Tuloy tuloy naman ang pagbahing mo habang tinitignan ang sarili mo sa salamin. Sorang hina ng katawan mo kaya hindi ka makatayo dahil sa sama ng pakiramdam mo. Uminom ka ng gamot at kumain kahit wala kang panlasa pero hindi matigil ang pagbahing mo at mukhang magkakaroon ka pa ng ubo. Kahit ang lagnat mo ay ayaw bumaba ang temperatura.
Bigla namang tumunog ang cellphone sa kwarto kaya nagmadali kang maghilamos at lumabas ng banyo para tignan kung ano yon. Sa pagmamadali mo hindi mo nakita kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Sabi pero bigla kading natigilan dahil sa sumakit ang lalamunan mo.
"Saan ka na?" Tanong ni Jungkook sa kabilang linya saka mo naalala na may date pala kayo ngayon at nakalimutan mo.
"Babe~ Sorry, sa tingin ko hindi na ako makakapunta dyan. Pasensiya na babe, sa susunod na lang." Malungkot mong sabi.
"Sana kanina mo pa sinabi. Andito na ako sa harapan ng bahay niyo." Sabi ni Jungkook at saka ka naman nakarinig ng katok sa pinto. Pumunta ka doon at binuksan ito hawak padin ang cellphone mo.
"Babe~" Mahinang mong sabi pagkakita mo sa kanya. Hindi mo namna maiwasang ma guilty dahil talagang nakaporma siya ngayon para sa date niyo. Lumapit namna si Jungkook sayo para yakapain ka pero bigla kang umaatras. "May sakit ako babe baka mahawaan ka." Dagdag mo pero bigla niyang hinila ang kamay mo at niyakap ka kaya wala ka nang nagawa.
"Halata naman sa boses mo na may sipon ka." Sabi ni Jungkook. Napabungtong hininga ka na lang at hinayaang yakapin ka. "Sige na, higa ka na at ipagluluto kita." Dagdag niya. Napatingin ka naman sa kanya at napangisi.
"Uhmm.. Babe~ Kailan ka pa natutong magluto?" Tanong mo sa kanya pero pintik niya ng mahina ang noo mo at napatawa ng mahina. Lumayo ka naman at nagpunta sa sofa para mahiga.
"Chicken soup or carrot soup babe?" Tanong ni Jungkook at dahil sa wala ka sa mood para sa gulay kaya naman chicken ang sagot mo.
Mayamaya naman ay napuno ng amoy ng chicken soup ang paligid dahilan para mapatayo ka at pumunta sa kusina kung nasaan si Jungkook.
"Ang bango naman niyan~" Sabi mo saka niyakap siya sa likod habang tinatapos ang niluluto niya. "Ang swerte ko namna sa boyfriend kong marunong magluto." Dagdag ko sa ka siya niyakap ng mahigpit.
"Halika na at papakainin pa kita ng mabilis kang gumaling." Sabi niya kaya namna kumalas ka sa pagkakayakap at sinundan siya papunta sa lamesa kung saan noya nilapag ang pagkain. Umupo siya at pinaupo ka niya sa tabi niya.
"Sorry talaga babe kung hindi natuloy ang date natin ngayon." Malungkot mong sabi. Ngumiti lang si Jungkook at hinalikan ka sa pisngi.
"Okay lang. Mas mahalaga sakin ang health mo pero sa susunod magsabi ka para maalagaan kita agad agad. Tsaka date din naman to kahit nasa bahay lang ang mahalaga magkasama tayo." Sabi ni Jungkook saka ginulo ang magulo mo ng buhok.
"Ayyyy~ Haha. Love you babe~" Yan na lang ang nasabi mo dahil sa kilig.
Hindi naman hinawaan ni Jungkook na kainin mo mag isa ang soup. Sinubuan ka niya at hindi ka nagreklamo dahil mas gusto mo yun. Kahit hindi nga natuloy ang date masaya ka parin dahil kasama mo siya at inalagaan ka niya ng buong araw na yun.
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanficBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]