Kabanata XX

45.4K 1.1K 48
                                    

"WALA ka talagang balak mamansin, Wendy?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WALA ka talagang balak mamansin, Wendy?"

Nakabalik na kami sa akademya at kasalukuyang nasa silid ng aming pangkat. 'Yon mismo ang ikinatatampo nitong isa. Bakit daw bumalik na kami kaagad? Bakit daw nahanap namin kaagad 'yong mahikero? Hindi man lang daw kami nakaisang araw do'n sa resort.

Humalukipkip siya. "Hindi man lang natin nagamit 'yong two-piece! Hindi man lang tayo nakasilay sa mga pogi!" Sumbat nito at siniringan ako. "Bakit kasi nakita mo kaaagad, Roy?!"

"Tingin ko'y nagsisisi na rin ako dahil sa sinabi mo." Natatawa kong saad para pagaanin ang kaniyang loob.

Ngumuso naman siya para pigilan ang ngiti. Nagtaka ako nang bigla siyang nagpakawala ng tawa habang nakatingin sa aking likuran. "Lagot ka ngayon. Karma."

Nilingon ko kung anong tinutukoy niya at nakitang malamig ang tingin ni Firro sa aming direksyon. Kunot-noo kong sinalubong ang kaniyang mga mata. "Bakit?"

Bakas naman ang pagkagulat sa kaniyang ekspresyon nang napagtantong kinausap ko siya. "Wala." Tila kuntento niyang tugon bago humalumbaba sa kaniyang upuan at pumikit.

Nilingon ko si Wendy at nakangisi pa rin siya. Ngumiwi ako. "Ano na namang tumatakbo riyan sa isip mo?"

Tumaas-baba ang dalawa niyang kilay. "Seloso pala 'yan, nakatutuwang panoorin." Hagalpak pa ng tawa niya na halatang pinaririnig sa katabi ko. "Salamat sa pagdating, Roy, at nakikita na namin ang iba pang pang taong emosyon sa lalaking 'yan." Sabay kindat niya at pumalakpak pa.

Akmang kokontrahin ko ang kaniyang sinabi nang bahagya akong napaatras, dahil bigla siyang tumayo at naglabas ng hangin! Nilingon ko kung saan niya 'yon inihagis at saktong pumasok si Xander sa pinto na kaagad ding yumuko para umilag!

Mahina akong natawa. Talagang inabangan niya ang enerhiya nito?

"Nasa'n pala si Misha?" Tanong ko nang masulyapan ang upuang kanina pa bakante sa'king tabi. "Saka si Nhildon?" Pansin ko rin sa isa pang upuan. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang lalaking 'yon.

"Baka magkasama." Natatawang sagot ni Xander habang iniilag-ilagan si Wendy sa mga suntok nito.

Napakurap-kurap ako. "Talaga?"

"Naniwala ka naman kaagad?!" Biglang pasok ni Nhildon at umupo sa tabi ko na upuan dapat ni Misha. "Bakit naman kami magsasama ni Reniva?" Sarkastiko nitong tanong sa'kin.

Napailing ako sa'king sarili. Kung hindi niya kasama si Nhildon ay may kutob na ako kung ba't wala siya rito. Ibinalik ko na ang atensyon sa kaharap na kasalukuyang bumubungisngis. "Bakit?"

"Katakot ka, Roy." Natatawan nitong wika. "Umiiling kang mag-isa."

Ngumiwi na lang ako. "Tagal nating 'di nagkita. Saan ka galing?" Nagtatakang kong tanong.

"Bakit?" Ngumisi siya at tinaas-baba ang dalawang kilay. "Nangulila ka?"

Akmang babatukan ko siya nang kaagad itong tumayo para umilag. Dumila siya na nagpakunot ng noo ko. Pasaway.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon