Kabanata XXVIII

36.8K 979 26
                                        

MULI na naman akong lumingon saaking likuran habang nag lalakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MULI na naman akong lumingon saaking likuran habang nag lalakad. Tinakasan ko ang mga guwardiya ko, pati na rin si Crystal. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko rin maatim na kausapin si Cloak.

Nalaman kong ang pinaiinom niya sa'kin ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang aking mga alaala, at dahil ito sa liham na aking natagpuan sa teresa ng aming silid. Buti na lang at ako ang nakakita, o maaaring alam ng kung sino mang nagpadala na ako lamang ang nasa kwarto nang oras na 'yon.

 Buti na lang at ako ang nakakita, o maaaring alam ng kung sino mang nagpadala na ako lamang ang nasa kwarto nang oras na 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang gamot na iyong iniinom ay lason na ang pamilya mismo ng asawa mo ang gumagawa. Ang epekto nito ay makalilimutan mo ang iyong mga alaala. Puntahan mo ang lugar na ito kung nais mo ng ebidensya. Dito ay may silid-aklatan kang makikita na ang bantay ay isang matandang babae. Hanapin mo ang librong tungkol sa mga lason. Ang pangalan ng iniinom mo ay lorem venenum. -N"

Kung normal na araw lang ay hindi ko basta-bastang paniniwalaan ang mga nakalagay dito. Ang magiging suspetsa ko lang ay baka pakana ito ng mga kalaban ni Cloak sa politika para sirain ang aming relasyon na sisira sa kaniyang reputasyon. Ngunit naalala ko ang nangyari sa mall noong isang araw at hindi ako kumportableng isipin na nagkataon lang ang lahat, kaya hindi ko magawang palagpasin ito.

Sa lugar na tinutukoy ng sulat ang balak kong puntahan ngayon. May parte sa'king umaasa na sana hindi totoo, na sana hindi ako niloloko nila Cloak at Crystal. Na sana hindi puro kasinungalingan lang ang mga ipinakita nila saakin.

May mapang kasama kaya hindi ako nahirapang hanapin ang silid-aklatan. Wala akong ideya kung kanino ito galing dahil ang letrang N lamang ang ibinigay nitong pagkakakilanlan.

Mabait ang matandang babae na nagbabantay na nabanggit din sa liham. Naguluhan nga lang ako nang nanlaki ang mga mata niya nang ako'y nakita. Marahil ay dahil halatang bihira lamang ang bumibisita rito.

Matapos noon ay tinanong ko siya kaagad kung nasaan ang librong naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa lorem venenum. Sa pangalawang pagkakataon ay nanlaki na naman ang kaniyang mga mata. Tinanong ko kung bakit at ang sagot niya'y matagal-tagal na raw nang may nagtanong tungkol sa lason na 'yon. Nginitian ko na lang siya ngunit kumirot ang aking dibdib nang tawagin niya ring lason 'yon. Naisip ko ring kung matagal-tagal na nang may naghanap ng impormasyon tungkol dito, ibig sabihi'y maaring bihira lang din ang paggamit nito. Binigay niya sa'kin ang librong aking hinahanap. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at naghanap ng mauupuan.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon