Kabanata V

59.8K 1.5K 87
                                    

NAKAHALUMBABA kong pinapanood sila Wendy at Xander na kanina pa nagtutunggali gamit ang kanilang mga mahika

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAHALUMBABA kong pinapanood sila Wendy at Xander na kanina pa nagtutunggali gamit ang kanilang mga mahika. Dito sila sa loob ng silid naglalaban na talaga nga namang ikinagulat ko noong una, ngunit nang makitang wala naman silang balak ipatama sa aming direksiyon ang mga pinagbababato nila sa isa't isa ay napagdesisyunan kong kumalma na at manood na lang.

Napansin kong ang madalas ilabas ni Wendy ay ang hugis-bilog na hangin, na nilalabanan naman ni Xander ng hugis-bilog na lupa. Minsan ay lumilipad din siya sa taas ng kisame na hindi naman tinatratong problema no'ng isa dahil kayang kaya niya itong inisin para bumaba na ito nang kusa.

"Bakit wala pang gurong dumadating?" Tanong ko kay Misha.

Nakaupo siya sa'king tabi at may pinaglalaruang tubig sa palad niya. Hinahanda ko na ang sariling umilag kung sakaling mabitawan niya 'yon nang hindi sinasadya o bumagsak nang hindi niya nalalaman, dahil siguradong mababasa ang sapatos ko.

Natigil siya sa pagbato ng tubig at gulat na tumingin sa akin. "Hala, hinihintay mo?"

Alanganin akong tumango. "Hindi ba dapat?"

Napatawa siya nang mahina bago umiling. "Wala tayong guro! Minsan lang sila pumupunta rito kapag may kailangang ipagbigay-alam o may tatanungin tayo sa kanilang dapat nilang ituro para malaman natin kung paano gawin o asikasuhin. Hindi sila madalas napaparito dahil iniisip nilang kaya na natin ang ating sarili, hindi kagaya ng ibang pangkat."

Ano? Kunot-noo ko siyang tiningnan at umayos ng upo. "Hindi ko maintindihan. Ang ibig mo bang sabihin ay kung tutuusin ay wala tayong guro?"

"Oo! Kaya nga ganoon na lang galak na ipinakita namin kanina nang makitang narito ka dahil may bago kaming mukhang makasasalamuha. Sa araw-araw na pagpasok ay ang mukha lang ng dalawang lalaki ang sumasalubong sa'min kaya hindi namin maiwasang magsawa." Tukoy niya kay Xander na tumalsik sa pader dahil sa inihagis ni Wendy sa kaniya, at kay Firro na nakahalumbaba pa rin sa mesa na tahimik lang na pinapanood ang dalawa.

Napataas ang dalawa kong kilay. "Buti pinagkatiwalaan kayo ng mga guro na pumapasok talaga kayo sa klase? Dahil hindi naman nila malalaman kung lumiban kayo, ano?" Nagtatakang tanong ko. Kaya rin pala ayos lang na nahuli sila kaninang umaga dahil wala namang mananaway sa kanila.

Natawa siya at tumango. "Kung gugustuhin ay maaari natin 'yong gawin, pero ano pang silbi? Makukulong lang tayo sa dormitoryo kung hindi tayo pupunta rito dahil bawal naman lumabas ng akademya nang walang paalam. Alam din naming kaya hinahayaan tayo ng mga guro ay dahil iniisip nilang responsable at disiplinado tayo, kaya hindi rin magandang biguin sila kung ganoon na lang kataas ang tingin nila sa'tin, 'di ba?"

"Ibig mo rin bang sabihin na maaari tayong lumabas ng silid kung kelan natin gusto dahil wala namang nakatakdang gawain?"

"Oo! Basta ay dito lang tayo sa loob ng akademya magpapaikot-ikot ay wala silang problema. Ang ipinagbabawal lang ay ang paglabas nang hindi nila alam. Ganoon nila lubos na pinagkakatiwalaan ang HA-1."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon