Kabanata XXXVI

36.6K 993 135
                                    

"ROYANA, mukhang padating na ang bagong estudyanteng si Nathaniel Celes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ROYANA, mukhang padating na ang bagong estudyanteng si Nathaniel Celes." Tumunghay ako at nakita si Tiyo na nakatayo sa pinto ng aking opisina. "Hindi sa tarangkahan kun'di sa lagusan ang paglalabasan niya. Doon ko nararamdaman ang papalapit na enerhiya."

"Hindi niya ba kayang maglakad mag-isa, Tiyo?" Tanong ko at ibinalik ang tingin sa librong binabasa. "Didiretsuhin niya na lang naman kapag nakapasok na siya. Sa laki ng mga gusali'y alam niya na siguro kung alin ang dapat puntahan. Maaari rin siyang magtanong sa mga makasasalubong niya." Inilipat ko ang pahina. "Isa pa, nag-aaral ako."

Nahagip ko sa gilid ng aking paningin ang kaniyang paghalukipkip. "Ipapakita lang natin na masaya tayo sa kaniyang pagdating dito sa akademya. Lalo pa at pasok siya sa HA-1, mas mabuti nang maayos ang ating imahe kung sakaling maimpluwensiya ang pinanggalingan niyang pamilya." Huminga 'ko ng malalim at nagpatuloy sa pagbabasa. "Ayaw mo rin namang pumasok, hindi ba? Kaya sundin mo na lang ang aking utos."

"Hindi ba magsu-suspetsa ang iba kapag nalamang ako ang inutusan mong sumalubong?" Wala na 'kong nagawa at isinara ang aklat na hawak ko.

Umiling siya at tumalikod na muli saakin para bumalik sa kaniyang upuan. "Maaari ko namang sabihing ikaw ang na-tsambahan kong makita sa pasilyo kaya ikaw ang aking pinakiusapan." Dinampot niya ang panulat at nagsimula na naman sa pag-aasikaso ng walang katapusan niyang papeles. "Kung nagsimula ka nang maglakad ay baka nakarating ka na ro'n."

Tumayo na 'ko at tumango-tango kahit hindi niya nakikita. Tatanungin ko sana kung bakit hindi na lang siya ang sumundo kung may posibilidad pala na maimpluwensiya ang pamilya nila Nhildon, ngunit tinikom ko na lang ang aking bibig nang masulyapan ang halos nag-uumapaw na mga papeles sa kaniyang mesa.

Sinara ko na ang pinto ng aking opisina.

"Huwag ka na munang gagamit ng iyong kapangyarihan at baka kulang ka pa sa pahinga. Hindi rin natin alam kung tuluyan na bang nawala ang lason na nananalantay sa iyong dugo." Malumanay niyang sambit bago ako makalabas. "Gustuhin ko mang patingnan ka sa mga healer ay ayaw nila Ate at Kuya, sigurado raw kasing malalaman nilang lorem venenum ang nainom mo sa oras na suriin nila ang iyong katawan."

Napatigil ako sa pagpihit ng hawakan ng pinto nang may naalala. May alam kaya si Tiyo sa bagay na sinabi ng Ginoong Neil? Humarap ako pabalik at akmang magtatanong nang makita ang paghilot niya ng sentido na parang namomroblema sa kung ano mang binabasang papeles. Saka ko na lang itatanong, hindi ko rin naman sigurado kung nagsasabi ang kanilang ama ng totoo.

Tuluyan na 'kong lumabas at magsisimula pa lang sanang maglakad nang makita kung sino ang aking mga makasasalubong.

"Roy! Totoo pala na nakabalik ka na!" Matinis ang tinig na bati niya.

Kung tumayo na siguro ako kaagad nang inutusan ako ni Tiyo at hindi pinatagal ng ilang minuto ay baka hindi ko nakasabay ang mga ito. 'Yan ang karma sa iyong katamaran, Royana.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon