TAHIMIK akong nakahalumbaba habang nakatanaw sa bintana ng bus. Ngayon ay araw ng Sabado at bukas ang akademya para hayaang lumabas ang mga estudyante kaya naisipan kong pumunta sa bahay kung saan doon namamalagi sila Papa at Mama.
Hindi ako makapunta nitong mga nakaraang araw kahit gusto ko dahil hindi papayagan ng dalawang bantay do'n sa tore na buksan ang tarangkahan kapag walang pasok. Maaari lang kaming umalis kung may misyon, o may permisyon ni Tiyo at ng kahit sinong guro.
Ang lagusan naman ay pwede lang gamitin ng ibang estudyante na walang inaasikasong misyon kung inanunsyo ng Tiyo na pwede itong buksan sa kahit saan, katulad ngayong Sabado at bukas ng Linggo. Mas mabilis kasi para sa lahat na gamitin ang lagusan kaysa ang mga bus, lalo pa at hind pare-parehas ng oras o araw ang mga estudyante ng pagbalik. Kaya lang kami hinahatid ng bus sa tuwing kami'y lalabas ay para alam ng akademya kung saan balak manatili o pumunta ng mga estudyante kung sakaling may mangyaring kung ano na kakailanganing puntahan kaagad.
"Binibing Gabriel, narito na po tayo."
Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ng nangangasiwa. Nagpasalamat ako at mabilis na bumaba, matapos ay nagsimulang maglakad papuntang bahay.
"'Ma! 'Pa!" Sigaw ko habang kumakatok ngunit walang nagbubukas na nagpakunot sa'king noo. Sinubukan ko muling mas malakas na kalabugin ang pinto pero wala pa rin akong naririnig na pagsagot o ano mang ingay mula sa loob. Naglabas na ko ng apoy sa aking kamay. "Susunugin ko na lang-!"
"'Nak!" Napalingon ako at nakitang nasa kapit-bahay si Mama habang nasa tabi rin ang Papa.
Ikinuyom ko ang aking kamay para mawala ang apoy at nagtataka silang tiningnan. "Anong ginagawa niyo riyan?"
Ngumiti si Mama. "Sinasalubong namin ng Papa mo ang bago nating kapit-bahay!" Masiglang sagot nito at dumapo ang tingin sa kamay kong kabababa ko lang. "Bakit may apoy ang kamay mo kanina?"
Napataas ang dalawang kilay ko. "Para saan? Sobrang importante ba 'yang bagong kapit-bahay para personal niyong bisitahin? Presidente?" Pinasadahan ko ng tingin ang bahay namin. "Susunugin ko sana ang pinto dahil walang sumasagot." Bakas ang inis sa'king tinig. Ang akala ko ay sasalubungin nila 'ko sa'king pagdating tapos malalaman kong nangangapit-bahay pala silang dalawa?
"Roy!" Dumko ang mga mata ko sa lumabas mula sa pinto ng kabilang bahay at muntik nang mabilaukan sa sarili kong laway.
"Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya.
Bago pa siya makasagot ay may isa pang lumabas kasunod niya na bakas ang aliw sa ekspresyon habang nakatingin din saakin. "Magandang araw sa'yo, Roy!" Bati nito at kumaway pa! "Kami ang bago niyong kapit-bahay!"
Sinamaan ko sila ng tingin at naalala ang usapan nila sa aming silid noong isang araw. Dito pala sila lumipat?
"Nasabi nila sa'ming kaibigan mo sila kaya naisip naming bumisita. Mukhang totoo rin naman na magkakasundo kayo." Nangingiting saad ni Papa habang nakaakbay kay Mama at natutuwa yata sa panonood sa'min.
BINABASA MO ANG
Inherited
FantasíaEDITING. (Silver Heir Trilogy #1) Isang babae na mababago ang takbo ng buhay dahil sa kaniyang minana. || © blooreyn