Kabanata XXIII

40.1K 999 47
                                    

TINOTOO ng nanay ko ang sinasabi niyang dito sa akademya gaganapin ang aking kaarawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TINOTOO ng nanay ko ang sinasabi niyang dito sa akademya gaganapin ang aking kaarawan.

Ito talaga si Mama. Masyadong magarbo sa kaniyang mga pakulo. Kahit pa hinahayaan ko siya para sa kaniyang sariling kasiyahan, hindi ko pa rin maiwasang mainis.

"Anak!" Napalingon ako sa pinto. "Ito ang susuotin mo, ha?" Mabilis niya 'yong nilapag sa kama. "Sige, paalam!" Napakunot-noo 'ko dahil sa pagmamadali niya.

Binuksan ko 'yong kahon at pagtingin ko ay puting gown ang nasa loob noon. Napangiwi ako nang mapagtantong ang itsura nito'y parang pang-kasal. Sinuot ko na 'yon at nang tiningnan ko ang sarili sa salamin ay mas lalo akong napangiwi. Mukha nga akong ikakasal, kulang na lang ay ang telang ipapatong sa ulo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ito ang napili ni Mama kung alam niyang asul ang hilig kong kulay.

"Royana." Napalingon ako sa pinto at nakitang nakasilip ang Tiyo. "Bilisan na. Kanina ka pa nila hinihintay." Seryoso ang ekspresyon nito at ang madalas na aliw sa ekspresyon ay hindi ko nakita.

Tumango ako. "Sige, Tiyo. Nariyan na."

Nang paglabas ko ng dormitoryo, nakita ko si Mama at Tiyo Albert na naghihintay.

Tiningnan nila ko mula ulo hanggang paa, matapos ay parehas na ngumiti. Sinuklian ko rin 'yon ng isang matipid.

"Isuot mo 'to, 'nak." Biglang labas ni Mama ng isang tela at pumunta sa'king likuran. "May surpresa kami para sa'yo." Hindi pa 'ko nakasasagot ay piniringan na niya 'ko. Ano na naman 'to?

Walang salita akong bumuntong-hininga. Sa pagkakataong ito ay wala na 'kong lakas magprotesta. Ni hindi ko nga alam kung ang pagdiriwang na gagawin ngayon ay kami-kami lang ng mga kaibigan ko o mas pinili nilang isama ang ibang mga estudyante mula sa kabilang mga pangkat at ini-anunsyo na lang na isa lang itong simpleng kasiyahan.

Naramdaman kong sumakay kami sa kotse, at nakumpirma ko nga dahil narinig ko ang pagbukas ng makina.

Sa ilalim ng piring ay kumunot ang noo ko. "Akala ko ba'y sa loob ng akademya gaganapin? Bakit kailangan pa nating magkotse?"

Hindi nila 'ko sinagot at walang ni katiting na ingay akong narinig mula sa kanila sa buong byahe na mga dalawampung minuto ang itinagal. Nang naramdaman kong pinatay na ang makina'y inalalayan na nila 'ko pababa.

"Handa ka na, 'nak?" Mahinang tanong ni Mama na walang kasabikan sa tono na siyang ipinagtaka ko. Hindi ba't siya 'tong tuwang tuwa tungkol dito?

Nagpakawala ako ng hingang malalim. "Bilis na."

Nang tinanggal na nila ang piring ay ilang segundo kong kinurap-kurap ang aking mga mata. Umayos na ang lumabo kong paningin at nagulat nang makitang nasa tapat kami ng... simbahan?

"Ma, anong ginagawa natin dito?" May naiisip na 'ko kung anong mangyayari pero sana ay hindi totoo. Hindi naman siguro ganoon ang magiging regalo nila sa ika-labingwalo kong kaarawan, ano? Saka uso pa ba 'yon ngayon? O dahil nasa mundo kami ng mahika kaya ganoon?

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon