Kabanata X

51.6K 1.3K 60
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nang naramdaman kong hindi ako makahinga nang maayos! Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at pilit na dumilat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAALIMPUNGATAN ako nang naramdaman kong hindi ako makahinga nang maayos! Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at pilit na dumilat. Akmang hihinga ako nang malalim, kaso'y mabilis akong napaubo dahil sa usok! 

Tuluyang nagising ang aking diwa at nalamang nasusunog ang dormitoryo ko! Anong nangyayari?! Halos madapa ako sa pagtakbo papuntang pintuan para lumabas ngunit hindi ko 'yon mabuksan!

"Tulong! May sunog dito sa loob!" Paulit-ulit kong sigaw habang kinakalampag ang pinto pero mukhang walang nakaririnig! 

Sinubukan kong huminga ulit nang malalim para habulin ang aking paghinga pero masyado nang makapal ang usok kaya mas lalo akong nahirapan. Dahan-dahan akong dumausdos paupo ng sahig at tinanggap na ang magigising resulta ng buhay ko...

"—Gising. Gabriel!" Unti-unti akong dumilat at bumungad sa'kin ang mukha ni Firro.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at nilibot ang tingin sa paligid. Walang bakas ng sunog at nakahiga pa 'ko sa aking kama. Napansin ko ring nakahihinga na 'ko nang maluwag. Panaginip?

Bumangon ako at umiling dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman. Nilingon ko siya at nakitang mayroong ngisi sa kaniyang labi. "Bakit?"

"Kanina pa 'ko katok nang katok ngunit hindi ka magising kaya inisip kong pakialaman ang iyong panaginip. Mukhang gumana naman." Umayos siya ng tayo dahil naka-iskwat siya kanina. "Tumayo ka na at sisiguraduhin nating lalabas na 'yang kapangyarihan mo ngayong araw." Deklara niya at lumabas na ng aking dormitoryo.

Napatulala ako sa pintong kasasara lang at unti-unting napagtanto ang nangyari. Siya ang may pakana ng panaginip ko

Mabilis akong tumayo mula sa'king kama at dumiretso sa banyo para mag-ayos. Nagbihis ako sa'king uniporme at nagsuot ng short sa ilalim ng palda para mas makagalaw nang maayos sa aming gagawin.

Napansin ko ang nanginginig kong mga kamay dahil sa inis na nararamdaman. Anong pumasok sa isip niya para gawin 'yon? Kinuyom ko itong parehas para pigilan ang nag-uumapaw na emosyon. Paano siya nakapasok sa'king kwarto? Tinali ko ang aking buhok at lumabas na.

Inaasahan kong naghihintay siya sa ro'n pero wala siya. 'Pag baba ko ng gusali ay doon ko siya nakitang naghihintay sa tapat ng elevator, at nang makita niyang narito na 'ko'y nagsimula na siyang maglakad.

Binilisan ko ang paghakbang para sabayan siya. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. "Hindi mo ba alam na muntik na 'kong mamatay do'n, Firro?" Nagtitimping panimula ko. "At paano ka nakapasok sa dormitoryo ko?" Sa kabila ng nararamdaman ay napansin kong naglalakad kami papunta sa gusali ng mga silid na pwedeng pag-ensayuhan.

Binigyan niya 'ko ng isang sulyap. "Hindi ka mamamatay dahil panaginip nga lang 'yon. Naiwan mong bukas ang iyong bintana kaya 'yon ang ginamit ko para pumasok." Walang ganang sagot niya. "Mataas ang seguridad ng akademya pero matuto ka pa ring magsara nang maayos."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon