Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"TAPOS na ang ating Survival Contest!Mayro'n nang limang estudyanteng nakarating sa dulo. Napagsama-sama na rin namin ang kanilang mga puntos." Tinuro ni Tiyo ang biglang lumabas na imaheng nakalutang sa harapan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dustin Firro - Walumpu't apat na puntos.
Xander Bohr - Animnapu't apat na puntos.
Wendy Scott - Limampu't tatlong puntos.
Misha Reniva - Limampu't isang puntos.
Royana Gabriel - Tatlumpu't tatlong puntos.
"May iba sainyong mas mataas pa ang puntos sa pangatlo hanggang pang-lima ngunit natanggal kayo. Hindi epektibo ang puntos niyo kung hindi kayo nakarating sa dulo." Paliwanag ng Tiyo nang may mga narinig na nagreklamong mas mataas pa ang puntos nila kaysa sa'min.
Napagkasunduan naming huwag magbigay masyado ng reaksyon upang hindi na madagdagan ang mga sinasabi ng ibang pangkat.
"Mukhang kakaunti lang din sa inyo ang nakatagpo ng mga tagong halimaw na aming itinanim sa paligsahan." Hinilot niya ang kaniyang batok. "Hindi ko inaasahan na marami pala ang tamad maghanap sainyo."
"Ang layo ng agwat." Sabi ko kila Wendy at Misha na nasa tabi ko at nakasukbit ang mga kamay sa magkabila kong braso.
Inaalalayan nila 'ko sa pagtayo at paglalakad dahil hindi pa gano'n kaayos ang paa ko. Tama nga ang kutob ko na may nabali ro'n nang ako'y bumagsak.
Laking pasasalamat ko nang napagaling ito ng mga healer kaya hindi ko na kinailangang tiisin ang sakit. Sadyang hindi pa raw ako makalakad nang maayos sa pagkabigla.
"Ayos lang 'yan. Kahit papaano ay kasali ka sa mga nanalo sa unang paligsahan." Nakangiting saad ni Misha. "Sinubukan kong hanapin ka para mang-asar ang kaso ay masyado 'kong natuwa sa paghahanap ng mga halimaw."
Napanguso ako. "Wala akong nakitang kahit isang ganoon. Nawala sa isip kong kasali ang mga ito. Pinagtuunan ko lang ng pansin ang mga humaharang sa'kin." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa'king mukha. "Ginusto ko lang matapos na para hindi ako mapuruhan."