Angelica as herself
Taehyung as TonyYoongi as Yves
Jimin as Jaden
Jungkook as Jeric
Namjoon as Nico
Hoseok as Harold
Seokjin as Sild"Sige pa bes! Ubusin mo yang isang buong cake na yan. Kala mo ba matutulungan kang mag move on niyan? Taba lang dadagdag sayo." Sigaw ng bestfriend kong bruha.
"Ano gusto mong gawin ko?" Tanong ko naman sa kanya.
"Lumabas ka! Hanap tayo ng bago or ibang pagkaka abalahan mo. Alam mo hindi na babalik yung Jeric na yun. Ikaw naman kasi, matagal ka ng sinsabihan na hindi seryoso yung lalaking yon. Diba nga international playboy yon, di ka naman nakinig!"
Hindi ko namang maiwasang lumuha dahil sa naalala ko kung paano ako pinaglaruan ng lalaking yon! Matagal na akong may gusto sa kanya kaya nang ligawan niya ko, sobrang saya ko. Sabi niya, ako pinaka magandang babae sa paningin niya, yon pala marami kami. Leche flan kang Jeric ka!
"Bes! Angelica!" Sigaw ng bestfriend ko.
"Ano?!" Sagot ko habang umiiyak.
"Wag ka na ngang umiyak. Yan, magbihis ka kasi lalabas tayo ngayon din!" Sabay tapon sakin ng mga damit ko. Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong kukulitin din ako ni bes para lumabas kami.
-Sa Mall
"Grabe ang gaganda nung mga bagong sapatos no?" Excited na tanong ng bestfriend ko. "Hoy, Angelica! Di ka naman nakikinig eh! Tara upo tayo dun." Turo niya sa bakanteng upuan sa labas ng mall. Umupo naman kami para makapagpahinga dahil kanina pa kami paikot ikot dito sa mall.
"Oo maganda pero di ko trip." Malumanay ko namang sagot.
"Di ko na talaga alam. Wait lang ha, antayin mo ako titingin lang ako dun sa binibilhan ko ng kpop album." Umalis nga si bes at iniwan ako.
Hays, ang hirap naman talaga pag broken hearted ka. Napatingin na lang ako sa langit at pumikit. Hiniling na sana madapa si Jeric kung nasaan man siya. Hahaha! Sana nga madapa. Napagulantang naman ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Lalim naman ng iniisip mo." Tanong ng lalaking tumabi sakin. Napatingi ako sa kanya at infairnes gwapo as in sobrang gwapo.
"Haha! Wala akong iniisip." Tugon ko sa kanya. Grabe di ko kaya yung feeling kasi para akong na love at first sight sa kanya. Ibang iba yung naramdaman ko sa kanya kumpara kay Jeric. Takte Angelica, okay ka lang? Kala ko ba broken hearted ka?
"Ha? Wala kang iniisip? Anong laman ng utak mo? Pano mo nagagawa yun na wala kang iniisip?" Confused niyang tanong.
"Haha! Secret. Nakakatawa ka! Diba classmate kita sa isang subject? Angelica nga pala." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Tony nga pala. Pero mukha kang malungkot kanina. Ah, alam ko na!" Sabay hila niya sakin.
"Teka lang saan tayo pupunta? Hinihintay ko yung kasama ko."
"Babalik din kita dito wag kang mag-alala. Papasayahin lang kita." Nakangiting sagot niya.
Yon nga ang nangyari, pinasaya ako ni Tony buong mag hapon. Nagpunta kami sa Tom's world at naglalaro ng lahat ng games dun. Pati karaoke pinasok namin at kinantahan pa niya ako. Ni libre niya ako ng pagkain at ang weird dahil pinaghalo niya yung mga pagkain at saka namin tinikman. Nagpa picture din kami sa mga studio ba yun? Basta ang dami naming ginawa na weird pero sobrang saya. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko na dapat ko palang hintayin yun bestfriend ko. Higit sa lahat nakalimutan ko na broken hearted pala ako.
"Tony kailangan na nating bumalik. Magagalit yung bestfriend ko." Nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"Ah, oo nga pala. Halika na. Hatid na kita dun."
Nang malapit na kami sa pwesto ko kanina ay nagpaalam na ako kay Tony. Baka kasi pag nakita siya ni bestfriend ay pagalitan pa siya.
"Salamat pala kanina ha." Nakangiting sabi ko.
"Salamat din Angelica kasi pinayagan mo akong pasayahin ka. Sige na mukhang galit na yung bestfriend mo. Kita na lang tayo ulit bukas ha. Antayin kita dun sa pwesto mo kanina." Masayang sabi ni Tony. Bukas ulit? Napatango na lang ako. Why not diba? Masaya namang kasama si Tony.
--
Tony's P.O.V
"Lagay mo ng tama yang mga bulaklak at ingat baka mabasag mo yung vase." Utos ko kay Nico.
"Hanep Ton! Proposal na talaga!" Excited naman na usal ni Harold.
"Ganon talaga, mahal ko eh!" Sagit ko naman. "Saan na ba si Yves? Siya yung tutugtog ng piano mamaya." Pag-aalala ko.
"Don't worry Ton. Sinabihan ko na siya. Tulog daw muna siya kasi mamaya pa naman daw. Alam mo naman yun." Sagot naman ni Jaden.
Yes. I've been planning this proposal for sometime now. Magkaklase kami ni Angelica noon at may gusto ako sa kanya pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Hanggang sa naging sila nung ex niya at hindi na talaga ako nagkaroon ng chance. Pero kahit ganoon, I still like her. Kaya nung nalaman ko na naghiwalay sila. Nagkaroon ako ng kompyansa at sinabi ko na magtatapat ako sa kanya. When I saw her at the mall, I took every courage I have to talk to her. Since then di ko na siya pinakawalan hanggang sa naging kami at ngayon anniversary namin so I plan to propose to her.
"Ton, parating na siya!" Sabi sakin ni Nico. Nakapasok na nga si Angelica sa kwarto nang magsimulang tumugtog si Yves sa piano.
"Babe, what's this?" Gulat naman na tanong ni Angelica habang binigay naman ni Harold yung flowers sa kanya then I get down on one knee.
"Babe, it's been years that were together. I'm very grateful that I didn't waste my second chance to talk to you. I still remember how you were devastated at the mall but I can't ignore it because I want you to be happy. I'm sorry if sometimes I'm so weird but I know that's what you love about me(wink). Ngayon ayokong makita ka araw araw, gusto ko habang buhay. I want to wake up every day next to you. I love you, Angelica. Will you marry me?" Kinakabahang sabi ko.
"YES!" Sigaw ni Angelica then she hugged and kissed me. Habang nagpalakpakan na lang ang mga tao sa paligid namin.
-
What do you think?
– soulyeiko
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]