Kabanata XII

54.2K 1.3K 84
                                    

"SAAN tayo? Hindi ba ro'n 'yong daan?" Nagtatakang tanong ko matapos lingunin ang malaking tarangkahan ng akademya dahil palayo kami nang palayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SAAN tayo? Hindi ba ro'n 'yong daan?" Nagtatakang tanong ko matapos lingunin ang malaking tarangkahan ng akademya dahil palayo kami nang palayo. 

Napansin kong papunta kami sa likod ng nasa kanan na gusali kung nasaan ang mga silid ng bawat pangkat.

"Ayokong humiram tayo ng kotse dahil ang alam ko'y mga HA-2 ang bantay doon ngayon. Kakaiba pa naman ang tinginan ng mga 'yon sa'ting pangkat." Sagot ni Wendy, matapos ay humikab. Nanatili pa rin ang sukbit nito sa'king braso.

"Hindi ko maintindihan kung inis, inggit, takot, o paghanga ang mga nasa mata nila tuwing nakikita tayo." Nakangiwing dagdag ni Misha na bumitaw sa pagsukbit sa'king braso nang mapansing medyo nahihirapan ako sa paglalakad.

"Mayroon tayong sariling kotse?" Gulat na tanong ko. 

Tumango siya. "May ilan tayong mga sasakyan na ginagamit ng mga trabahador tuwing lumalabas dahil hindi pwedeng lagi tayong gagamit ng mahika sa mundo ng mga mortal." Ngumuso siya nang tumingala para tingnan ako. "Sayang at mukhang hindi mo na mararanasan kung ito na ang huli nating misyon."

Natawa si Xander. "Kung may susunod pa ay siguraduhin nating gagamit tayo ng sasakyan para maranasan ni Roy. Sa ngayon ay lagusan muna ang daanan natin dahil masyadong matagal kung magmamaneho kung sa kabilang bayan pa ang destinasyon."

"Lagusan? Mahikal na lagusan?" Lumingon-lingon ako sa paligid pero puno at damo lang ang aking nakikita ko. "Nasaan?" Hindi ko magawang itago ang kasabikan sa tinig. Ito ang unang beses na makakikita at makagagamit ako ng lagusang sa libro ko lang nababasa noon.

"Kailangan mo munang sabihin ang mga salita para mapalabas 'yon, Roy." Nangingiting paliwanag ni Wendy nang makitang hinahanap ko.

"Porta egressus!" Sigaw ni Xander at biglang may unti-unting umilaw sa aming harapan.

Bahagya akong napanganga sa nakita. Pabilog ito na asul ang kulay at parang tubig na paikot-ikot.

"'Yan na ang hinahanap mo. 'Wag mong kalimutang isara ang iyong bibig at baka pasukan ng langaw." Nanunuyang saad ni Firro na nginiwian ko lang. Parang kanina lang ay binagsakan ng lapit at lupa ang ekspresyon mo.

"Isipin mong mabuti ang perya sa kabilang bayan bago ka pumasok, Roy. Kapag walang eksaktong lokasyon kang nasa isip ay maaari kang mapunta sa kawalan." Paalala ni Misha. "Mauna na 'ko!" Matapos ay patalon siyang pumasok ng lagusan. 

Sumunod kaagad si Wendy, pati na rin si Xander.

Tinamaan ako bigla ng kaba. Mapupunta 'ko sa kawalan? Kung ipapaalam niya sa'kin ang ganoong kahindik-hindik na resulta, sana nama'y hindi niya 'ko masiglang iniwanan dito!

"'Wag kang kabahan." Lumingon ako kay Firro nang marinig ang malumanay niyang boses. "Inaasar ka lang ni Misha. Bihira lang mangyari 'yon." Kumunot ang noo ko sa narinig. Bihira, ibig sabihi'y nangyayari pa rin. "Mauna ka na at susunod ako." Senyas niya sa lagusan. "Mag-ingat ka."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon