Kabanata XXXIII

35.9K 966 52
                                    

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

AKMANG hihilahin ni Fire si Royana nang muntik na itong bumangga sa isang poste, ngunit kaagad siyang tumigil nang umilag itong mag-isa. Matapos noon ay nagpatuloy ito sa paglalakad habang nakayuko na tila wala sa sarili.

Nagpatuloy na muli sa panonood ang mga diyosang tagabantay, na lumabas mula sa katawan nito at nakasunod sa likuran kung sakaling biglang bumigay ang katawan ng kanilang alaga na simula pa kanina ay walang ni isang salitang lumabas sa bibig.

"Papasuin ko na 'tong batang 'to." Naiinis na wika ng diyosang apoy.

Sinamaan siya ng tingin ni Water. "Habaan mo nga ang pasensiya mo. Kung ako ang nasa kalagayan niya'y magiging ganiyan din ako."

"Masyadong maraming nagpagulo sa kaniyang isip sa araw na ito. Pasalamat na lang tayo na nakakaya niya pang dalhin ang sarili sa paglalakad sa kabila ng mga emosyong nararamdaman niya ngayon." Dagdag na pahayag ni Earth.

Napabuntong-hininga si Air, bakas ang lungkot sa mga mata. "Kung nagawa lang nating talunin ang harang na ginawa ng likido noong unang inom niya at nakausap siya kaagad ay hindi sana nangyari ito." Bakas ang pagsisisi sa ekspresyon nito. "Hindi ko akalain na magagawa ng lason na 'yon na ikulong tayo pansamantala. Marahil ay sa katagalan ng panahon ay hindi kaagad nagawang talunin ng dugo ni Royana ang epekto."

"Kaya nga may pakinabang tayo sa nangyari. Mabuti na ring naiwan siyang mag-isa at naranasan niyang gawan ng paraan ang kaniyang problema na hindi dumedepende sa kahit kanino. Para na rin masanay siya. Hindi pwedeng lagi siyang natatalo ng kaniyang emosyon sa tuwing may ganitong sitwasyon." Walang halong emosyong saad ni Fire.

Hindi napigilan ng diyosang tubig na mapakunot ang noo sa narinig. "Kahit na. Sa kabila ng mga benepisyong kaniyang nakamtan nitong mga nakaraang linggo, hindi pa rin noon malalamangan ang katotohanan na dapat ang katulad niyang nasa ganiyang edad ay gumagala para magpakasaya, nagmamahal at nasasaktan." Akmang ipagpapatuloy niya pa ang mga gustong i-katuwiran nang makitang tumango si Air sa sinabi ni Fire. Napatahimik siya para pigilan ang dismayang gustong kumawala dahil sa pagsang-ayon nito sa lohika ng kabilang panig.

Taimtim siyang tiningnan sa mga mata ng diyosang hangin nang mahalata ang biglang pagtikom ng kaniyang bibig. "May punto siya, Water. Kung magpapatuloy ang paglakas ng mentalidad ni Royana ay mas mapapadali rin ang paghusay ng kaniyang kapangyarihan. Matututo siyang kontrolin ng maayos ang sariling enerhiya kung matatag ang estado ng kaniyang isip. Ngayon pa lang na nakakaya niyang nasa labas tayo sa kabila ng pagkawala niya sa sarili ay ebidensya nang mas lumakas siya kumpara noong bago pa tayo makulong ng lason." Malumanay na saad nito at pabirong ginulo ang kaniyang buhok. "Minsan ay kailangan din nating huwag siyang paliguan ng pag-aalaga. Para hindi na maulit ang ganitong klase ng sakuna ay kailangan niya pang mas humusay gamit ang sarili niyang hangad at determinasyon."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon