Kabanata XXIII

45.5K 1K 192
                                        

biro lang 'yong nakaraang kabanata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

biro lang 'yong nakaraang kabanata. i remember writing and publishing that on april fools' day, hehe. happy(?) reading! ✿

TINOTOO talaga ni Mama na rito 'ko sa akademya magdiriwang ng aking kaarawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TINOTOO talaga ni Mama na rito 'ko sa akademya magdiriwang ng aking kaarawan. Sinabi niya saaking nag-aayos na ang mga inutusan niya sa baba. Pinaalam niya rin saaking mas pinili nilang i-anunsyo na isa itong simpleng kasiyahan para makadalo rin ang iba pang mga estudyante. Ginawa rin nilang dahilan na premyo raw ito ni Tiyo dahil nakita niya ang pag-eensayo namin ng husto nitong nakaraang linggo.

Ang saya ko nga kasi naisip 'yon ng aking ina, na isama ang mga hindi ko kilala sa aking selebrasyon. Ang saya ko dahil hindi niya isinuko ang ideyang ito at hindi inisip na mas magugustuhan kong kami-kami na lang. Ang saya ko, sobra.

Akala ko noong una'y hindi niya na itutuloy dahil wala akong natanggap na kahit anong tawag mula sa kaniya nitong mga nakaraang araw tungkol dito. 'Yon pala'y kaya hindi nagawang kausapin ako ay abala siya sa pag-asikaso at paghahanda para sa araw na 'to. Mas makulit pa kay Wendy.

"Anak, ayos ka na ba―? Bakit hindi ka pa bihis?!" Gulat na sigaw niya sa'kin nang makitang nakaupo lang ako sa kama at nakahalumbaba.

Tiningnan ko siya at kumurap-kurap. "Para saan? Ano bang mayro'n?" Pagmamaang-maangan ko.

"Hampasin kaya kita, gusto mo?" Nakahalukipkip niyang saad.

Napabuntong-hininga 'ko at ibinagsak ang sarili sa kama. "Hindi ba pwedeng pantalon at damit na walang manggas na lang ang aking isuot? Tutal ang iniisip naman ng lahat ay simpleng kasiyahan lang ito." Sinubukan kong umapila. "Ayoko ng dress, 'Ma."

Suminghap siya na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Naisip mo bang papayagan ko 'yon? Pwede ba, Royana? Ika-labingwalong kaarawan mo 'to! Hindi ko papayagang pagbihisin ka ng araw-araw mong suot na parang ang punta mo'y sa palengke lang!"

Napakunot-noo 'ko. "Anong klaseng pagkukumpara 'yan, 'Ma? Maraming maaayos ang estilo ng pananamit sa palengke, ano? At saka kung hindi man, 'yon ay dahil naghahanap-buhay sila!"

Nabigla siya sa biglaan kong pagsinghal at ngumuso nang napagtantong hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Oo na, oo na. Pasensiya na. Ikaw kasi 'tong ang daming reklamo!"

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon