Kabanata IV

63.1K 1.6K 80
                                    

PAGKATAPOS ng seremonya ay nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKATAPOS ng seremonya ay nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid. Sinabihan din ako ni Daga na kailangan niya munang bumalik sa kaniyang dormitoryo sandali kaya kung maaari raw ay mag-isa na 'kong pumunta sa palapag ng aking pangkat. Hindi ko man lang siya napasalamatan dahil bigla siyang umalis.

Dagsaan sa elevator, nagsabay-sabay ang paggamit ng lahat. Buti na lang at mayroon pang dalawang mukhang inilalabas kapag ganoong gipitan kaya kahit papaano ay bumilis ang pag-akyat. Hindi ko nga lang alam kung saan nanggaling dahil biglang lumitaw ang mga ito nang sabay. Siguro'y hindi ko lang napansin kagabi at kanina dahil sa mga iniisip ko.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga nang makarating na sa ika-limang palapag. Sa wakas. Natigil ako sa kinatatayuan nang may nakitang dalawang pinto. Muntik ko nang matampal ang noo nang mapagtantong hindi ko alam kung alin dito ang aking silid. Base sa mga sinabi ng ginang kanina ay inakala kong iisang silid lang bawat palapag, na siyang ipinagtaka ko na naman ngunit napagdesisyunan kong tingnan na lang muna kung ano ba talaga ang itsura.

"Binibining Gabriel!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Xander na kumakaway habang nasa bukana ng pintuan. Napahinga ako nang maluwag at sumilay ang ngiti sa labi. Buti na lang at mukhang kaklase ko siya. Naglakad ako papalapit at umayos siya ng tayo. "Pasensiya na at hindi kita nasabayan dahil may kinailangan akong asikasuhin. Bakit mag-isa ka lang?" Napakamot siya ng batok matapos tingnan ang likod ko na parang inaasahang mayroon akong kasama. "Binilin kita kay Dustin. Nasaan siya?"

"Ayos lang." Malumanay kong saad at bahagyang tinabingi ang ulo sa pagtataka. "Sinong Dustin?"

"'Yong kasama mo kanina?" Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Huwag mo sabihing hindi ka niya sinamahan? Sinigurado kong sabihin sa kaniyang hintayin ka sa tapat ng iyong silid kanina. Isa siya sa may-ari ng tatlo pang silid na kasama natin sa palapag ng dormitoryo. Hindi ka niya hinintay?"

Kumurap-kurap ako. "Mayroong naghintay saakin at kasama ko rin siya kanina..."

"Mabuti naman!" Nakahingang-maluwag niyang wika. "Pero mukhang hindi siya nagpakilala sa'yo?" Mahina siyang tumawa. "Kung ganoon ay si Dustin nga 'yon."

Dustin? D? Napapitik ako sa hangin nang matapos sa pagkonekta. "Ah. Siya si Daga?"

"Sinong Daga?" Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Daga na Dustin pala ang pangalan.

Ngumiti ako. "Ikaw."

Tinitigan niya lang ako at nilagpasan para makapasok sa loob. Napansin ko ring may hawak siyang tinapay na kalahati pa lang ang bawas. 'Yon ba ang binalikan niya sa dormitoryo? Nakaramdam ako ng konsensiya. Hindi ba siya nakakain ng agahan dahil kinailangan niya 'kong samahan?

Narinig kong tumatawa si Xander. Nagtataka ko siyang tiningnan pero umiling lang siya at sinubukang patigilin ang sarili sa pagtawa. "Ang galing mong gumawa ng pangalan, Binibining Gabriel." Tumabi siya nang kaunti at inilahad ang kamay bilang senyas na mauna akong pumasok.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon