Kabanata XXVII

37.6K 992 55
                                    

SIMULA noong nawalan ako ng malay, hindi na ulit ako pinayagan ni Cloak na mamasyal sa ibang lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIMULA noong nawalan ako ng malay, hindi na ulit ako pinayagan ni Cloak na mamasyal sa ibang lugar. Bumalik na muli sa akademya at bahay lang ang aking napupuntahan.

Pilit kong inaalala ang mukha ng babae noong araw na 'yon ngunit hindi na malinaw ang kaniyang itsura sa'king memorya, marahil ay nabigla ang aking isip nang biglang sumakit ang ulo ko noong kasama ko siya. Pilit kong sinusubukang alalahanin ngunit kumikirot lang ang aking ulo kaya tinigilan ko muna pansamantala. Ipapahinga ko muna ang aking sarili at susubukan ko ulit sa susunod. Isa pa, tanda ko pa ang kaniyang boses pati na rin ang aming mga pinag-usapan.

Simula rin nang nangyari 'yon, dalawang beses sa isang araw na pinapainom sa'kin ni Cloak ang gamot. Wala namang problema saakin dahil mukhang tumatalab naman ito. Nabanggit ko rin sa kaniya na nagsimula na 'kong makaalala, kahit pa wala na 'kong matandaan sa'king mga nakita. Nadismaya ako nang sinabi ko sa kaniya dahil ang inaasahan kong tuwa sa kaniyang ekspresyon ay hindi ko nasilayan, sa halip ay tanging tipid na ngiti lamang ang ibinigay niya sa'kin.

Mukhang apektado talaga siya sa nangyari kaya hindi ko magawang itanong sa kaniya kung ano ang maaaring ibig sabihin ng pinag-usapan namin ng babae. Hindi ako mapakaling balewalain lang ang pangalang binanggit nito kaya gusto ko sanang alamin mula sa kaniya kung may kilala siyang Royana Gabriel, lalo pa't siya ang hari at malaki ang posibilidad na kaya niyang maghukay ng impormasyon, ngunit ayoko nang dagdagan pa ang bigat ng loob niyang halata kong dinadala niya pa rin hanggang ngayon.

"Dito na lang kayo, hindi niyo na kailangang pumasok sa loob." Pigil ko sa mga guwardiyang kanina pa nakasunod saakin.

Ang pilit kong tinatanggihan noon ay kasama ko na ngayon. Araw-araw na 'kong may buntot na mga guwardiya. Hindi ko natanggihan si Cloak dahil nahalata kong sobra ang kaniyang niyang pag-aalala.

"Ngunit Mahal na Reyna-?"

"Hindi naman ako tatakas. Wala ba kayong tiwala sa'kin?" Dinaan ko sa lamig ang aking tono para iparating na seryoso ako. "Isa pa, nasa loob si Crystal. Pinalilibutan din ako ng napakaraming estudyante. Kayang kaya niyo 'kong hanapin kung bigla kong gawin ang inyong kinatatakot." Hinilot ko ang aking sentido. "Pero hindi ko gagawin, ayoko ring dumagdag sa sakit ng ulo ng inyong hari."

Halos may pumisil sa'king dibdib nang ang bumungad sa'kin mula sa pagkawala ng malay ay ang pagod niyang mukha, na halatang hindi umalis sa'king tabi buong oras na ako'y natutulog. Nabanggit niya sa'king ilang araw daw akong hindi gumigising. Kaya hindi ko rin magawang magreklamo at hinayaan na ang kagustuhan niyang mayroong mga magbabantay saakin. Baka raw may dumagdag pang mga kalaban niya sa politiko na tangkain akong saktan at sumabay pa sa nararanasan kong sakit. Mas mabuti na raw na siguradong protektado ako mula sa ganoong posibilidad.

Nagkatinginan silang mga guwardiya, matapos ay bumuntong-hininga. "Sige po." Yumuko sila bilang paggalang at hinayaan na 'kong mauna. Sinundan ko sila ng tingin at pumwesto sila sa gilid, na mukhang ang balak ay manatili ro'n hanggang sa matapos ang aking klase.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon