko rin ng espasyo. Aking napagtanto na hindi ko na maintindihan ang daloy ng aking emosyon tuwing siya ang aking kasama, nahalata ko ring masyado akong apektado sa mga salitang binibitawan niya. Ang problema ay hindi ko alam kung kelan ito nagsimula at ano ang nag-udyok sa'king loob para maging ganito.

Sinubukan ko ring alisin siya sa aking isip dahil may ibang bagay pa 'kong mas dapat pagtuunan ng pansin, ngunit may mga oras na mabibigla na lang akong siya na pala ang pinagtutuunan ko ng atensyon. Laking pasasalamat ko na lang nang mukhang isinuko niya na ang kung ano mang gusto niyang mangyari, dahil wala akong oras sa bagay na hindi ko lubos maintindihan. Ang dapat kong asikasuhin ay ang pagkilala ko sa aking sarili.

"May misyon daw ulit tayo." Agaw-pansin sa'min ni Wendy na kapapasok lang ng silid na pinatawag kanina sa opisina. "Halos hindi na sila bumibisita rito sa ating pangkat tapos hindi pa nila magawang pumunta rito para ipagbigay-alam sa'tin? Kailangang ipatawag pa ako para ako ang pupunta sa kanila? Ang mga propesor na 'yon talaga." Reklamo niya nang makabalik na sa kinauupuan.

"Anong klase naman ngayon ang huhulihin?" Tanong kaagad ni Xander sa kaniya na lumipat ng pagkakaupo sa kaniyang lamesa at kahit tinutulak niya ito paalis ay hindi nagpapatinag ang binata. Ang payapa naman nilang mag-asaran ngayon? Nitong mga nakaraang araw ay minsan ko na lang din sila makitang naglalaban dahil madalas wala si Xander.

Napakamot siya ng batok at kumunot na ang noo. "'Yon na nga ang problema. Hindi sinabi kung anong klaseng mahikero o nilalang ang ating kahaharapin. Malalaman naman daw natin kaagad kapag nakarating na tayo ro'n."

"Buong akala ko'y hindi na talaga nila tayo bibigyan ng misyon." Natatawang saad ni Misha at humalukipkip. "Anong dahilan at naisipan nilang saatin ipasa ang misyong ito?"

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Akala ko'y gusto nilang ibigay niyo ang buo niyong konsentrasyon sa pagpapahusay ng inyong kapangyarihan at kakayahan?"

"Nangialam na naman ba ang mga Elite?" Tanong din ni Firro na muntik nang magpagitla sa'kin dahil hindi ko inaasahang magsasalita siya. Magkatabi kami kaya hindi ako ganoon kakumportable sa aking kinauupuan ngunit ginagawa ko ang aking makakaya para hindi siya makalahata ang aking ilang na nararamdaman.

Nagkibit-balikat si Wendy. "Siguro? Hindi ko alam. Wala namang nabanggit. Basta sinabi lang sa'kin ni Propesor Claire na tayo ang isasalang sa misyong ito. Hindi ko rin nagawang magtanong dahil mukhang abala sila sa kung ano mang trabahong inaasikaso." Unti-unti siyang ngumisi. "Ayos lang, ayos lang! Hindi ganoon kasama na tayo ang lalabas."

"Ayos lang sa paraang ano?" Natatawa kong tanong. Saang banda naging ayos 'yon kung ang lagay ay biglaan kaming pinasahan ng responsibilidad kung wala namang nangyari sa mga orihinal na trabahador?

"Ang lokasyon na pupuntahan natin ay sa dagat! Sa dagat!" Pumapalakpak niya pang saad. "Kelan ba ang huling beses na nakakita ako ng dagat? Hindi ko na matandaan. Kaya ayos lang!"

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon