Kabanata XLIV

36.6K 909 221
                                    

Narrator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator

NANLALAKI ang mga matang nakatitig si Royana sa binatang biglang lumabas na nagpatigil sa paglalaban nila ni Dustin. "C-Cloak?"

"Ang tagal nating hindi nagkita." Malamig na bati nito habang tinititigan siya. "Mukhang mas maayos na ang iyong estado kumpara noong huli nating pag-uusap."

Nanatili namang tahimik ang binatang Firro at napagdesisyunang obserbahan muna sana ang nangyayari, ngunit nang sinulyapan niya si Dana na halatang nagtataka rin ay nagsimula nang bumuka ang bibig nito. "P-Pamilyar ka. Hindi ba't isa kang Nemesis?"

Napapikit siya ng mariin. Hindi talaga napipigilan ang bibig. "Anong ginagawa ng isang Cabanes dito?" Wala na siyang nagawa kun'di magsalita, matapos ay naglakad papalapit para agawin ang atensyong napunta sa bunsong kapatid. "Paano ka nakapasok?"

"Kung aking gugustuhin ay hindi mahirap butasan ang harang ng inyong akademya." Walang emosyon nitong wika. "Sadyang hindi lang ginagawa ng ibang katapat ko ng antas ng lakas, dahil sa takot na mabastos ang punong-guro niyo. Ang balita'y siguradong makararating sa mga nakatataas ng inyong lahi na maaaring magsindi ng gulo, o mas malala, digmaan."

"Sinasabi mo bang hindi ka natatakot?" Seryosong tanong niya. "Wala kang pakialam kaya narito ka?"

Kumurap-kurap ito. "Bakit? Sa pagkakaalam ko'y hindi problema na may Nemesis dito. Anong pinagkaiba ko sa dalawang kasalukuyang estudyante-?"

"Anong ginagawa mo rito, Cloak?" Putol ni Royana. "Anong naisipan mo at tumapak ka rito?"

Napataas ang kilay ni Dustin sa biglaan niyang pagsingit ngunit hinayaan lang silang magpatuloy.

Nawala naman ang aliw sa ekspresyon ng binatang Cabanes nang mapansin ang ginawa niyang pagpigil sa sasabihin. Nanunuri ang mga mata nito upang siguraduhin ang suspetsa. "Kagaya ng sabi ko, Antoinette, ginagaya ko lang ang dalawang-"

"Cloak." May diin niyang sambit.

Bahagya itong napanganga na tila nakumpirma ang nasa isip. "Alam mo?" Hindi makapaniwala nitong tanong, matapos ay natawa ng mahina. "Alam mo ngunit hinahayaan mo lang?"

"Tatanungin ulit kita." Malamig niyang pahayag. "Anong pakay mo?"

Tumahimik ito sandali, ngunit nanatili pa rin ang tingin sa kaniya. Tinibayan niya ang loob at sinalubong ang titig nito. Sa kabilang banda'y alerto lang ang binatang Firro, naghihintay ng posibleng kilos na magbibigay-dahilan upang dumepensa.

"Wala namang malaking rason." Mahinang saad ni Cloak. "Gusto lang kitang makita nang malapitan. Sa paraang alam mo. Hindi sikretong maaari mong ikagalit."

Huminga siya ng malalim, wala sa sariling kinuyom ang kamao nang maramdamang kumalabog ang dibdib sa narinig. Dapat ko ba itong paniwalaan? Bago pa siya makasagot ay napalingon siya sa direksyon ng lagusang unti-unting lumalabas. "Mama."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon