Kabanata XIII

51K 1.2K 48
                                        

KASALUKUYAN akong naglalakad papunta sa Heriol habang dala-dala ang librong pinadala sa'kin ni Mama noong huling uwi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KASALUKUYAN akong naglalakad papunta sa Heriol habang dala-dala ang librong pinadala sa'kin ni Mama noong huling uwi ko. 

Ito'y isang librong naglalaman ng iba't ibang klase ng mahika na kailangan ko lang bigkasin ang salita para mapalabas o mabigyang bisa. Ang bilin sa'kin ng ina ay hindi raw ako mahihirapang gamitin ito kaya wala raw akong dapat ikabahala.

Nang nasa tapat na 'ko ng Heriol ay bumwelo ako upang umakyat. Tinuruan na 'ko ni Firro kung paano. Bumwelo lang daw tapos tumalon, talon, talon hanggang sa makarating sa inuupuan naming dalawa.

Inayos ko ang pag-upo at sumandal sa katawan ng puno. Binuksan ko ang libro at naghanap ng pwedeng subukang ibigkas.

Parang may lumabas na ilaw sa ulo ko nang maisip kung anong pwedeng gawin! Sana mayro'n dito. Napangiti akong abot-tenga nang makita ang aking gustong subukan. 

Naghanap ako sa baba ng pwedeng puntiryahin at may nakitang lalaking may hawak-hawak na... butiki? At bumwelong ihahagis 'yon sa isang nakatalikod na babae!

"Hoy, anong ginagawa mo riyan?" Narinig ko ang boses ni Wendy pero hindi ko muna siya nilingon.

"Fier glacies cremor!" Sumilay ang ngisi sa'king labi nang makitang naging sorbetes 'yong lalaki na kasinglaki rin ng orihinal niyang tangkad. Sapul! Lumingon ako sa dalawang kaibigang nasa baba. "Maganda umaga!"

Inalis ni Misha ang tingin sa akin at nilingon ang direksyong tinitingnan ko kanina. "Ano bang pinagkakaabahalan—?! Roy?! Anong ginawa mo?!"

Napatawa si Wendy sa mukha niya kaya naisipan ding lingunin ang dahilan kung ba't ganoon ang reaksyon ng kaibigan, matapos ay kaagad ding nanlaki ang mga mata nito. "Ikaw ang may gawa no'n, Roy?!"

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon nila. Kung pwede lang kuhanan ng imahe ay ginawa ko na!

"Roy! Roy?! Ibalik mo na siya sa dati!"

"Natutunaw na siya!"

Mabilis kong ibinalik ang atensyon doon sa lalaki at nakitang natataranta na ang babaeng babatuhin niya sana ng butiki kanina dahil sa isang sorbetes na natutunaw sa harap nito!

Nagmamadali kong hinanap ang Human sa libro!

"Factus eguus!" Tarantang sambit ko, ngunit mas lalong nanlaki ang aking mga mata ko nang makitang naging kabayo siya! Hala?!

"Roy! Ano bang ginagawa mo?!"

"Ibalik mo na siya sa dati bago pa may makakita!"

Gulat kong ibinalik ang tingin sa libro at nakitang Horse pala ang nasabi ko imbes na Human! Malakas kong tinampal ang aking noo. Mas lalo kaming nataranta nang nagwala na 'yong kabayo!

Dahil sa pagmamadali ay tumalon ako pababa mula sa aking kinauupuang puno at nagkamali yata ako nang pagbagsak dahil kumirot 'yong paa ko! 

Hindi ko muna 'yon pinansin kahit ramdam na ramdam ko 'yong sakit. Hinila ko sila Wendy papunta ro'n sa kabayo. "Tulungan niyo 'kong pakalmahin siya!"

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon