Kabanata XLI

34.4K 894 61
                                        

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

"KUYA, may kumakatok yata! Pwedeng ikaw na magbukas at may ginagawa ako rito sa taas?"

Napailing na lang si Nathaniel na naghahanda ng tanghalian sa kusina. "Tinawag mo pa 'kong kuya kung uutusan mo lang din naman ako!" Pabalik niyang sigaw sa nakababatang kapatid na nasa kwarto nito.

Hinugasan niya ang kamay mula sa paghihiwa ng gulay bago naglakad papuntang sala upang buksan ang pinto. Sino namang pupunta rito kung wala kaming pinagsabihan ng aming paglipat? Nang makitang pamilyar ang indibidwal na nasa tapat ng kanilang bahay ay kaagad napataas ang kilay niya. Anong ginagawa niya rito?

"Celes." Malamig nitong pagbati.

Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. "Cabanes. Matagal din tayong hindi nagkita. Gusto mo ba munang pumasok?" Pekeng niyang alok na sigurado siyang hindi tatanggapin ng kausap.

Walang nagbago sa ekspresyon nito at diretso pa ring nakatingin sa kaniyang mga mata. "Hindi na kailangan. Mabilis lang naman ang sasabihin ko."

"Anong kailangan mo?" Humalukipkip siya at tinaas ang dalawang kilay. "Tungkol saan? Gano'n ba 'yan kaimportante para puntahan ako sa personal ng Kamahalan?" Bakas ang panunuya sa kaniyang tinig. Pinigilan niyang magpakawala ng tawa nang may napagtanto. Nilagyan ko ng mahikal na proteksyon ang bahay upang hindi kami matagpuan, ibig sabihi'y umaaligid-aligid ka na sa lugar na ito bago pa kami lumipat.

Nagtiim-bagang si Cloak sa narinig at ang walang emosyong mukha nito kanina'y napinturahan na ng iritasyon.

"Kuya, sino 'yan?! Si Roy ba?!" Sigaw ni Nhildon mula sa taas.

"Hindi! Nangongolekta lang ng basura!" Natatawang sigaw niya pabalik habang nakatitig sa kaharap. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Wala akong maisip na dahilan upang lapitan mo kami ng personal. Kailangan ba ng mga tauhan mo ng karagdagang sangkap para sa lorem venenum? Sino namang paiinumin mo ngayon?" Hindi man lang niya tinago ang pagiging sarkastiko sa mga salita.

Napansin niya ang pagkuyom ng kamao nito. "Hindi ko rin alam kung anong dahilan nang paglipat niyo malapit sa pamilya ni Antoinette. Layuan niyo siya pati na rin ang mga malalapit sa kaniya habang nakapagtitimpi pa 'ko." May diin nitong pahayag.

Umakto siyang nagtataka at itinabingi pa ang ulo. "Antoinette? Sinong Antoinette?" Pumalakpak siya ng isang beses. "Ah! Si Royana ba?" Tumawa siya nang walang halong emosyon. "Wala nang importansya ang Antoinette sa buhay niya, Kamahalan. Matagal na at alam mo 'yon." Pinakitaan niya ito ng mapaglarong ngiti. "Isa pa, bakit naman namin lalayuan ang isang kaibigan? Kami rin ang madalas niyang kasama nitong mga nakaraang araw."

"Kaibigan?" Suminghap ito na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Kayo? Na katulad ko? Na parte ng lahing pumatay sa iba pang mga Heir at Heirrion? Kaibigan siya?" Ngayon ay ito naman ang pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sa oras na malaman niyang nagpapanggap kayo, sa tingin mo'y magagawa niya pang pag-aksayahan kayo ng oras? Lalo pa at ang angkan niyo ang isa sa mga kasunod naming makapangyarihan."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon