Kabanata XXII

46.1K 1.1K 114
                                    

"FIRRO, ano na naman?" Nawawalan na ng pasensiya 'kong reklamo nang makitang nasa loob siya ng dormitoryo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"FIRRO, ano na naman?" Nawawalan na ng pasensiya 'kong reklamo nang makitang nasa loob siya ng dormitoryo ko. "Hindi por que bukas ang bintana ay may karapatan ka nang mamasok." Bumangon ako sa mula sa pagkahiga at sinamaan siya ng tingin. "Pangalawang beses na 'to."

Huminga siya ng malalim. "Inutusan ako ng punong-guro na gisingin ka, ang sabi niya'y kahit gamitin ko ang bintana basta mapabangon ka kaagad." Paliwanag niya at yumuko. "Pasensiya na, alam kong hindi rin tama ang pagpasok nang walang paalam ngunit sinabi ng punong-guro'y may importante siyang sasabihin sa'tin."

Kumunot ang noo ko. Ano na namang gustong mangyari ng Tiyo? Wala 'kong nagawa kun'di ang tumayo. Hinawi ko ang buhok sa'king mukha, matapos ay tinanguan siya. "Ayos lang, inutusan ka naman. Mag-aayos lang ako."

Tumango siya at naglakad na papuntang pinto. Akmang mag-aayos na 'ko ng kama nang nahagip ng aking tingin ang biglaan niyang paglingon. Nagtataka ko siyang tinaasan ng dalawang kilay. Ngumiti siya ng tipid. "Magandang umaga nga pala."

Kumurap-kurap ako, matapos ay natawa ng mahina. "Magandang umaga rin." Umaliwalas naman ang kaniyang ekspresyon at tuluyan nang lumabas ng aking silid.

Napailing na lang ako at tuluyan nang inayos ang aking higaan. Ang dali-dali niyang pasayahin. Hindi ko naiwasang sungitan siya kanina dahil ang akala ko'y masyado na siyang kampante para pumasok dito sa aking dormitoryo, dumagdag pang naputol ang tulog ko sa paggising niya. Napansin kong masyadong naka-depende sa mga reaksyon ko ang kaniyang emosyon.

Nilingon ko ang pintong kaniyang pinaglabasan. Masyadong nakadepende sa aking mga reaksyon ang lagay ng kaniyang emosyon nitong mga nakaraang araw. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Dahil doon ay ang dali-dali niya ring masaktan.

Kinuha ng bintanang bukas ang aking atensyon dahil sa simoy ng hangin na nakapapasok sa loob. Sinara ko muna 'yon at inihawi ang kurtina. Kailangan kong matutong isara 'to. Matapos ay kinuha ko na ang uniporme sa aking kabineta at dumiretso sa banyo para mag-ayos.

Gaano ka-importante kaya ang gustong sabihin ni Tiyo at nagawa niyang magpapasok ng lalaki sa silid ng kaniyang babaeng pamangkin? Hindi niya ba naisip na siguradong hindi rin kumportable si Firro sa utos niya?

Nakaramdam ako ng inis. Masyado na ngang nag-iingat 'yon sa kilos niya tuwing ako ang kausap, paniguradong nag-aalala na naman 'yon sa kung anong iniisip ko dahil sa pagpasok niya. Pwede namang si Wendy o Misha ang ipinatawag niya saakin sa loob.

Padabog kong isinara ang pinto ng banyo matapos maligo nang may mapagtanto. May alam siguro 'yon sa nangyayari sa pagitan namin ni Firro at naisip mangialam. Tinuyo ko ang aking buhok para maipusod ito, matapos ay sinulyapan ko ang repleksyon sa salamin bago naglakad papuntang pinto.

Bahagya akong napatalon sa gulat nang makita si Tiyo sa harap! Akmang pagsasabihan ko siya sa ginawa nang mapansing nasa likod niya rin si Propesor Claire, Propesor Beth, Xander, at Wendy.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon