Kabanata XXXV

35K 961 53
                                    

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

"ORAS na yata para mas pagbutihin natin ang pagkilos."

Napasimangot ang binata sa kaniyang harapan. "Anong pagkilos na naman, Kuya? Anong balak mo? Kapag ganiyang ganado ka ay kinakabahan ako sa posible mong gagawin."

Napag-usapan na natin 'to, Kuya."

Natawa siya ng mahina sa itsura nito. "Kung makapagsalita ka naman ay parang ang dami-dami kong kapalpakang ginawa. Sadyang hindi na 'ko kuntento na narito lamang ako sa bahay at naghihintay ng mga balita mula sa'yo. Wala rin naman tayong natatanggap na kahit anong utos mula sa matanda." Ngumisi siya. "Isa pa, nais kong panuorin kung paano ka makisalamuha sa dalagang Reverie. Wala na ang Cloak at Dustin. Wala nang sasagabal sa'yo. Hindi ba't napakagandang oras noon para kumilos ka, Don?" Nagungutya niyang wika.

Napabuntong-hininga ang nakababatang kapatid. "Masyado siyang maraming pinagdaanan, paniguradong wala siyang oras para sa ganoon. Hindi rin naman gano'n kalalim ang aking nararamdaman kaya ayokong kumilos at magpadalos-dalos."

"Ano ba 'yang mga pinoproblema mo?" Kunot ang noo niyang tanong habang inaayos ang mga bagong biling alak sa lagayan. "Kung may gusto ka sa isang babae ay may gusto ka. Simple. Walang mababaw o malalim. Saka mo 'yon problemahin kapag may nagawa ka na. Tungkol naman sa marami siyang pinagdadaanan at walang oras, 'di pagbutihin mo lalo para makumbinsi mo siyang sumugal ulit?"

Sinamaan siya ng tingin ni Nhildon. "Bakit ba ako ang pinagkakaabalahan mo? Hindi mo pa sinasabi saakin kung anong balak mong gawin. Anong ibig mong sabihin sa litanya mo kanina? Saan ka pupunta kung hindi ka mananatili rito sa bahay?" Umayos ito ng upo at pinanood siya sa ginagawa. "Bawas-bawasan mo rin ang pag-inom, Kuya. Kahit hindi tayo nagkakasakit sa ating katawan kagaya ng mga mortal ay hindi pa rin magandang puro ganiyan. Mamaya ay alak na rin ang nananalantay sa'yo at hindi na dugo."

Napahalakhak siya at mas naaliw ng marinig ang sermon nito. "Sinusulit ko lang ang mga natitira kong araw na wala akong dapat alalahanin sa tuwing ako'y umiinom."

"Sinusulit? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nito. "Ano ba talagang plano mo at mukhang kakailanganin mong lumabas ng iyong lungga upang maasikaso ito?"

"May kailangan akong puntahan at hindi ko pa napagde-desisyunan kung mananatili ako ro'n o mas pipiliing umuwi-uwi rito tuwing natatapos ang klase." Tumayo na siya ng maayos at tinupi ang pinaglagyan ng mga biniling alak.

"Klase? Anong klase? Saan ka pupunta na may dadaluhan kang klase-?!" Nanlaki ang mga mata ni Nhildon at bahagyang napanganga nang may naisip na posibilidad. "Huwag mo sabihing-?"

"Napakabilis talaga gumana ng utak ng aking bunso." May pinakita siyang papel at kumurap-kurap para mang-asar. "Sasamahan ka na ni Kuya. Estudyante na rin ako ro'n."

❁ ❁ ❁

Royana Gabriel

"Tiyo, sa'n pala 'ko mamamalagi? Kila Mama?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang hawak na magasin. "Hindi ko alam kung babalikan ko pa ang aking dormitoryo pero sa ngayon ay ayokong manatili ro'n kung maaari."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon