Kabanata XXVI

37.3K 975 46
                                    

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

KASALUKUYANG magkayakap ang mag-asawang Cabanes habang tinatanaw ang paglubog ng araw mula sa kanilang teresa.

"Hari ko." Malumanay na sambit ni Antoinette. "Maaari ba 'kong mamasyal bukas? Masyado 'kong nabigla sa mga impormasyong natutunan nitong mga nakaraang araw. Nagkataong Sabado rin naman." Ngumuso siya at tiningala si Cloak. "Isa pa, simula no'ng nagising ako ay bahay at akademya lang palagi ang aking napupuntahan."

Kumunot ang noo nito at bahagyang dumiin ang pagkahawak sa kaniyang bewang. Binigyan siya nito ng isang sulyap, matapos ay umiling. "Hindi."

Bumuntong-hininga siya at mas pinaawa pa ang ekspresyon. "Pakiusap? Kung gusto mo ay pwede ka ring sumama? Gusto ko lang talagang mamasyal sa mundo ng mga mortal."

"May pagpupulong ako bukas at hindi ko maaaring ipagpaliban." Nanatiling nakaiwas ang tingin nito na nagpanguso sa kaniya.

Humiwalay siya sa yakap at iniharap ang buong katawan para mas maayos na makipag-usap. "Cloak naman. Ikaw na rin ang nagsabing wala ka bukas kaya wala rin akong magagawa rito sa bahay." Mabilis niyang itinaas ang hintuturo sa bibig nito nang akmang magsasalita. "Hindi. Kasasabi mo lang na hindi mo pwedeng ipagpaliban, hindi ba? Huwag mo 'kong hihiritan na mananatili ka na lang dito sa bahay bukas."

Sinalubong ng binatang Cabanes ang kaniyang tingin ngunit hindi siya nagpakita ng pag-aalinlangan. Nagpakawala ito ng buntong-hininga at hinila siya muli para mayakap. "Oo na, pero magdala ka ng mga guwardiyang kasama mo."

Napangiwi siya. "Huwag na. Pagtitinginan ako kapag dinala ko sila. Hindi pa naman daw hilig ng mga 'yon na dumistansya sabi sa'kin ng kapatid mo. Isa pa, isasama ko rin naman si Crystal."

"'Yon ay dahil tuwing kailangan niya ng guwardiya at pinapadala ko'y ang hilig-hilig niya silang takasan, kaya hindi na nila siya pinagkakatiwalaan." Walang ekspresyon nitong wika habang nakatitig sa araw na malapit nang lumubog ng tuluyan. "Kung ayaw mo ng guwardiya, hindi ka pwedeng lumabas."

Huminga siya ng malalim. Huling pag-asa. "Sige, hindi na. Dito na lang ako sa bahay na 'to at tutunganga na lang. Wala rin naman akong kailangang gawin na takdang-aralin. Sinabi rin ni Crystal na kung hindi ako papayagan ay gagala siya mag-isa dahil may kailangan siyang bilhin." Padabog niyang ikinalas ang yakap ng asawa at naglakad papuntang pintuan. "Tititig na lang ako sa pader, kung ganoon."

"Saan ka pupunta?" May halong hinanakit sa tono nito na halatang naapektuhan sa pagkalas niya ng yakap. "Antoinette."

"Sa kwarto ni Crystal. Doon ako tutulog." Nakasimangot siyang lumingin. "Ayokong katabi ka. Wala akong asawang masama ang ugali. Makakaya mong tiisin na narito ko sa bahay nang walang ginagawa? Ayokong makatabi ang isang indibidwal na walang awa."

Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto habang nagpipigil tumawa. Limang segundo lang ang katapat. Isa... dalawa... tatlo... apat... li-! Napangisi siya nang sumulpot ito sa kaniyang harapan. "Hindi mo 'ko matiis, ano?"

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon