Kabanata VII

54.4K 1.4K 62
                                    

KINUSOT-KUSOT ko ang aking mga mata upang alisin ang antok na nararamdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINUSOT-KUSOT ko ang aking mga mata upang alisin ang antok na nararamdaman. Katatapos ko lamang maligo ngunit tila hindi gumana ang malamig na tubig para gisingin nang tuluyan ang diwa ko. Marahil ay dahil halos limang oras lang ang tulog ko. 

Sinulyapan ko ang orasan sa pader. Alas kwatro pa lang ng madaling araw, pero gising na ako.

"Tagal ko nang hindi nakatikim ng lutong-bahay!"

"Ang sarap naman nito, Roy!"

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at nagpatuloy sa pagsalin ng tubig sa mga baso. Sila ang dahilan. Kinalabog ba naman nang kinalabog ang pinto ko kaninang alas tres dahil kailangan daw namin lahat ng oras na mayroon ngayong linggo para maturuan nila 'ko. 

Matapos ay tinanong nila ko kung maaari ko raw ba silang ipagluto ng almusal nang malaman nilang may mga luto akong alam, lalo na at sarado pa raw ang kainan ng akademya dahil masyado pang maaga.

Inilapag ko ang mga inumin sa lamesa at umupo sa kanilang harapan. "Ano bang mga dapat kong matutunan?"

"Titingnan muna natin kung wala ka nga ba talagang kapangyarihan." Tugon ni Wendy na may laman ang bibig. "'Yon muna ang dapat nating pagtuunan ng pansin."

Kumunot ang noo ko. "Tapusin mo munang ngumuya." Hindi ko napigilang sawayin siya dahil hindi ko talaga kayang tiisin ang mga nagsasalita nang may kinakain, pati na rin ang mga maiingay ngumuya.

Binigyan niya lang ako ng alanganing ngiti at nagpatuloy na sa pagkain, saka lang siya nagsasalita kapag natapos nang lumunok.

Uminom ng tubig si Misha bago tumikhim. "Hindi kasi natin pwedeng palagpasin ang posibilidad. Maaaring tinanggap ka ng punong-guro dahil alam niyang mayroon kang kapangyarihan at hindi ka lang sinabihan para alamin mong mag-isa. Kakaiba pa naman minsan mag-isip ang ginoong 'yon." Nakangiwi niyang wika. 

Nang sinabi niya 'yon ay saka ko lang napagtanto na hindi ko pa nakikita 'yong punong-guro. Wala kasi akong dahilan para hanapin siya dahil maayos nga ang proseso ng paglipat ko, pati na rin ang aking mga katanungan ay nasasagot naman ng mga kasama ko sa HA-1.

"Ang sabi mo ay walang sinabi sa'yo ang iyong mga magulang tungkol dito, hindi ba?" Tanong niya na tinanguan ko. "Baka mayroon din silang alam dahil sigurado namang kinausap muna sila ng akademya bago ka inilipat dito."

"Basta kung mayroon man ay kailangan nating malaman na nang mas maaga para mapalago ito. Kung wala naman ay ituturo namin sa'yo ang mga pwede mong gawin upang magamit natin ang iyong katalinuhan tuwing kailangang lumabas para manghuli ng mga mahikero, o kung may sasalihan tayong paligsahan." Nakangiting pahayag ni Wendy, matapos ay nagtataka akong tiningnan. "Hindi ka kakain?"

Umiling ako at itinaas ang tasa kong may maiinit na tsokolate. "Sa ganito sanay ang aking tiyan tuwing umaga, minsan ay kumakain ako ng tinapay. Hindi ko hilig kumain ng mabigat para sa almusal."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon