Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DAHAN-DAHAN akong umupo para hindi matapon ang inumin kong mainit na tsokolate. Inilapag ko ito sa mesa at nagpatuloy na sa pagkain ng almusal.
Nahagip ng aking tingin ang susing ibinigay na saakin ng Tiyo kanina habang ngingisi-ngisi. Muntik ko na siyang gawing abo kung hindi niya lang sinabi na binilhan nila 'ko ng mga pagkain para rito sa'king opisina.
Napatingin ako sa telepono kong nasa gilid nang umugong 'yon. Sinubo ko muna ang pagkaing nasa kutsara bago buksan 'yong mensahe, at nabigla nang muntik na 'kong mabulunan sa pangalan ng nagpadala!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Uminom ako ng tubig para makalunok nang mas maayos. Hindi ko pa pala 'to napapalitan. Madiin kong pinagpipipindot ang salamin ng aking telepono para burahin ang dapat burahin, matapos ay nilapag ko na ulit 'yon sa mesa.
Inubos ko na ang aking kinakain, matapos ay naligo at nagbihis ng uniporme. Naisipan ko ring magsuot ng jogging pants sa ilalim ng aking palda at manipis na t-shirt sa ilalim ng blusa kung sakaling matuloy ang ensayong sinasabi niya.
'Pag labas ko ng opisina ay naroon na kaagad si Tiyo sa kaniyang trono kahit napakaaga pa lang.
"Hindi ba masyado mong pinapagod ang iyong sarili, Tiyo?" Pahayag ko habang kinakandado ang aking pinto. "Tuwing nakikita kita ay sobrang bihira kong matsempuhan na wala ka sa harap ng mga papeles mo. May balak ka bang pakasalan ang mga 'yan?"
Nakangisi naman niya 'kong nilingon. "Diretsahan mo na lang sabihing nag-aalala ka sa iyong tiyuhin, ang dami-dami mo pang sinasabi."
Kunot-noo ko lang siyang tiningnan. Isa rin 'tong mahirap kausapin minsan. Pinili ko nang magdire-diretso na palabas at iniwan siyang abot-tenga ang ngiti.
Mabilis akong napatigil at nanlaki ang mga mata nang nakitang naghihintay ang dalawang pinagbiyak na bunga sa labas. Anong ginagawa ng mga 'to rito?
Itinikom ko ang bibig nang malamang hindi nila narinig ang aking paglabas at dahan-dahang naglakad paalis. Masyado pang maaga para kawawain ko ang aking mga pinakamamahal na tenga. Paniguradong mangungulit na naman ang dalawang 'yon at magbabangayan sa magkabilang gilid ko. Isa rin sila sa dahilan na ayos lang sana sa'king hindi umuwi nang binanggit ni Tiyo ang kondisyon kahapon, at hahayaan ko na lang sanang sila Mama at Papa ang bumisita sa'kin dito kapag hindi na sila nakatiis.