Kabanata XIX

50.3K 1.2K 151
                                    

SINARA ko ang bag na aking dala-dala at inilapag ito sa gilid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SINARA ko ang bag na aking dala-dala at inilapag ito sa gilid. Nagdala 'ko ng damit pang tatlong araw, kagaya ng suhestiyon ni Wendy. Baka raw kasi hindi kayanin ng isa o dalawang araw ang paghuli sa kung ano mang mahikerong huhulihin namin.

Umupo ako sa kama at inilabas ang aking telepono. Hinanap ko si Mama sa listahan at tinawagan siya. Ipapaalam ko lang sana sa kaniyang lalabas kami ng akademya para pumunta sa karagatan. Kagaya ng dati, hindi na naman siya sumasagot. Napabuntong-hininga 'ko. Abala na naman siguro sa kung ano.

Matapos kong siguraduhing ayos na ang mga dala 'ko ay lumabas na 'ko ng silid. Bahagya akong napatigil at pumikit sa inis nang makita kung sinong nasa harap na mukhang siya pa lang ang handa at naghihintay. Dapat pala'y nanatili muna 'ko sa loob. Napailing ako sa sarili at sumandal na lang sa pader. Hindi naman ako pwedeng magdahilan na maglalakad-lakad muna ako habang wala pa 'yong iba dahil dito ang usapang hintayan sa pasilyo ng aming palapag.

"Ang alam ko'y malamig ang hangin doon, siguro ka na bang ganiyan ang gusto mong isuot?" Biglang salita ng kasama ko.

Suot ko ang madalas kong porma. Short na saktong hanggang taas ng tuhod. Katerno nito'y puting damit na walang manggas na medyo mahaba sa'kin kaya parang wala akong suot na pambaba kung sa harap at likod titingnan, itim na sports bra sa loob na kita sa butas ng damit sa gilid, at puting sapatos. "Anong mali sa suot ko?"

Napakamot siya ng batok at akmang magsasalita nang may magbukas ng pinto. Lumingon ako kay Misha na kalalabas. Nagtataka niya kaming tiningnan. "Magandang umaga?"

Ngumiti ako. "Magandang umaga, Misha."

Laking pasasalamat ko nang bumukas na rin 'yong pinto ng dalawa.

"Anong atmospera 'to?" Natatawang pansin ni Wendy. "Nagtalo na naman kayo?" Pabalik-balik ang kaniyang tingin sa'kin at kay Firro.

"Ano namang pag-aawayan nila? Kung ano-ano talaga laging pumapasok diyan sa isip mo." Naiiling na saway ni Xander at hindi nakatakas sa'king mga mata ang pasimple nitong pag-agaw sa dala ni Wendy, na hindi naman napansin ang nangyari dahil nakatutok pa rin ang naniningkit na mga mata sa'min.

"Kapag nalaman kong may nangyayari sainyong dalawa at hindi kayo nagsasabi, ihahagis ko kayo sa ipo-ipo." Pagbabanta nito at nagdire-dretso na sa elevator.

Kumurap-kurap lang ako at nagsimula na ring maglakad palapit. "Nasaan si Nhildon? Hindi ba siya kasama?" Tanong ko nang mapansing wala na naman si Celes.

Umiling si Xander. "Hindi." Simple niyang sagot na hindi ko na kinuwestiyon.

"Lagusan o sasakyan?" Tanong ni Misha.

"Sasakyan. Nandito naman ang magmamaneho." Nakangising sagot ni Wendy at tinaas-taas ang dalawang kilay habang nakatingin kay Xander na buntong-hininga lang ang sinagot, walang kahit anong reklamo o kontrang lumabas sa bibig.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon